Epilogue

14.2K 424 138
                                    

Gaia Aize Vermillion POV

"Aize. Aize, wake up." I slowly open my eyes at bumungad sa'kin si Mama Aizen na mukhang nagmamadali.

What am I doing here?

"What?" Tanong ko kay Mama at umupo ng kama.

I saw her wearing a white dress.

"Anong what? Magtatanghali na bumangon ka na!" Mataray na sagot nito sa'kin.

Where's Kian?

"Where's Kian, Mama? Bakit ako nandito?" Sunod sunod na tanong ko na ikinakunot ng noo niya.

"Huh? Malamang dito ka nakatira, nakashabu ka ba?" Takang tanong niya na ikinakunot ng noo ko.

Gosh, her words.

"What? You're kidding me, magkasama kami ni Kian sa iisang bahay, right? Where's Karro and Ayuna?" Tanong ko at akmang babangon na ng magsalita si Mama Aizen.

"What are you talking about, Aize? Kailan pa kayo naging magkasama ni Keanna sa iisang bahay eh kasama no'n si Ara. Maybe you're just dreaming. C'mon, kasal nila ngayon tumayo ka na jan." Parang bombang sumabog sa tenga ko ang huling sinabi niya.

No, this can't be.

"W-What? K-Kasal? Are you kidding me, Mama? Is this one of your pranks ba? Stop it, hindi nakaktuwa." Sinusubukan kong itago ang kabang nararamdaman ko.

Tinignan ako ni Mama na para bang nasisiraan na ako ng bait.

"Who told you that I'm joking? Natulog ka lang nakalimutan mo na yung kasal ni Ara at Keanna? Tumayo ka na jan, pupuntahan pa natin kapatid mo." Lalabas na sana siya ng pigilan ko ito.

"N-No, may anak na kami ni Kian. Stop this prank now, Mama." Kinakabahang saad ko.

Tumayo ako at tinignan siya. Nanginginig ang tuhod ko dahil sa kaba.

"Are you crazy or what? Natulog ka lang naging ganyan ka na? Ikaw pa nga namili ng wedding dress ni Ara para sa kasal nila ni Keanna eh diba? Tsaka anong may anak kayo? May anak na si Keanna kay Ara. My gosh, Aize! Ano bang nangyayari sa'yo?!" Doon na nagsibagsakan ang luha ko.

N-No, hindi to totoo. Panaginip lang 'to.

Panaginip lang 'to.

Sinampal ko ang sarili ko para magising but it didn't work.

"Slap me now, Mama. Please, it's just a dream. I know panaginip lang 'to." Pagpupumilit ko rito.

Agad na nabaling ang mukha ko sa kanan ng maramdaman ko ang malakas na sampal ni Mama Aizen. Ramdam ko ang sakit.

Totoo ba talaga 'to?

"Ano gising ka na ba? Stop this bullshit, Aize. Maligo ka na dahil pupuntahan pa natin ang kapatid mo." Hindi pa ako nakakasagot ng lumabas na ito ng kwarto ko.

Nilibot ko ang paningin ko sa kwarto.

Ito 'yong kwarto ko dati bago kami nagsama ni Kian. Itong ito 'yon.

Napatingin ako sa daliri ko, wala ang singsing. What the fck is going on?!

Nanghihinang napaupo ako sa sahig at umiyak. No, hindi 'to totoo. Hindi.

I wiped my tears away, baka pinagtitripan lang ako nila Mama. Tumayo ako at pumasok sa banyo para maligo.

I spent my 30 minutes taking a shower. Paglabas ko ng banyo ay may naabutan akong white gown. Kinuha ko ito at tinignan. Ang ganda.

Her Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon