Chapter 14

13.5K 459 65
                                    

Ice Kian Falco POV

"Mamimili muna ako, Luna. Wala na tayong stocks ng pagkain." Pagpapaalam ko rito kaya napatingin siya sa akin.

Pareho kaming walang pasok ngayon kaya pareho lang din kaming nasa bahay. Professor pa rin siya sa pinapasukan kong university dito sa France.

"Sama ako." Nakapout niyang saad sa akin na lihim kong ikinangiwi.

Maganda naman siya, I mean maganda talaga siya ano lang parang may kulang. Di ko masabi kung ano.

"Hindi na, dito ka nalang muna. Tsaka busy ka pa jan oh andami mo pang need gawin." Pagpipigil ko rito bago kinuha ang susi at wallet ko.

Malapit lang naman ang grocery store pero tinatamad akong lakarin kaya dadalhin ko nalang yung kotse na bigay ni Dada.

"You sure it is okay with you? Tutulungan kit-" agad akong umiling iling sa kanya.

Kulit naman nito.

"'Wag na nga, kaya ko naman." Pinal na saad ko rito.

Mariin niya muna akong tinitigan bago tumango at mabilis na hinalikan ako sa labi. Ngitian ko lang siya bago nagdamling lumabas ng kwarto at pinunasan ang labi ko.

Pagdating sa grocery ay agad akong namili ng mga kakailanganin namin. Nahinto lang ako sa pagpili ng may makita ako sa papel.

Pad

Sulat ni Luna. Pad? Ano 'yon? Papel ba o iPad? Wala namang school supplies dito sa grocery store eh. May bago rin siyang iPad, ano ba 'to?

Habang abala sa pag-iisip kung ano ang pad na nakasulat ay may bumangga sa akin. Di ko alam kung sadya ba o ano.

"Aray!" Daing ko at napahawak sa balikat bago tumingin sa nakabangga sa akin.

Nanlaki ang mata ko ng makita kung sino ito.

"Aize?"

Ngumiti siya sa akin bago ako kinabig para halikan sa labi. Saglit lang ang halik na 'yon at agad siyang humiwalay.

"I miss you, Kian." Malambing na saad niya na ikinalambot ng puso ko.

Eto na naman 'tong puso na hindi mapakali.

Sa hindi malamang dahilan ay kinabig ko ulit siya palapit sa akin para yakapin ng mahigpit. Napangiti ako ng maramdaman kong niyakap niya ako pabalik.

Ilang sandali ang itinagal ng pagkakayakap namin bago kami humiwalay sa isa't isa.

"Kamusta ka? Bakit hindi kita makontak? Ayos ka lang ba? Bak- hmp." Naputol ang sasabihin ko ng halikan ulit ako nito sa labi.

Natatawa siyang humiwalay sa akin kaya napatingin ako sa paligid. Buti nalang walang tao.

Halo halong emosyon ang kasalukuyang nararamdaman ko ngayon.

"Easy. First, I'm fine as you can see. Second, nawala yung dating phone kaya hindi ako makontak." Sagot nito at ikinawit ang braso sa batok ko.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng malamang okay lang siya. Bigla sumagi sa isip ko na may asawa na nga pala ako kaya bawal na yung hinahalik halikan niya ako kaya dahan dahan kong tinanggal ang braso niya at bahagyang lumayo sa kanya.

"Ahm bakit 'di kayo dumalo sa kasal ko?" Mahinang tanong ko sa kanya at hinila ang cart ko.

Kita kong tumaas ang kilay niya bago ipinagkrus ang braso.

"So what? Ang pangit kaya ng bride mo, buti sana kung ako 'yon. But anyway, magdidivorce rin naman kayo." Matapang na saad niya na ikinanganga ko.

Her Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon