Chapter 17

12.4K 462 96
                                    

Ice Kian Falco POV

"Pakopya ako sa assignments, besh. Di ko naintindihan yung tinuro kanina nung matandang professor my gosh dinaig niya pa nag iinchik kanina!" Naiinis na saad nito bago inagaw ang notebook ko.

Aish, palagi nalang siya nangongopya. Pero totoo naman kasi yung sinabi niya, kahit ako hindi ko halos maintindihan yung mga pinagsasabi ng Professor namin na matanda.

Tatlong linggo na simula ng ibinalik ako ni Aize, tatlong linggo na rin akong walang balita sa kanya.

Kamusta na kaya siya?

Nagulat ako ng biglang tumunog ang cellphone ni Jaja na nasa table.

Lagot.

"Shh quiet!" Saway ng librarian sa'min.

Ito kasi favorite na tambayan ko, ito namang isa sunod ng sunod sa akin.

Agad namang humingi ng paumanhin si Jaja bago tinignan ang cellphone nito. Kita kong napangiwi siya habang nakatingin sa cellphone bago tumingin sa akin.

"Besh, may panyo ka jan?" Tanong nito na ikinataka ko.

Eh? Alam niya namang palagi ako nagdadala ng panyo, bakit nagtatanong pa siya?

"Oo, bakit?"

"A-Ahm p-pahiram ako. Ano kasi pinagpapawisan likod ko besh! 'Lam mo na, bawal ako matuyuan ng pawis hehe." Di ko alam kung nakangiwi ba siya o nakangiti e.

Nagtataka may kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at binigay sa kanya.

Ang lamig lamig dito sa library, pinagpapawisan siya?

"B-Besh s-smile ka nga dali, s-sige na smile ka na huhu." Pagpipilit nito sa akin matapos nitong ibulsa ang panyo ko.

Akala ko ba magpupunas siya ng pawis niya?

"Nababaliw ka na ba? Bakit naman ako ngingiti?" Tanong ko rito.

Kita kong napangiwi ito bago tinignan ang cellphone niya.

"Sige na kasi! Smile ka naaaa, para naman sa mag-ina mo 'to eh." Hindi ko narinig ang huling sinabi niya dahil ibinulong niya na naman ito.

Napabuga naman ako ng hangin bago pilit na ngumiti sa kanya, kita kong bahagya nitong inilapit sa akin ang kamay niya or should I say yung singsing niya kaya napalayo ako.

"Hoy ano ba! Ikaw ang weird mo ha, last week ka pa ganyan." Saway ko rito bago dali daling lumipat ng upuan.

Pumwesto ako sa kaharap na upuan nito bago kinuha ang librong binabasa ko kanina.

Ang boring mag-aral dito. I mean kasi nakakatamad magsalita kasi nga diba mga englishera at englishero ang mga andito.

May mga nakakasalamuha naman akong mga Pilipino pero hindi ko kavibes.

Hindi rin ako masyadong nakakapag participate sa klase kasi nahihiya ako.

"Besh, nakausap mo na ba si Aize?" Napaangat ako ng tingin ng magtanong si Jaja.

Hays.

Bigla na namang pumasok sa isip ko yung batang 'yon. Parang may tumutulak sa akin na kontakin siya.

May parte sa akin na namimiss siya dahil nga sanay akong anjan siya palagi.

"Hindi ko pa siya nakakausap. Bakit?" Tanong ko rito bago isinandal ang likod sa sandalan ng upuan.

Her Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon