3

4.1K 61 7
                                    

It's already late when I woke up. Hindi rin ako bumangon kaagad dahil sa panaginip ko.

Delancy was in my dreams, she was giving the best head ever. Damn, I wish it didn't end.

Kahit tinatamad ako, pinilit ko pa ring bumangon at nagluto ng breakfast. Ngayon rin ang napag-usapan naming meet up ni Delancy.

Pagkatapos kong kumain at magligpit sa kusina, dumiretso na akong maligo.

I wore a simple white shirt and denim pants and I brushed my hair back.

I was about to text Delancy when someone knocked on my door. It was Rogue together with his wife.

"Rogue, what's up?" Tanong ko.

"May pupuntahan lang ako saglit, Rielle doesn't wanna come so I was thinking if she could stay here for a while?"

"Sige, okay lang. Come in, Rielle."

Pumasok si Rielle at umupo sa isa sa mga couch.

"I'll be back later, mabilis lang 'to." pagpapaalam ni Rogue.

"Huwag ka nang bumalik! Ang pangit ng pagmumukha mo!" Sigaw ni Rielle at napakamot ng ulo si Rogue bago tumalikod paalis.

Malaki na ang tiyan niya, dalawang buwan na lang at manganganak na siya. Habang tumatagal, mas nagiging masungit siya sa asawa niya, mood swings nga raw.

"Do you want anything, maybe a drink?" Tanong ko kay Rielle.

"Water is fine." sagot niya kaya nagtungo ako sa kusina para kumuha.

Biglang nag-vibrate ang cellphone ko na nasa bulsa ko. Tumatawag pala si Delancy.

"Hello, Kasper? Where are you?" Bungad na tanong niya.

"Nandito pa  ako sa bahay ko, nasa mall ka na ba?" Tanong ko pabalik.

"Oo, kanina pa. Puntahan na lang kaya kita?"

"Dito sa bahay ko?"

"Depende, kung nasa impyerno ka, 'di doon ako pupunta." pamimilosopo niya.

"Fine, I'll text you the address." sagot ko at ibanaba niya ang tawag.

Tinext ko sa kaniya ang address ko at bumalik sa sala.

Nagkuwentuhan kami muna kami ni Rielle, kinumusta ko siya at kung ano ang lagay niya doon sa bahay nila ni Rogue.

"So far, okay naman. Mahaba ang pasensiya ni Rogue, kahit madalas ko siyang sungitan, okay lang sa kaniya. I'm really thankful for that." sagot niya.

'Di nagtagal, may kumatok sa pinto. It must be her. Hindi nga ako nagkamali, it was Delancy.

"Ang tagal mo naman, mahal na tukmol." saad niya at nagtuloy-tuloy na pumasok.

Bigla lang siyang tumigil at napatitig sa nakaupong si Rielle.

"Hi!" Masiglang bati ni Rielle.

"Hello," kung gaano kasigla si Rielle, para namang gulat na gulat si Delancy.

"I'm Rielle."

"I'm Delancy."

Nagkamayan sila at nagkamustahan.

"Kasper, I'm sleepy," saad ni Rielle sa akin.

"Sige, matulog ka na muna doon sa bedroom," sagot ko sabay turo kung saan 'yong kuwarto.

Nagpaalam na siya kay Delancy at naglakad papunta sa kuwarto. Tiningnan ko muna siya kung maayos siyang nakalakad, nabaling lang ang atensiyon ko kay Delancy nang maisara na ni Rielle ang pinto.

Burning Desire (Alejandrino Trilogy 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon