Chapter 33

8.4K 346 89
                                    

Ice Kian Falco POV

Mag-isa akong naghihintay dito sa labas ng bahay nila Aize dahil gusto ko sana siya makausap na.

Sinubukan kong tawagan si Ara para sa plano namin para makausap ko si Aize pero hindi siya sumasagot kaya naisipan kong puntahan nalang ang bahay nila.

Wala na akong pake kung mabugbog man ako ni Dada Zeref basta gusto ko lang makita at makausap si Aize.

"Aize!!!" Tawag ko sa kanya mula sa labas ng bahay nila.

Nagtaka ako dahil tahimik ang bahay nila.

Biglang may lumapit sa'kin na isa sa mga katulong nila at binuksan ang gate.

"Anjan po ba si Aize? Pwede ko po ba siyang makausap kahit saglit lang?" Tanong ko sa katulong pero kumunot lang ang noo nito.

"Hija, wala na sila Aize rito. Kanina pa sila nakaalis." Sagot naman niya na ikinataka ko.

"A-Aalis? Saan po sila pupunta?" Tanong ko sa kanya.

"Luluwas sila ng ibang bansa, hindi ko nga alam kung babalik pa sila eh." Agad akong tumakbo pasakay sa kotse ko.

Fck. Fck. Fck.

Pagkasakay ay agad ko itong pinatakbo papunta sa airport. Sana maabutan ko pa sila.

Habang nagmamaneho ay sinubukan kong i-dial si Ara para sana itanong siya pero katulad ng kanina ay hindi niya parin ako sinasagot.

Halos paliparin ko na ang kotse ko papunta sa airport dahil sa bilis ko magpatakbo. Wala akong pake kung may stop light ba o wala basta makarating lang ako agad.

Pagkarating ay hindi ko na pinarada pa ng maayos ang kotse at agad na bumaba. Kumunot ang noo ko ng makitang maraming pulis sa airport kaya nakisiksik ako.

"Sir, ano pong nangyari?!" Kinakabahang tanong ko sa isa sa mga pulis.

"Nawawala ang panganay na anak ng mag-asawang Vermillion. Nakita sa CCTV na nay dumukot dito." Sagot naman niya.

Agad na dumagundong ang kaba sa dibdib ko dahil sa nalaman. Tngina. Sa pangalawang pagkakataon, nadamay na naman si Aize.

Agad akong tumakbo ng makita ko sila Dada Zeref.

"Da, nasan po s-" hindi ko natapos ang dapat na sasabihin ko ng bigla ako nitong bigyan ng isang malakas na suntok.

Agad namang nagsilapitan ang mga pulis at pinigilan si Dada.

"Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng 'to! Dalawang beses mo na ipinahamak anak ko, Keanna. Kapag may nangyaring hindi maganda kay Aize, ako mismo gagawa ng paraan para mailayo anak ko sa'yo." Galit na usal niya bago niya bawiin ang braso niya sa dalawang pulis na nakahawak sa kanya.

Napayuko naman ako dahil sa hiya. Tama siya, kasalanan ko na naman.

"S-Sorry po, Dada. P-Pangako, ibabalik ko si Aize." Huling sinabi ko bago lisanin ang lugar na iyon at tumakbo pabalik sa kotse ko.

Napasuntok ako sa manobela dahil sa poot at galit.

Nawala na anak namin ni Aize, ayokong pati si Aize ay mawala pa sa'kin. Hinding hindi ko mapapatawad sarili ko kapag nangyari 'yon.

Pinunasan ko ang luhang tumulo sa pisngi ko bago kinuha an cellphone na nasa bulsa ko. Kailangan ko ng tapusin ang gulong 'to.

Dinial ko ang unknown number na message nang message sa'kin. Hindi naman ako nabigo dahil agad nitong sinagot ang tawag ko.

Her Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon