Maingay ang paligid, or more like, masaya. Today, we're celebrating Isla, or Isabella's third birthday. Siya ang nag-iisang anak ni Hugo at Kassandra. Ang party naman ay dito sa isla nila ginaganap. Nakasanayan na namin iyon. Taon-taon tuwing kaarawan niya, ipinapasara ni Hugo ang isla para kami-kami lang ang narito. Ngayong taon, hindi nakapunta ang mga magulang namin.
Ngayon ay nag-su-swimming kami kasama ang mga bata sa dagat. Sila Tamara, KD at PJ, anak ni Rielle at Rogue, ay gumagamit ng mga salbabida para lumutang samantalang si Isla ay marunong na, inaalalayan na lang ito ng kaniyang ama. Iba talaga kapag laking isla, magmula kasi nang ikasal sila, minsan na lang umuwi sa amin si Kassandra. Sinasamahan niya ang asawa niya sa pagma-manage ng islang ito. Isa ang islang ito sa mga exclusive islands ng Pilipinas na tanging ang mga mapapalad lang ang nakakapasok. Mauubos ang pera mo sa rent pa lang sa mga log cabins nila.
Sila Delancy, Rielle, Kassandra at Nessa ay nasa cottage, inaayos nila ang mga panghapunang hinanda nila. Nakaalalay kami sa kaniya-kaniya naming mga anak, si Jackson naman ay kay KD nakaalalay. Tuwang-tuwa naman ang mga bata sa pagtampisaw at pakikipaglaro sa isa't-isa.
Nang tawagin kami para sa party ay nagsunod-sunod kaming umahon. Hindi na ako nagtaka na karamihan sa putahe ay lamang-dagat. Nakita ko pang sinusundot-sundot ni Tamara ang lobster na nasa harapan niya. Tinawanan naman siya ni PJ.
"It looks scary," sabi pa niya.
"If you're not a good boy, that lobster will come back to life and pinch your butt cheek," pananakot naman ni Rogue sa anak kaya nakatanggap siya ng pambabatok sa kaniyang asawang si Rielle.
"Sige, Rogue, make your son stupid."
Rogue looked at her. "I'm just kidding, baby."
Rielle tsked then walked away towards the other girls. Napasimangot naman si Rogue kaya natawa ako. Natahimik at umayos kami nang magsimulang magdasal at pagkatapos ay kinantahan ng 'Happy Birthday' si Isla. Isa-isa na rin naming binigay ang mga regalo namin para sa kaniya at saka kami kumain. Nagkaniya-kaniya kami ng puwesto. Ang mga bata ay nasa isang tabi, ang mga babae ay nasa malapit lang sa kanila at kami namang mga kalalakihan ay humiwalay at tumambay sa isang kubo. Nagdala rin kami ng dalawang bote ng alak at pulutan.
Habang kumakain sila, kami naman ay nag-iinuman at tamang kuwentuhan lang. Mabuti na lang pumayag ang mga asawa't girlfriend namin na uminom kami. Sila naman ay nagkukuwentuhan din pero wala kaming ideya kung tungkol saan. Nang matapos kumain, naglaro sa buhangin ang mga bata bago sila tawagin ng mga ina nila. Nagpaalam silang babalik na sa sariling cabins, madilim na rin kasi kaya pinababalik na rin sila. Bago sila umalis ay nagpaalam sila sa amin.
"Mauna na kami, paliliguan ko pa 'yong dalawa," saad ni Delancy sa akin.
"Sige, kung pagod na sila, patulugin mo na. Ikaw rin, kung pagod ka na, matulog ka na rin. Doon na lang ako sa hammock matutulog mamaya."
Hinalikan niya ako sa pisngi bago bumalik kasama si KD at Tamara na hawak niya sa magkabilang kamay. Tiningnan ko sila hanggang sa tuluyan silang makabalik sa cabin namin. Akmang iinom na sana ako ulit nang magsalita si Rogue.
"You two finally got back together, huh?"
"That's unexpected," dagdag ni Hugo.
"Nagulat nga rin ako, pumunta kami sa bahay nila isang araw, tapos magkasalo na silang kumakain," sang-ayon naman ni Jackson.
Napailing ako aa tinuran nilang tatlo. "Hindi ko rin naman akalaing magkakabalikan kami, pero nangyari na."
"You look happy, cous," sabi ni Rogue.
I nodded. "Who wouldn't be happy? Magkasama na kami ngayon, at tanggap niya si Tamara bilang anak ko. Tanggap din ni Tamara bilang pangalawang ina niya si Delancy."
BINABASA MO ANG
Burning Desire (Alejandrino Trilogy 1)
General Fiction12.20.22 Already in his early thirties, Kasper Alejandrino is still a philander. His life revolves around partying, fcking women he desires and leaving them as if nothing happened. He doesn't believe in commitment, not until he crossed paths again w...