Chapter 13

12.9K 438 182
                                    

Ice Kian Falco POV

"Congratulations mga anak, bigyan niyo na kami ng apo ha? Kian, galingan mo." Saad ni Tito Jason na tatay ni Luna.

Tinapik tapik niya ang balikat ko bago halikan sa noo ang anak niyang katabi ko.

Lihim akong napakuyom ng kamao. Wala na, kasal na kami.

Andito kami sa mansion 'namin' kuno. Pinagawa raw 'to ni Luna, hindi naman halatang readying ready siya 'noh. Wala namang mga bisita dahil hindi rin naman nag imbita sila Dada. Tanging si Jaja lang ang meron.

"Congrats besh! Jugjugan na kayo later, galingan mo ah!" Malawak na ngiting saad sa akin ni Jaja na tipid kong ngitian.

Wala rin ako sa mood dahil hindi ko makontak si Aize. Nakabili na ako ng bagong cellphone, di ko tinanggap yung cellphone na bigay ni Luna. Gago ano siya sugar mommy? Siya na nga 'tong nagpagawa ng bahay eh.

"Oh? Ayos ka lang ba? Hindi ka ata masaya, besh?" Sunod sunod na tanong ni Jaja.

Binalingan ko sandali ng tingin si Luna na nakikipag usap sa tatay niyang panot bago hilain si Jaja papunta ng garden.

Pagdating sa garden ay malakas akong napabuntong hininga.

"Ayoko nito." Putol ko sa katahimikan naming dalawa bago umupo sa upuan.

Tumabi naman ito sa akin.

"Anong ayaw, mhie?"

"Itong kasal. Ayoko nito." Nag iwas ako ng tingin at tinignan ang mga magagandang pananim na andirito.

Gustuhin ko mang tanggapin pero nanghihina talaga ako sa tuwing iniisip na kasal na ako. Ikinasal ako sa taong hindi ko mahal. Pvta.

Ramdam ko ang tingin sa akin ng katabi ko pero binalewala ko lang ito.

"Edi sana tumakas ka nalang bago ka pa maikasal, tanga lang tih?" Rinig kong sambit niya bago ako batukan sa ulo kaya malakas akong napadaing.

Kala niya ata gano'n kadaling tumakas.

"Hindi naman kasi gano'n kadali 'yon eh. Ayoko namang iwan mag-isa si Dada dahil lang sa kagustuhan kong makatakas sa kasal." Sagot ko rito.

"Wala tayong magagawa, besh. Andiyan na 'yan eh. Kasal na kayo, tanggapin mo nalang." Napabuntong hininga naman ako bago tumango tango sa kanya.

No choice ako kundi tanggapin 'tong peste na 'to.

Gustong gusto ko na bumalik ng Pilipinas dahil syempre nag-aaral pa ako. Tatlong araw na akong absent, andami ko ng hahabulin nito.

Pero yung mga kasama ko rito parang ayaw na bumalik ng Pilipinas eh, kakainis.

Kamusta na kaya siya?

Lihim akong nalungkot ulit ng maalala na hindi ko pa nakakausap si Aize. Busy ba siya?

"Hey babe, andito lang pala kayo. Tara na sa loob?" Nagbaling kaming dalawa ni Jaja sa likuran namin ng marinig namin ang boses ni Luna.

Agad namang tumayo si Jaja bago dali daling pumasok ulit sa loob ng hindi kami tinatapunan ng tingin. Eh?

"Kailan ba tayo babalik ng Pilipinas, Luna?" Tanong ko sa kanya bago tumayo para pumasok sa loob.

"What? Hindi na tayo babalik doon." Dahil sa sagot niya ay napahinto ako sa paglalakad at nakakunot ang noong tinignan siya.

Nababaliw na ba siya? Anong hindi babalik???

Her Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon