Ice Kian Falco POV
Nanaig ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Andito kaming dalawa ngayon sa kwarto niya dahil pareho kaming kinulong ni Mama Aizen.
Hindi kami makalabas kasi nakalock yung pinto sa labas.
Hindi ko alam kung anong sasabihin.
"B-Buntis ka?" Basag ko sa katahimikan naming dalawa kaya napatingin siya sa'kin.
Nasa kama siya nakaupo habang ako naman ay nasa couch.
Pinangkinitan ako nito ng mata bago nag iwas ng tingin.
"I-I don't know. Maybe yes? Wala naman akong naaalala na gumamit tayo ng protection ng gabing.. you know." Awkward na sagot nito bago yumuko.
Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko dahil sa sinabi niya kaya napayuko rin ako.
Tumikhim ako at nag-angat ulit ng tingin.
"Pananagutan kita." Seryosong usal ko kaya nanaig ang katahimikan sa'ming dalawa.
Maybe ayaw niya parin sa'kin.
"Okay." Sagot nito na ikinagulat ko.
Tumayo ako at dahan dahang lumapit sa kanya. Sinundan naman ng tingin ang bawat paglapit ko.
Paganda ng paganda si Aize sa paningin ko, damn.
Nang tuluyan akong makalapit ay tumabi ako sa kanya at nanginginig ang kamay na hinawakan ang kamay niya.
Wala naman akong narinig na reklamo so maybe okay lang sa kanya.
Dahan dahan kong dinala ang kamay nito sa labi ko habang nakatitig sa kanya. Kita kong napatingin ito sa kamay niya ng tuluyan nang lumapat ang labi ko sa likod ng palad nito.
"I love you, Aize. Hinding hindi magbabago 'yon." Mahinang usal ko bago paulit ulit na pinatakbo ng magaan na halik ang kamay niya.
Kita ko ang paglunok nito na lihim kong ikinangisi. May epekto parin pala ang pagiging ganito ko kay Aize.
Bumaba ang tingin ko sa mapupulang labi niya na noong nakaraang gabi lang ay natikman ko ulit. Napatingin ako sa mata niya na ngayon ay nakatingin din sa labi ko.
Palipat lipat lang ang tingin ko sa mata at labi niya bago dahan dahang inilapit ang mukha sa kanya.
Nagulat ako ng may humawak sa ulo ko at inilapit ang mukha ko kay Aize dahilan para magtama ang labi naming dalawa.
"Kanina pa ako naghihintay eh, bagal niyo talaga!" Pareho kaming napahiwalay ni Aize at tinignan si Mama Aizen.
The fck, kanina pa ba siya jan?!
"Mama!!" Nahihiyang usal ni Aize at ramdam ko ang unting paglayo niya sa'kin.
Napayuko ako dahil sa hiya. Damn.
"Gosh, nakakainit kayo ng ulo. Bahala nga kayo jan!" Padabog itong lumabas ng kwarto na parang inagawan ng lollipop.
Pagkalabas ni Mama Aizen ay namutawi ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
Napatingin ako kay Aize na ngayon ay nakayuko habang pinaglalaruan ang daliri niya. Cute.
"Ahm dito na ako matutulog." Napatingin siya sa'kin at tinaasan ako ng kilay.
"Wala ka bang bahay?" Napamaang ako dahil sa tanong niya.
Mukha ba akong walang bahay?!
"Hindi sa gano'n. Pero siyempre kailangan kitang bantayan, tsaka baka mag crave ka. Dati nga ginigising mo pa ako ng madaling araw dahil nag cracrave ka diba." Napangiti ako habang inaalala ang araw na 'yon.
BINABASA MO ANG
Her Obsession
General Fiction"Kian is mine, mine alone." - Gaia Aize Vermilion. "Magkapatid tayo, Aize!" - Ice Kian Falco. Warning: GXG STORY! Start: November 17, 2022 End: February 18, 2023