Ice Kian Falco POV
Nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa maganda kong mukha kaya marahan kong idinilat ang dalawa ring magandang mata ko.
Agad na tumambad sa akin ang langit kaya napapikit ulit ako dahil sa liwanag nito. Ilang segundo muna bago ko idinilat muli at dahan dahang bumangon para ilibot ang paningin.
Tngina, patay na ba ako?
Pamilyar ang lugar na 'to.
Bigla kong naalala ang nangyari sa amin ni Aize, akala ko ba ibabalik niya ako? Bakit parang kay Lord niya ako binalik.
"Hey you, what are you doing there?" Nabaling ang tingin ko ng may pasigaw na nagtanong patungo sa pwesto ko.
Kita ko ang babaeng ano basta maganda, amerkana ata 'to.
"Sitting, can't you see?" Pilosopong balik na tanong ko rito bago tumayo.
Anghel ba siya? Bakit may hawak hawak siya na mga groceries?
English pala mga anghel dito, naiintindihan kaya ni Lord yung mga salita namin 'pag nagdadasal kami sa wikang Tagalog?
"Hey girl, ahm is Papa Jesus can understand Tagalog? Is he speaking English too?" Curious na tanong ko rito.
Kahit malayo ay kita ko ang pagkunot ng noo nito na ikinataka ko. Hindi niya ba ako naiintindihan?
"What are you saying? Are you crazy? Damn, I think I need to call a help right now." Kita kong naglabas siya ng cellphone galing sa bulsa niya.
Naks, sosyal mga anghel dito ah.
May mga bahay rin pala sa langit?
"Babe? Keanna, is that you!?" Nabaling ang tingin ko ng may pamilyar na boses na tumawag sa akin.
Nakita ko si Luna na nagmamadaling lumapit sa pwesto ko. Patay na rin siya?
"Hala ka, patay ka na rin?" Gulat na tanong ko rito ng makalapit siya.
Hindi siya sumagot subalit ay niyakap ako nito ng sobrang higpit at tumagal iyong ng halos ilang segundo bago bumitaw at hinawakan ang mukha ko.
"Where have you been? Are you okay? May masakit ba sa'yo? Sino kumidnap sa'yo?" Sunod sunod na tanong rito na ikinakunot ng noo ko.
Ha?
Hakdog.
"Ha?" Tanging nasambit ko rito.
"Patay ka na rin, Luna?" Kita kong nagsalubong ang kilay niya dahil sa tanong ko.
May mali ba sa tanong ko?
"What the hell? Ano bang pinagsasabi mo?" Inis na tanong niya sa akin.
Bago pa ako makasagot ay hinila ako nito patungo sa isang pamilyar na bahay.
Eh, bahay ni Luna 'to ah.
"May pinatayo ka rin palang bahay rito sa langit? Galing ah, sino engineer nito?" Tanong ko sa kanya habang hila hila niya parin ako na parang bata.
Hindi siya sumagot bagkus ay hinila niya lang ako papasok sa loob. Kumunot ang noo ko ng makita si Dada sa sala na prenteng nagbabasa ng dyaryo.
Bigla siyang nagbaling ng tingin sa amin at kumunot ang noo.
"Oh? Bakit andito ka?" Tanong nito.
Huh?
"Ahm, kasi kinuha na ako ni Lord?" Patanong na sagot ko rito.
BINABASA MO ANG
Her Obsession
General Fiction"Kian is mine, mine alone." - Gaia Aize Vermilion. "Magkapatid tayo, Aize!" - Ice Kian Falco. Warning: GXG STORY! Start: November 17, 2022 End: February 18, 2023