Gaia Aize Vermillion POV
I'm currently busy preparing myself dahil ngayon ang araw ng graduation ng mga senior high students.
It's been two weeks mula ng andito kami sa Pilipinas.
Hindi ako nakakapunta sa meeting sa school dahil ayaw ko lang. Yeah, that's the reason.
Ayokong mag kross ang landas namin ni Kian. Bigla kong naalala ang nangyari sa mall last week. Muntikan na niya kaming makita.
Buti nalang at narinig ko ang boses niya sa isa sa mga cubicle kaya agad kong pinasok sa isang cubicle si Ayuna at tinakpan ang bibig.
Akala ko nga mahuhuli kami eh. Nakatago man kami ni Ayuna pero si Karro hindi.
Kinwento sa'kin ng bata na may kasama raw na bata si Kian. Maybe it's her daughter. Tsk.
Mula nung araw na 'yon ay naging tulala si Karro. I know na iniisip niya si Kian. And I know na nag o-overthink siya.
Naalala ko naman si Ayuna na tinawag niya si Kian. Buti nalang talaga at hindi lumingon si Kian kundi huli talaga kami. Napagalitan ko pa si Ayuna dahil sa pagtawag niya kay Kian but I realized na mali ako.
Nabalik ako sa ulirat ng marinig kong tinatawag na ako ni Frank sa labas kaya dali dali kong tinapos ang pagme-make up.
"Susunod na ako!" Sagot ko ng marinig kong paulit ulit ako nitong tinatawag.
Tumingin ulit ako sa salamin. And pak, mula noon hanggang ngayon ang ganda ko parin.
Nang masatisfy na ako sa itsura ko ay lumabas na ako ng kwarto. Iiwan ko lang ang dalawang bata rito dahil ano namang gagawin nila sa school, right?
Tsaka may magbabantay naman sa kanila rito dahil ibinilin ko sila kay Elora. Remember her? She's my cousin.
Anyway, pagkababa ko ng hagdan ay kita kong inip na inip na si Frank. Tsk. Napatingin ito sa'kin ng mapansin ang presensya ko.
"Ang tagal mo siste! Tara na nga masyado kang pa VIP eh." Reklamo nito bago naunang lumabas ng bahay.
Napatingin naman ako sa dalawang bata na ngayon ay seryosong naglalaro ng chess.
Nagbaling ako ng tingin kay Elora na ngayon ay parang tangang kinikilig sa cellphone niya.
"Hey you, bantayan mo 'yan ha? 'Wag masyadong kiligin, walang forever." Nawala ang ngiti niya dahil sa sinabi ko at napaikot ng mata.
"Bitter mo. Tsaka kung makautos ka parang ikaw 'tong mas matanda ah, kutusan kita eh umalis ka na nga." Taboy nito sa'kin na ikinaikot ng mata ko.
Lumapit naman ako sa dalawa at binigyan ng magaan na halik sa ulo nila bago tuluyang nagpaalam na aalis na.
Pagkalabas ay naabutan ko ang bakla na nasa loob ng kotse, nakababa ang bintana kaya kita ko ang inip na inip na mukha nito na parang konti nalang ay sasabog na dahil sa inis kaya mahina akong natawa bago pumasok sa kotse.
Agad nitong pinaandar ang kotse paalis.
Ilang minuto bago kami tuluyang nakarating sa school. Agad na bumungad sa'min ang napaka raming tao pagkapasok pa lang namin.
Pati ang parking lot ay punuan kaya no choice kami kundi i-park ang sasakyan sa VIP parking area.
"Bilis bilisan mo nga paglalakad, siste! Jusko kayong mga babae ang babagal niyo talaga kumilos." Reklamo ni Frank nang makababa kami ng kotse.
"Mauna ka na doon puro ka reklamo eh, mag c-cr muna ako." Agad itong napamura dahil sa sinabi ko kaya natawa ako.
"Ano ba naman 'yan! Sige na bilisan mo roon, mauuna na ako sa likod ng stage. Sumunod ka kaagad ha." Paalam nito na ikinatango ko bago pumunta sa cr.
BINABASA MO ANG
Her Obsession
General Fiction"Kian is mine, mine alone." - Gaia Aize Vermilion. "Magkapatid tayo, Aize!" - Ice Kian Falco. Warning: GXG STORY! Start: November 17, 2022 End: February 18, 2023