Chapter 39

9K 354 31
                                    

Ice Kian Falco POV

Dahan dahan kong minulat ang mata ko at agad na bumungad sa'kin ang hindi pamilyar na kisame na siyang agad na nagpakukot ng noo ko.

Akmang babangon sana ako ng biglang kumirot ang ulo ko kaya napahawak ako rito. Naramdaman kong may gumalaw sa tabi ko kaya napatingin ako rito.

Nanlaki ang mata ko ng may taong nasa tabi ko. Hindi ko makita ang mukha nito dahil nakabalot ng kumot ang buong katawan pati ang mukha niya.

Pero mas nanlaki ang mata ko ng makita ko na wala akong kahit isang saplot sa ilalim ng kumot. Wth anong nangyari?!

Kita kong hubo't hubad din ang katabi ko sa ilalim ng kumot, napakislot pa ang alaga ko ng makita ang katawan niya pero hindi ko parin makita ang mukha ng katabi ko dahil nakatalikod ito sa pwesto ko. Ayaw ko namang tanggalin ang kumot na tumatakip sa mukha niya dahil baka magising.

Napahinga muna ako ng malalim bago ako dahan dahang tumayo at nagmadaling pinulot ang mga damit na nagkalat sa lapag bago pumasok ng banyo.

Pagpasok ay naghilamos lang ako at nagtooth brush, gustuhin ko mang maligo ay wala akong magawa kasi wala naman akong extra na damit.

Habang nagsisipilyo ay biglang nag flashback sa'kin ang nangyari kagabi. Kung paano ko siya romansahin, hindi ko maalala ang mukha niya dahil sa kalasingan ko kagabi.

Natigil ako sa pagtotooth brush nang maalala ko si Aize. Tngna. Hindi pa nga kami okay pero nakagawa na agad ako ng kasalanan sa kanya.

Pakiramdam ko nagcheat ako dahil sa ginawa ko.

Napailing nalang ako sa kawalan bago nagmadaling tapusin ang pagsisipilyo bago tuluyang lumabas ng banyo. Pagkalabas ay naabutan kong tulog pa rin ang babaeng nakahiga sa kama.

Hinanap ko ang wallet at cellphone na tanging dala ko kagabi. Bago ako tuluyang lumabas ay may nakita akong bracelet sa sahig, sa hindi malamang dahilan ay parang may sariling buhay ang kamay ko kaya pinulot ko ito bago dali daling umalis ng hotel room na kinakaupahan namin.

Oo hotel room dahil 'yon ang naaalala ko kagabi na malapit sa bar na pwede naming mapag anuhan.

Kung sino man ang babaeng 'yon ay sana di na magkrus ang landas naming dalawa. Isang gabing pagkakamali na hindi na pwedeng maulit pa.

Ang tanga tanga ko talaga. Paano kapag nalaman 'to ni Aize?! Mas lalo akong hindi patatawarin no'n.

Pagdating sa bahay ay agad na bumungad sa'kin ang nag-aalalang mukha nila Jaja, Violet, Sun at Teo. Agad na nagbaling ang tingin nila sa'kin ng makapasok ako ng sala.

Kumunot ang noo ko ng makitang ang lalaki ng eye bags nila. Mukha silang may amats na naka shabu.

"Omg, saan ka ba galing besh?! Jusko ka pinag-alala mo kami, sa susunod pwede bang magpaalam ka kung saan ka pupun- hmp bwiset 'to!" Tinakpan ko ang bibig niya dahil sa sobrang ingay niya dinaig niya pa nanay na nagrarap kada umaga.

"Nag stay lang ako sa hotel. Sorry di na ako nakatawag, nag lowbat kasi cellphone ko. Pasensya na kung nag-alala kayo. Una na ako sa taas." Mahabang saad ko at hindi na sila hinintay na makasagot at agad na iniwan sila sa sala.

Halo halo ang emosyong nararamdaman ko ngayon. Galit, takot at lungkot. Galit ako sa sarili ko dahil napakatanga ko. Takot ako dahil baka malaman ni Aize ang nangyari at hindi niya na ako mapatawad. Nalulungkot ako pero di ko alam kung bakit.

Pabagsak kong hiniga ang katawan ko sa kama. Inaantok ako.

Biglang pumasok sa isip ko ang babaeng nakasiping ko kagabi. Napahilamos ako ng mukha at paulit ulit na hinampas ang noo ko.

Her Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon