"Hey, can you please stop walking!? Napapagod na ako, ano ba!?"
"Edi wag kang sumunod! Sino ba nagsabing sundan mo ako?" Pabalik na sigaw ko sa kanya habang patuloy parin sa paglalakad.
"Your Dada and my Daddy told me na sundan ka! I don't even want this. Ano ba, Keanna! I'm tired, fck you stop walking!" Tanga bat niya kaya sinunod yung dalawa.
Napahinto ako sa paglalakad at nilingon siya. Agad namang bumalot ang pag aalala sakin ng makitang nakaupo na siya sa kalsada habang hawak hawak ang paa niya kaya dali dali akong lumapit dito.
Kita kong may sugat na ang paa niya kaya napakamot ako ng ulo. Kulit kase eh.
"Masakit ba?" Tanong ko habang chinicheck parin paa niya.
"Bobo, ikaw ba naman matalisod." Balagbag na sagot niya na ikinangiwi ko.
"Kung ayaw mo palang maikasal sakin, bakit hindi mo pinigilan tatay mo? Wala pa akong balak magpakasal, Miss. Tulungan mo akong iurong yon." Napatili siya ng binuhat ko siya ng pabagong kasal.
Kita kong dumilim ang awra niya dahil sa sinabi ko pero hindi ko na pinagtuonan ng pansin.
Tumakas lang ako sa venue dahil sa inis ko about sa kasal kasal thingy na yan. Di ko alam na susunod pala sakin tong Professor na to.
Hindi ko maintindihan kung bakit pumayag si Dada Axcel sa bagay na iyon.
"I already do that. But he said na kailangan daw nating maikasal next week." Muntik ko siyang mabitawan dahil sa huling sinabi niya.
"Next week!? Ano yon bat agad agad??? E hindi naman natin mahal isa't isa. Tumakas nalang tayo." Naramdaman ko ang paghigpit ng paghawak niya sa batok ko na mahinang ikinadaing ko.
Bat ganon, ang bilis naman non.
"Yeah next week. Wag ka nalang tumutol, wala ka ring mapapala." Saad niya bago sumiksik sa leeg ko.
Napahigpit naman ang kapit ko sa kanya ng maramdaman ko ang mainit na hininga nito sa leeg ko. Damn.
Asan ba yung sasakyan ko deputa naman eh, uwing uwi na akoooo.
"May dala ka bang kotse? Di ko mahanap kotse ko eh." Tanong ko sa kanya habang nililibot ang paningin sa paligid.
Nubayan dito ko lang yon pinark kanina eh.
Hindi siya sumagot kaya napayuko ako para tignan ko. Nagtama ang tungkig ng ilong naming dalawa na ikinalaki ng mata ko.
Ilalayo ko sana ng mas lalo niyang higpitan ang kapit sa batok ko at hinalikan ako.
Bat ba ang hilig nito manghalik bigla?
Napabuka ang bibig ko ng sinimulan niyang masahiin ang batok ko, dahilan para maipasok niya ang dila niya sa loob ng bibig ko.
Sa hindi malamang dahilan ay ginantihan ko ang halik niya. Ramdam ko ang pagngiti niya dahil sa ginawa ko.
Patuloy siya sa pagmasahe sa batok ko, kaayusin ko sana ang pagkakakarga sa kanya ng may malakas na bumusina samin kaya napahiwalay kami.
Napatingin ako sa bumusina samin pero mabilis lang itong nagpatakbo palayo samin.
"Don't mind it. Let's continue."
Napatingin ulit ako sa taong karga karga ko, hahalikan niya sana ulit ako ng iniwas ko ang mukha ko at marahan siyang ibinaba.
Kita ko ang pagdilim ng awra niya dahil sa ginawa ko kaya nag iwas ako ng tingin.
BINABASA MO ANG
Her Obsession
General Fiction"Kian is mine, mine alone." - Gaia Aize Vermilion. "Magkapatid tayo, Aize!" - Ice Kian Falco. Warning: GXG STORY! Start: November 17, 2022 End: February 18, 2023