Chapter 27

12.8K 372 84
                                    

Ice Kian Falco POV

Hindi mawala wala ang ngiti ko sa labi habang pinagsisilbihan si Aize.

Nakabalik na kami.

Hindi ko alam na bumili pala si Mama Aizen ng bahay para sa amin ni Aize, katabi lang ng bahay nila. Para raw kapag nagloko ako mabaril niya raw ako agad. As if naman may balak pa akong magloko eh ang swerte swerte ko na kay Aize.

Kahapon lang kami nakabalik. Nung pinagbakasyon ni Aize ang mga katulong namin ay maya maya nun inutusan niya na akong iligpit mga gamit namin na agad ko namang sinunod.

Ngayon nga ay naghahanda ako para sa meryenda ni Aize, nag cracrave kasi siya ng pancakes kaya eto.

At tsaka nga pala, simula ng makarating kami dito kahapon ay may text ng text sa'kin na kesyo iiwan daw ako ni Aize. Alam ko namang hindi 'yon magagawa ni Aize lalo na't magkaka anak na kami.

Pero ang totoo ay kinakabahan parin ako, dahil paano kung may makilala si Aize na mas better sa'kin? Paano kung may makilala siya na kaedaran niya lang? Hindi ko ata kakayanin.

Hindi ko alam pero simula rin kahapon ay kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan. Pilit ko nalang iwinawaksi sa isipan ko ang mga mangyayari.

Nabalik ako sa ulirat ng may yumakap sa'kin galing sa likuran ko kaya napalingon ako sa kanya.

"Hey, I'm so hungry naaa. Hindi pa ba luto 'yan?" Tanong nito habang nakanguso.

"Actually, luto na. Here, kain kana." Nakangiti kong saad sa kanya bago siya iginaya paupo at ibinigay ang plato.

Pumalakpak naman siya na parang bata bago kainin ang pancakes.

Tahimik lang akong nakatingin sa kanya. Ayokong mawala pa 'tong babaeng 'to sa'kin.

"Are you okay? Napansin ko kahapon ka pa ganyan. You keep staring at me. Alam kong maganda ako but naiilang na ako." Kahanginan din nitong batang 'to eh.

Napailing at natawa ako sa sinabi niya bago kunin ang kamay nito para dalhin sa labi ko at halikan.

"I love you, Aize." Madamdaming tugon ko nalang sa kanya.

Inikutan naman ako nito ng mata bago ako hampasin ng mahina.

"Ano ba! Anyway, gusto mo bang mag aral ulit?" Tanong niya bago sumubo ulit ng pancakes.

Napaisip naman ako sa tanong niya. Gusto kong mag aral ulit pero ayaw ko namang iwan siya. Pwede naman akong bumawi nalang next school year, gusto kong iprioritize muna sila ng anak namin.

"Hindi na muna. Ikaw ba?" Balik tanong ko sa kanya na ikinailing niya kaya nagtaka ako.

"Huwag mo ng itanong kung bakit. Trip ko lang." Grabeng trip 'yan.

Napatango nalang ako.

Ano kaya pwede naming gawin ngayon?

Bumili na kaya ako ng singsing? Gusto ko na talagang mag propose kay Aize.

Aish.

Ipasyal ko nalang kaya muna siya? Kaso baka mapagod agad.

Ano ba naman 'yan.

Habang busy ako kakatingin kay Aize ay naramdaman kong nag vibrate yung cellphone ko sa bulsa ko kaya kinuha ko ito.

Napakamot ako ng kilay ng makitang yung unknown number na naman yung nag message.

From: 09*********
Tss.

Tss.

Sino ba kasi 'to? Bosit.

Her Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon