23

1.6K 20 2
                                    

Hindi ko namalayan ang oras dahil masiyado kaming nawili sa pagkukwentuhan. Nagulat din ako nang makasundo ni Delancy sila Franz, Jordan at Jacob pero hindi si Rome. Hindi rin kasi masiyasong nagsasalita si Rome dahil puro siya tungga samantalang si Franz at Jordan ay nakikipagkuwentuhan kay Delancy. You could also tell by the way they speak that they are already drunk.

"Akalain mo 'yun, Kasper," biglang sabi ni Rome sa gitna ng pagkukwentuhan namin, "You're planning to settle down with a woman!"

Halatang-halata sa boses niya na matindi ang tama ng alak sa kaniya.

"Hindi ka dati ganiyan!" pagtutuloy niya, "You used to go around bars fucking beautiful and sexy women!"

"Delancy is beautiful, too." sagot ni Franz sa kaniya.

"And she's also sexy." sabi naman ni Jordan.

"Fuck off!" singhal ko sa kanilang dalawa at pabiro nilang itinaas sa ere ang mga kamay na parang sumusuko.

Natawa naman si Rome at naiiling na sumagot, "I know but, don't you miss that kind of life? Malaya ka, wala kang ibang inaalala, don't you miss freedom? I mean, you're Kasper Alejandrino, you can have every woman you want, mga modelo, aktres, beauty queens, kahit sino, and yet you chose-"

Hindi na niya naituloy ang sinasabi niya nang pigilan siya ni Franz. Sinulyapan ko si Delancy ngunit nag-iwas siya ng tingin. Masamang tingin ang ipinukol ko kay Rome, I wanted to punch the hell out of him but I chose to calm myself. No is allowed to disrespect my love just like that.

"Tama ka nga," sabi ko at naramdaman ko ang pagsulyap sa akin ni Delancy sabay paghigpit ng hawak niya sa kamay ko, "I can have all the women I want but you see, Rome, I already have the best. Why would I settle for less when I already have everything. I don't need others when Delancy is everything I could wish for and more."

"That's bullshit." sabi niya at naiiling na umalis.

"I should be going. It's obvious that I am not wanted here" sabi ni Delancy.

"Wait, we're sorry for the way he acted. Hindi ko alam kung bakit siya biglang nagkagan'on."

"Love, 'wag kang maniwala sa kaniya." panunuyo ko dahil alam kong masama ang loob niya.

"Sige, ayos lang ako. Pero mauuna na talaga ako. Love, sunod ka na lang." sagot niya at tumayo na. Bago pa siya tuluyang makaalis, nagpaalam na rin ako at mabilis na sumunod sa kaniya. Sobrang tahimik ni Delancy sa daan.

"Love, sorry sa inasta niya kanina." paghingi ko ng paumanhin nang nasa kotse na kami.

"Ayos lang, naninibago pa rin siguro siya sa sitwasyon natin kahit ilang buwan na tayo."

Kahit na ngumiti siya, mahahalata pa ring masama ang loob niya. Medyo nanginginig din ang boses niya at halatang ano mang oras ay maiiyak na siya. Gusto ko mang suyuin siya, mas pinili ko na lang ding manahimik na lang at mag-focus sa pagmamaneho. Nang makarating kami sa condominium, kaagad siyang dumiretso sa bathroom at nag-shower. Ilang minuto na ang lumipas ngunit hindi pa rin siya lumalabas kaya sumunod na ako sa kaniya sa loob.

Hindi niya ni-lock ang pinto kaya madali akong nakapasok. Nadatnan ko siyang wala nang suot at nakaharap sa malaking salamin at nakatitig sa katawan niya.

"Love," tawag ko sa pansin niya at lumapit sa kaniya. "Sorry about earlier, hindi mo dapat narinig ang mga salitang 'yon."

"Tama naman kasi siya, Kasper. Mas maraming babae d"yan na mas sexy at mas maganda sa akin. Huwag na tayong maglokohan pa, alam kong alam mo rin 'yon."

Niyakap ko siya mula sa likuran at hinalikan ang kaniyang balikat.

"But in my eyes, you're the sexiest and most beautiful woman."

Burning Desire (Alejandrino Trilogy 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon