Chapter 7

16.1K 533 135
                                    

Ice Kian Falco POV

"Bakla, uwi na tayo." Aya ko sa kanya pero umiling iling lang siya sakin at pinagpatuloy ang pag inom ng alak.

Andito kami ngayon sa bar, siya nag aya. Kanina ko pa tinatanong kung anong problema niya pero ayaw niya namang sabihin. Umiiyak lang siya.

"No! Ano ka ba, keri ko pa itetch. Oh inom ka rin." Inabutan niya rin ako ng alak na tinanggap ko nalang din.

Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Alam kong may problema talaga siya.

"Ja, ano bang problema mo?" Tanong ko habang pilit siyang inaawat sa pag inom.

Napahinto naman siya at sumubsob sa lamesa bago umiyak. Hinaplos haplos ko naman ang likuran nito at pinapatahan.

Nasasaktan akong nakikita siyang ganito. Gusto ko siyang tulungan pero ayaw niya namang magsabi sa akin.

"A-Ayoko n-na, be-besh. Pa-Pagod na pagod na ako." Utal na saad niya habang patuloy parin sa pag iyak.

Kinabig ko naman siya para yakapin.

"Please Ja, magsabi ka. Andito ako oh." Ramdam ko ang pag iling niya sa balikat ko.

Hays.

"Hayaan mo muna ako sa problemang to, besh. Palagi mo nalang akong tinutulungan. Kakayanin ko to." Sagot niya.

Napahinga naman ako ng malalim.

"Pero Ja-"

"Walang pero pero besh! Ano ka ba, wala ka bang tiwala sakin? Pak na pak ko itetch noh! Majumbag ko lang tong problems, keribels ko ito." Saad niya ng humiwalay na siya ng yakap sakin.

Pumosing posing pa siya at itinaas ang kamay na senyales na keri niya daw.

Napatango naman ako at ngumiti sa kanya. Alam ko namang malakas siya, sana makayanan niya.

"Basta kapag hindi na kaya, sabihan mo lang ako ha? Andito lang ako." Tinapik tapik ko ang balikat niya.

Kita ko naman ang pagpatak ng luha sa mata niya na agad niyang pinunasan bago ngumiti sa akin.

"Haler! Keri ko to noh! Tsaka wag ka nga baka mafall ako sayo." Bigla namang sumama ang timpla ng mukha ko dahil sa sinabi niya.

Napahagalpak siya ng tawa ng makita ang reaksyon ko. Siraulo amp.

"Gago HAHAHAHAHA diring diri lang ah? Tara na nga." Aya niya at tumayo na.

Nagtataka ako dahil hindi siya nakisayaw sa mga lalaki simula ng dumating kami dito. Kadalasan kase pag pumupunta kami dito is even my problema siya ay nakikisayaw siya sa mga lalaki, nakikipag make out pa nga eh.

But maybe sadyang mabigat lang siguro problema niya kaya ganon.

Jusko, may pasok pa kami mamaya. Eto naman kasing baklang to eh, sarap sarap na ng tulog ko kanina bigla bigla pang kumatok ng malakas sa kwarto ko. Pero hindi naman ako nagsisi na sinamahan ko siya.

"Hoy, Tara na. Wag masyadong tumingin sakin, alam ko namang maganda ako duhh!" Nabalik ako sa ulirat ng magsalita siya.

Napaismid naman ako sa sinabi niya at inikutan siya ng mata bago tumayo at inalalayan siya.

Jusko alas dos na.

"Tngina, ang sakit ng head ko." Napaikot ako ng mata dahil sa sinabi ni bakla.

Her Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon