"This, taste this Keanna. Masarap, right?" Tanong niya sakin at isinubo ang nasa kutsara.
Muntik na akong mapangiwi dahil sa kulang sa timpla ng luto niya.
"So, ano? Okay na ba yung lasa?" Napakamot naman ako ng kilay at inagaw ang sandok sa kanya.
"Ako na po, Miss. Di ka po ata handa mag asawa. Tulungan mo po akong iurong ang kasal, please." Saad ko rito habang tinitimplahan ang niluluto niyang sinigang.
Kulang pa sa ingredients yung sinigang niya jusko.
"Why? Ayaw mo ba sa akin kaya ayaw mong ikasal sakin?" Rinig kong tanong niya sa likuran ko.
Tinakpan ko naman muna ang niluluto niya bago siya hinarap.
"Yung totoo po? Ayaw ko pong ikasal sayo. Let's say na crush kita. Pero ayaw ko parin ikasal ng ganito kaaga at ayaw ko rin talagang ikasal sayo." Honest na sagot ko sa kanya.
Sumama ang tingin niya sakin pero binalewala ko lang. Bahala ka jan di mo ako madadala sa paganyan ganyan mo.
"Bakit ayaw mong ikasal sakin?" Bakit ba andami niyang tanong?
Napahilot ako sa sentido bago ibinalik ang atensyon sa nilulutong ulam.
"Eh kasi nga ayaw ko. May iba pa bang dapat na dahilan?"
"Wala ka namang girlfriend or boyfriend diba?" Tanong niya na ikinahinto ko.
Biglang pumasok sa isip ko si Aize.
Yung sinabi niyang paninindigan ko siya.
"Kahit na wala akong girlfriend or boyfriend ayaw ko parin. Tsaka bakit ba ang kulit mo? Iba nalang kasi ayain niyo magpakasal." Iritadong saad ko sa kanya.
Anyway, andito nga pala kami ngayon sa bahay. Ewan ko kung ano ginagawa niya rito. Nagising nalang ako na nasa kwarto ko na siya.
Hindi ko parin nakakausap si Dada about sa kasal kasal na yan. Buti sana kung kasal kasalan lang eh, eh kaso totoong kasal na. Ayoko pang matali noh.
"Hey Kian, where are you? I'm here!" Nanlaki ang mata ko ng marinig ang boses na yon.
Fck, bakit ang malas ko today.
Sa hindi malamang dahilan ay kumabog puso ko at tila hindi mapakali.
Tinulungan na ako ni Prof an maghain sa lamesa dahil pakiramdam ko mabibitawan ko yung ulam eh.
"Hey bab- what the hell are you doing here?" Pareho kaming nagbaling ng tingin ni Prof sa pinto ng kusina.
Kita kong ang dilim ng awra nitong nakatingin kay Prof kaya mas lalo akong kinabahan.
Bat ba ako kinakabahan?
"A-Ah Ai-Aize k-kasi ano ahm k-kumain ka na ba? S-Sabay ka na samin." Aya ko at lumapit dito.
Kinuha ko naman ang dala nitong nga paper bags at iginaya sa lamesa.
"Ow, mukhang hindi mo pa nasasabi Keanna jaan sa KAPATID MO yung about sa atin?" Tanong ni Prof at idiniin ang salitang kapatid mo kaya mas lalong naglumikot ang mata ko.
Ramdam ko ang tingin ni Aize sakin pero hindi ko ito pinansin at ipinaghila lang siya ng upuan.
"What the hell are you talking about, bitch?" Malamig na tanong ni Aize.
Nanginginig ang katawan kong tatabi sana ng upo sa kanya pero nagsalita si Prof.
"Bakit jan ka tatabi, Keanna? Hindi mo man lang ba tatabihan FIANCE MO?" Mariin akong napalunok dahil sa tanong ni Prof.
BINABASA MO ANG
Her Obsession
General Fiction"Kian is mine, mine alone." - Gaia Aize Vermilion. "Magkapatid tayo, Aize!" - Ice Kian Falco. Warning: GXG STORY! Start: November 17, 2022 End: February 18, 2023