"Anak, be ready na aalis na tayo." Rinig kong saad ni Dada Axcel na tipid ko lang tinanguan habang nakatingin parin sa aking sarili sa salamin.
Tngina bukas na.
Napatingin naman ako sa singsing na nasa daliri ko. Wala sa sariling napangiti ako bago ito hinaplos. It's from Aize, bigay niya kahapon.
About sa nangyari kahapon sa halikan namin ay hindi naman naging awkward, mas lalo pa nga siya naging clingy eh.
Hindi ko rin napuntahan si Luna non dahil mas pinili kong makasama si Aize sa condo niya. Ayaw din naman kasi ako paalisin nung isa.
Nabaling ang atensyon ko sa cellphone kong nasa ibabaw ng table kaya tinignan ko ito.
Baby Aize 🖤 calling...
Siya naglagay niyan kahapon, hinayaan ko nalang. Dinilete niya rin number ni Luna sa cellphone ko, haynako.
Nakangiti kong sinagot ang tawag nito.
"Hello?"
"H-Hi." Rinig kong bati niya sa kabilang linya.
Bakit siya nauutal?
"Okay ka lang ba?" Tanong ko bago tumayo at inayos ang postura ko.
This is it.
Sa France kami ikakasal, doon daw gusto ni Luna. Ayaw ko magpakasal sa ibang bansa pero wala naman akong magagawa kundi ang sumunod sa gusto nila. Gusto ko lang ng simpleng beach wedding, pero ayoko naman na tuparin 'yon sa kanya. Bahala siya.
"Hey, are you still there?" Nabalik ako sa ulirat ng magsalita si Aize sa kabilang linya.
"Ehem, yeah. Napatawag ka nga pala?" Mahinanon kong tanong rito at kinuha na ang maleta.
Naririnig ko na kasi ang pagtawag ni Dada sakin.
"I love you, Kian." Napahinto ako sa tapat ng pintuan ng marinig ko ang salitang binitawan niya.
Napatango tango ako sa kawalan at huminga ng malalim. Hindi ko kayang suklian ang nararamdaman niya dahil kapatid lang talaga ang turing ko sa kanya.
May magkapatid bang naglalaplapan? Fck, shut up.
Hindi ko rin maipalawanag ang nararamdaman ko kay Aize pero isinasawalang bahala ko nalang ito. Kabag lang 'to.
"I love you, Kian. I'm sorry sa gagawin ko."
Nabalik ulit ako sa ulirat ng marinig ko ang boses niya. Mahina lang iyon pero sapat na para marinig ko. Sorry saan?
Bago pa ako makapag salita ay binabaan na ako nito ng tawag.
Napakamot nalang ako ng batok bago tuluyang lumabas ng kwarto. Pagbalik ko sa kwartong 'to, hindi na ako single. Shvta.
"Andito ka na pala, sa Asawa mo na ikaw sumabay, nasa labas na siya." Bungad sa'kin ni Dada ng makababa ako.
Pilit ko siyang ngitian bago tumango rito at nagpaalam na lalabas na. Susunod nalang daw siya.
"Hi babe! You look hot today. Can't wait to be your wife." Pilit ko naman na ngitian si Luna bago siya pagbuksan ng pinto.
Napailing nalang ako bago ipasok ang gamit namin sa likuran ng kotse. Bahala na.
Pagpasok ko sa loob ng kotse ay bumungad sakin ang nakangiting si Luna. Ang weird niya mukha siyang baliw na takas sa mental. Yung psychopath.
Nagulat ako ng dumukwang ito palapit sakin at binigyan ako ng mabilisang halik sa labi. Kadiri.
Napahinga ako ng malalim bago paandarin ang sasakyan papunta sa airport nila. Private plane raw nila ang gagamitin namin.
BINABASA MO ANG
Her Obsession
General Fiction"Kian is mine, mine alone." - Gaia Aize Vermilion. "Magkapatid tayo, Aize!" - Ice Kian Falco. Warning: GXG STORY! Start: November 17, 2022 End: February 18, 2023