Chapter 43

10.6K 382 60
                                    

Ice Kian Falco POV

Nakangiti ako habang nagluluto ng agahan namin ni Aize at ng dalawang anak namin.

Maka score ba naman.

Maaga akong nagising para lang talaga paglutuan sila, wala rin naman akong trabaho ngayon kaya naisip kong makipag bonding nalang sa kanila buong araw.

Hindi ko pa kasi masyadong alam yung kung anong gusto ng dalawa. Pero napansin kong pareho silang mahilig mag solve ng kung ano ano. Dinaig pa nila katalinuhan ko.

Charot bobo talaga ako.

Pansin ko rin na mas gusto ng dalawa ng mga healthy na pagkain, hindi sila masyadong mahilig kumain ng baboy. Hindi rin sila kumakain ng Jollibee or McDo dahil nakakasama raw 'yon para sa kalusugan nila. Grabe talaga.

Onti unti ko na rin nagiging kasundo si Karro. Hindi na siya katulad ng dati kung makitungo sa'kin, at masaya ako don.

Si Ayuna naman ay napansin kong nagiging Dada's girl. Sobrang clingy nito sa'kin, gustong gusto na palaging humahalik sa pisngi ko bago matulog o di kaya ako yung magpapatulog sa kanya.

Unti-unti ng nangyayari ang pamilyang gusto ko para sa amin ni Aize. Pero gusto ko rin ayusin ang relasyon sa pagitan namin ni Aize, handa akong ligawan siya.

Nabalik ako sa ulirat ng may maramdaman kong may yumakap sa'kin galing sa likuran ko. Agad na kumurba ang ngiti sa labi ko dahil sa pamilyar na amoy nito.

Hinarap ko ito at ngitian bago hinalikan sa noo.

"Good morning, Aize... Goodmorning baby." Bati ko sa kanya bago yumuko para batiin ang anak namin sa tiyan niya.

Tumayo ako ulit ng maayos at tinitigan si Aize. Umagang umaga tapos ang ganda ganda agad. Ano ba 'yan! Hays.

"Ang ganda mo. Sobrang ganda mo. Napaka ganda mo." Seryosong usal ko na ikinailing niya at bahagyang natawa.

"Ganyan ba epekto kapag naka isa?" Natatawang tanong niya na ikinatawa ko na rin.

"Bumabait din pala kapag nadiligan na?" Nakatanggap naman ako ng hampas galing sa kanya dahil sa tanong ko.

Napahawak ako sa magkabilaang pisngi niya at kantilan ng halik ang dulo ng ilong nito bago niyakap tsaka isiniksik ang mukha sa leeg nito.

"Dito ka lang. Wag mo na ako iwan ulit. Hindi ko na kakayanin, Aize." Bulong ko sa kanya.

Naramdaman ko naman ang pagganti ng yakap nito na ikinangiti ko.

"Hey, yung niluluto mo sunog na!" Agad akong napahiwalay kay Aize at hinarap ang niluluto kong ulam.

Napanguso ako ng makitang hindi naman sunog. Narinig ko ang pagtawa ng nasa likuran. Scam.

Tinapos ko nalang muna yung niluluto ko dahil baka tuluyan nang masunog kapag inuna ko kalandian ko.

Pagkatapos magluto ay nag-utos nalang ako ng katulong namin na gisingin ang dalawang bata sa kwarto, ako naman ay pinuntahan si Aize sa sala.

Pagkarating sa sala ay naabutan ko itong nanonood ng detective conan. Jusko.

"Aize, kakain na tayo." Tawag pansin ko sa kanya kaya napalingon siya sa'kin.

Tumango ito sa'kin bago inoff ang tv at tumayo na.

Nakatingin lang ako sa kanya na naglalakad palapit sa'kin.

I can't wait to see her walking on the aisle.

Her Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon