Chapter 40

10.1K 363 166
                                    

Ice Kian Falco POV

Kasalukuyan akong nandito sa bahay ni Aize. Oo, nasa loob na ng bahay niya.

Matapos ang rebelasyon na nangyari kagabi ay mas nagkaroon ako ng pag-asa para mabawi si Aize. Medyo sumama lang ang loob ko dahil tinago niya sa'kin na buhay pa pala anak naming dalawa.

Inexplain sa'kin lahat lahat ni Mama Aizen kung paano nanganak si Aize at sa pagtago nila kay Karro at Ayuna dahil ayaw niyang madamay ang dalawang bata sa galit ni Bedelia.

Gustuhin ko mang magalit kay Aize dahil sa pagiging selfish niya ay di ko magawa.

Simula ng dumating ako dito sa kanila ay hindi ko pa ito binibigyan ng pansin. Akala ko nga hindi niya ako papapasukin kanina eh.

Alas sais pa lang ng umaga ay nandito na ako. Gusto ko lang talaga makabonding ang dalawang anak ko.

At syempre, para na rin makita si Aize.

Nabalik ako sa ulirat ng may humalik sa pisngi ko. Napangiti ako ng makita so Ayuna na may hawak hawak ng binili kong libro kahapon.

Siya pa lang ang pumapansin sa'kin, ang hirap paamuhin ni Karro.

"Dada." Kumunot ang noo ko ng bumulong ito sa'kin para bang may gustong sabihin.

Binuhat ko ito tsaka kinandong at inilapit ang tenga sa kanya.

"Mommy is vomiting po." Bulong niya tsaka humagikik.

Agad na lumusob ang kaba ko dahil sa sinabi niya.

"Where's your mommy?" Tanong ko.

Tinuro niya ang kusina kaya inialis ko siya sa kandungan ko at dali daling pinuntahan si Aize sa kusina. At ayon, naabutan ko siyang nagsusuka sa lababo.

Agad ko siyang nilapitan at hinaplos haplos ang likuran niya. Napaigtad pa siya dahil sa gulat at dali daling nagmumog.

"Ayos ka lang ba, Aize?" Nag-aalalang tanong ko dahil ang putla niya.

Nag-iwas ito ng tingin at tumango.

"Sa kwarto lang muna ako." Paalam niya na ikinatango ko nalang.

Hindi pa siya tuluyang nakakalabas ng kusina ng muntikan siyang matumba kaya dali dali akong lumapit at inalalayan siya.

"Don't touch me! I'm okay." Nanghihinang pagtataboy niya sa'kin pero hindi ko siya pinakinggan at binuhat ng pa bridal style.

Napasigaw pa siya dahil sa gulat at hinampas ako.

"Put me down, Kian! Ano ba I can handle myself!" Sigaw nito sa'kin.

Put me down daw tapos grabe kung makakapit sa batok ko.

"Put me down, Kian! Ano ba I can handle myself." Panggagaya ko sa sinabi niya at pati ang boses niya ay ginaya ko.

Nagulat ako ng may marinig akong hagikikan kaya napahinto ako sa paglalakad.

Kumunot ang noo ko ng makita ang mga katulong nila Aize na tila ba kinikilig. Nahinto sila sa paghagikik ng makitang nakatingin ako sa kanila kaya napayuko sila.

Tuluyan ko ng idinala si Aize sa kwarto niya. Yeah, alam ko yung kwarto siyempre maraming beses na akong nakapunta rito hehe.

Pagkapasok ay agad ko siyang inilapag sa kama. Nagtaka pa ako dahil titig na titig siya sa'kin.

"In love ka na ba ulit sa'kin?" Pilyang tanong ko na ikinaikot ng mata niya.

Umupo naman ako sa kama niya at tinitignan siya.

Her Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon