Kasalukuyan na akong papunta sa condo ni Aize ngayon.
Bumukod na siya kina Dada dahil marami na daw itong mga anak hahahaha. Pano ba naman gustong gusto ni Mama Aizen ng maraming anak.
Bilib din ako sa pagiging UNDERstanding ni Dada eh.
Malaki ang utang na loob ko sa kanila lalong lalo na kay Dada dahil tinuring niya akong parang tunay na anak simula pa ng isilang ako sa mundong ito. Kahit na ilang taon na naming alam na hindi niya ako tunay na anak ay hindi parin nagbabago ang pakikitungo niya sakin.
Nag bobonding padin kami tulad ng dati. Ang swerte ni Aize na naging dada niya si Dada Zeref. Swerte rin naman ako kay Dada Axcel. Sobrang bait niya, hindi na nag asawa si Dada Axcel dahil focus siya masyado sa trabaho at sakin. Ilang beses ko na siyang sinabihan na okay lang sakin na mag asawa siya pero ayaw niya naman.
Anyway, andito na ako sa harap ng pintuan ng unit ni Aize. Nag doorbell muna ako, alam ko naman passcode pero ayaw kong pumasok nalang bigla dahil baka maabutan ko na naman siyang hubo't hubad. Delikado na.
Ilang segundo pa ay binuksan na nito. Natuod ako sa kinatatayuan ko ng makitang nakatapis lang siya ng tuwalya. Kakatapos lang maligo dahil halata naman eh basa pa buhok niya.
Ngumiti siya sakin bago ako hilain para yakapin. Mariin akong napalunok ng maramdaman ko ang hinaharap niya.
Mahina ko siyang tinulak palayo sakin para makapasok ako.
Ako narin ang nagsarado ng pinto.
"Magbihis ka na don." Tumango naman siya sakin bago ako halikan sa labi at dali daling pumasok ng kwarto.
Okay lang naman siguro yung paghalik niya sakin noh? Nasanay na rin ako dahil ito palagi niyang ginagawa noong mga bata palang kami.
Pumunta nalang muna ako ng kusina para ihanda ang binili kong Jollibee para saming dalawa. Ito palagi kinakain namin pag nag bobonding kami.
Habang hinahanda ay may biglang yumakap sa likuran ko. Liit naman neto.
Nag sumiksik siya sa kili kili ko at inamoy amoy ito.
"Aize, don ka nga! Layo ka. Higad ka ba? Dikit ka ng dikit. Bilis kakain na." Lumayo naman siya sakin at inapakan ang paa ko bago padabog na umupo.
Napaikot nalang ako ng mata bago siya tabihan.
Nagdasal muna kami bago tahimik na kumain.
"Do you like someone na ba ngayon?" Bigla akong nabulunan dahil sa tanong niya.
Agad naman ako nitong inabutan ng tubig na agad ko ring ininom.
"Answer my question." Malamig na saad niya.
Kinabahan ako dahil sa tono ng pananalita niya. Para bang pag may hindi ako magandang naisagot ay malalagot ako.
Sabihin ko bang crush ko si Prof Anderson?
Wag nalang, samin nalang yon ni bakla.
"Wala, bakit?" Sagot ko.
Mukha naman siyang hindi kumbinsido sa sagot ko dahil mariin ako nitong tinignan kaya napayuko ako para ipagpatuloy ang pagkain.
"Ice Kian." Malamig na tawag niya sa pangalan ko pero hindi ko ito pinakinggan.
Bahala ka jan.
"Oy wala kang galang ah! Mas matanda ako sayo, mag Ate ka kaya!" Singhal ko rito habang di parin nag aangat ng tingin dahil ramdam ko ang masamang tingin na ipinupukol nito.
BINABASA MO ANG
Her Obsession
General Fiction"Kian is mine, mine alone." - Gaia Aize Vermilion. "Magkapatid tayo, Aize!" - Ice Kian Falco. Warning: GXG STORY! Start: November 17, 2022 End: February 18, 2023