Special Chapter I

17.1K 432 77
                                    

Ice Kian Falco POV

Maingat kong kinasa ang hawak hawak kong baril sa likuran ko.

Damn that asshole, anong karapatan niyang hawakan si Aize?!

Nasa tagong parte ako ng halaman kaya imposibleng may makakita sa'kin tsaka gabi na rin. I'm planning to use the sniper na binigay ni Mama Aizen sa'kin ngayong gabi kaso tinatamad akong dalhin dahil ang bigat.

Kaya eto muna pag tsastagaan ko.

Inilagay ko ang silencer bago ipinusisyon ito ng makitang nasa balkunahe na ang target ko.

Marahan kong itinutok sa kanya ang baril ko at napangisi.

Nang maayos ko na itong naitutok sa kanya ay sunod sunod kong kinalabit ang gatilyo ng baril dahilan para matumba siya.

Easy.

"Nice shot." Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang sumulpot si Mama Aizen sa gilid ko.

Napahawak ako sa dibdib ko at gulat siyang nilingon. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil nga madilim.

"Umuwi ka na, kanina pa nagwawala ang asawa mo." Lihim akong napasign of cross dahil sa sinabi niya.

Mukhang ako na naman ang mapapatay nito ngayong gabi.

"Tara po." Aya ko sa kanya bago ipasok sa malaking bag ang baril na hawak hawak ko.

Pagkatapos ay agad kaming umalis.

"May dala ka po bang sasakyan?" Tanong ko kay Mama Aizen habang naglalakad papalapit sa kotse ko.

"Wala, nagpahatid lang ako." Tumango lang ako sa kanya at hindi na sumagot pa dahil nakalapit na kami sa kotse.

Pinagbuksan ko siya ng pinto tsaka naman siya pumasok. Pagpasok ko sa driver seat ay agad ko na ring pinaandar ang sasakyan.

"How many boys did you kill today?" Bored na tanong niya na ikinalingon ko sa kanya.

Kita kong bored lang itong nakatingin sa kuko niya kaya ibinaling ko ulit ang tingin sa daan.

"6." Tipid na sagot ko.

Hindi na ito sumagot pa kaya hindi narin ako nagsalita.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi makapatay, lalo na't sobrang daming umaaligid kay Aize. Hindi niya alam na ginagawa ko parin 'to. I mean dati alam niya pero nangako kasi akong ititigil ko na pero wala eh. Epal 'yong mga lalaking mukha tuko.

Ang ganda ba naman kasi ng Misis ko.

Ilang taon na rin mula ng kinasal kami ni Aize. Hindi parin nagbabago ang pagtingin at nararamdaman ko sa kanya, lumalala pa nga. Mahal na mahal ko siya to the point na kaya kong pumatay katulad ng ginagawa niya dati. Mas brutal nga lang siya pumatay.

About naman sa mga anak namin, malalaki na sila. I mean ang anak kong kambal. They we're already 15 years old. Nai-stress kami ni Aize kay Ayuna, paano ba naman nung tumuntong si Ayuna ng 10 years old ay pinag-iba na namin ng kwarto silang dalawa ng kuya niya. Mula nun ay hindi na kami nakakapasok sa kwarto niya.

Nung time nga na tatawagin ko sana siya para kumain ay kumatok ako, walang sumasagot sa'kin kaya napilitan akong buksan ang pintuan ng kwarto niya. Alam kong magagalit siya pero ayaw ko rin namang malipasan ng gutom anak ko.

Flashbacks

Pagkabukas ko ng kwarto ni Ayuna ay dilim agad ang bumungad sa'kin. Kinapa kapa ko pa ang switch para makakita. Nang makapa ko ito ay agad kong pinindot tsaka tuluyang pumasok sa kwarto niya.

Her Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon