Chapter 26

12.3K 426 71
                                    

Ice Kian Falco POV

"T-Teka Aize wag kang tumakbo! Masakit 'yan, Aize! Wait! Mamaaaaa!" Takbo lang ako ng takbo para di ako maabutan ni Aize.

May hawak hawak ba namang kutsilyo.

Eh paano ba naman, nakita niya akong kausap yung katulong namin dito 'tas sakto rin palang nanaginip siya na may kinakausap akong ibang babae, oh ayan siya ngayon.

Ang akala ko sasaktan niya yung katulong namin katulad ng last na ginawa niya sa bar pero hindi, kita ko kung paano siya magpigil sa galit niya kanina. Tapos ito, ako ngayon yung pinagbuntungan ng galit.

"Fck you, Ice Kian! Bumalik ka rito!" Sigaw nito sa'kin at patuloy parin sa paghabol.

Jusko, nag-aalala ako sa kanya pati sa baby baka madapa siya kaya huminto nalang ako.

"T-Teka! Pakinggan mo muna ako. Hindi ko siya babae, okay? Ikaw lang babae ko, pati si Mama at Dada. Please, stop na baka madapa ka pa." Hingal na saad ko na ikinahinto niya.

Napahinga muna ako ng malalim bago siya nilapitan at kinakabahang kinuha ang kutsilyong hawak nito.

"I'm sorry. I didn't mean it." Hinging paumanhin nito bago naiyak.

Pitong buwan na ang tiyan ni Aize kaya double ingat ako kapag inaalagaan siya. Sobrang laki na kasi ng tiyan niya ih.

"Shh, ayos lang. Naiintindihan ko po. Tahan na. May gusto ka bang kainin?" Tanong ko at niyakap siya.

Tumango naman siya sa tanong ko bago ako hinila para maupo sa sofa. Nilapag ko naman sa medyo kalayuan sa amin ang kutsilyo.

Ikinandong ko siya katulad ng palagi nitong ginagawa.

"I want hmm.." hinawakan pa nito ang baba niya at tila nag iisip.

Napatingin ako ng maigi sa mukha ni Aize. Walang kupas, ang ganda parin. Kahit na tumaba siya ng kaunti dahil sa pagbubuntis niya ay hindi parin nawala ang kasexyhan niya.

Simula nung umamin ako sa kanya, ginawa ko ang lahat para mapatunayan na mahal ko siya. May mga time pa nga na hindi siya naniniwala but I always giving her a assurance na siya lang at wala ng iba.

About kina Dada, alam ko na rin na kasabwat pala siya ni Aize pati na rin si Jaja. Haynako.

Nabalitaan ko rin kay Dada na binibisita niya si Mama Cherry sa mental. Sanaol talaga.

Nabalik ako sa ulirat ng may malambot na dumampi sa labi ko.

"I've calling you many times but busy ka ata sa pag iisip ng ibang tao." Nakasimangot nitong saad at akmang aalis ng kandungan ko pero hinawakan ko lang ang bewang niya para pigilan ito.

Hinalikan ko ito sa noo, sa ilong, sa magkabilaang pisngi niya bago ang labi niya. Narinig ko naman ang mahinhin nitong tawa na mas lalong nagpalambot ng puso ko.

"Ikaw lang naman iniisip ko eh. So, anong gusto ng mag ina ko?" Malambing na tanong ko sa kanya at marahang hinaplos haplos ang bewang nito.

"Gusto mo bang umalis na tayo dito?" Mahinang tanong niya kaya kumunot ang noo ko.

Ngayon niya lang inopen ang ganitong topic. Ang totoo niyan ay nagdadalawang isip pa ako kung babalik pa kami roon o dito nalang. Masaya akong kasama si Aize rito, yung walang gulo. Pero malayo kami sa pamilya niya at gusto ko rin sana na pagkatapos manganak ni Aize ay magpapatuloy siya sa pag-aaral niya.

"Ikaw? Nasa sa'yo ang desisyon, Aize. Rerespetuhin ko naman kung anong gusto mo." Mahinanon kong tanong sa kanya ng makabawi sa gulat.

Her Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon