Chapter 11

13.8K 441 95
                                    

Kian Ice Falco POV

"Namiss kita, anak! Buti at napadalaw ka rito?" Masayang tanong ni Dada Zeref at kinabig ako ng yakap.

Agad ko naman itong ginantihan ng mahigpit na yakap na ikinatawa niya.

"Ah opo, miss ko na po kasi kayo. At tsaka sorry po kung ngayon lang nakapunta. Busy po kasi sa school at sa kompanya." Saad ko sa kanya bago humiwalay ng yakap.

Lumapit naman ako kay Mama Aizen at niyakap rin ito at hinalikan narin sa noo tulad ng palagi kong ginagawa.

"I miss you, Mama." Malambing na saad ko na ikinangiti niya.

Naisipan kong pumunta rito dahil miss na miss ko na talaga sila. At balak ko rin sabihin sa kanila yung tungkol sa kasal.

Kinausap ko si Dada at pilit na pinapaurong sa kanya ang kasal pero hindi niya ako sinasagot o pinapansin. Pakiramdam ko may mali eh.

Kasama ko nga pala si Aize na pumunta rito. At yung kahapon, naglibot lang kami tas bumalik agad. Ewan ko ba sa babaeng yon may sayad ata.

"Ahm may gusto po sana akong sabihin." Kinakabahang saad ko sa kanila bago sila igaya paupo. Tatabi sana ako kay Dada Zeref pero hinila ako ni Aize patabi sa kanya.

Kinuha ko ang dala kong invitation card at ibinigay sa kanila. Labag sa kalooban tong gagawin kong pagpapakasal pero baka ito na nga ang nakatadhana sa akin. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ni Dada Axcel kung bakit siya pumayag sa gusto nung tatay ni Ma'am Anderson.

"Ikakasal ka na!?" Sabay na sigaw ni Mama Aizen at ni Dada Zeref kaya napatakip kaming dalawa ni Aize sa tenga namin.

Kita kong hindi makapaniwala silang nakatingin sa akin.

"Anak, ang bata mo pa. Bakit ang aga mo naman atang ikasal?" Tanong no Dada Zeref.

"I-Ito po yung gusto ni Dada Axcel." Sagot ko rito.

Kita ko ang pagkunot ng noo niya dahil sa sagot ko.

"Huh? Kilala ko si Axcel, hindi yon basta basta pumapayag. Hayaan mo, ayaw mo bang maikasal sa babae? Kakausapin ko Dada mo." Tumango naman ako rito at ngumiti.

"Yeah right, Dada. Hindi siya pwedeng maikasal sa iba." Singit naman ni Aize kaya napatingin kaming tatlo sa kanya.

Sasabihin niya ba yung about sa nangyari sa aming dalawa?

Kinakabahan akong naghihintay ng sunod niyang sasabihin.

"Why, Aize?" Rinig kong tanong ni Mama Aizen.

"Because... Wala lang." Sagot niya na ikinakunot ng noo naming tatlo.

Napalayo ako ng konti kay Aize, ramdam ko ang matatalim na titig niya pero hindi ko na pinansin pa.

"A-Ate an." Napalingon ako ng may bulol na tumawag sakin.

Agad na nagningning ang mata ko ng makita siya at kinandong ito sakin bago pugpugin ng halik ang buong mukha.

"Hello baby Dabdab! Kamusta ka? Miss mo ate an?" Tanong ko na ikinatango niya.

Hinawakan niya naman ang mukha ko at hinalikan ako sa labi. Napangiti naman ako sa kasweetan ng bunsong anak nila Mama Aizen. Cute niya talaga kakainis magkamukha kami haha.

Nagulat ako ng lumapit si Aize sa amin ng kapatid niya at hinalikan ito sa labi bago ngumisi.

Okay?

Itinayo ko sa kandungan ko si baby Dabdab at nilaro laro ito. Ramdam ko ang tingin nila Mama Aizen at Dada Zeref sa amin.

"Sabihin mo, Ate Kian." Pagtuturo ni Aize sa bunsong kapatid niya.

Her Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon