22

1.7K 22 0
                                    

Mahimbing akong natutulog nang maramdaman ko ang kamay na sumusundot sa pisngi ko. Nagmulat ako at nakita si Delancy na may hawak na maliit na asul na banner. Nakasulat rito ang mga salitang 'Happy Birthday'. Nakangiti naman akong bumangon at kaagad niya akong niyakap at mabilis na hinalikan.

"Happy birthday, love! I love you." sabi niya.

"Thank you."

"I made you a special breakfast. Sige na, do your morning routine and let's eat na." sabi  niya.

Kaagad ko naman siyang sinunod at sabay nga kaming nagpunta sa dining para kumain. Habang kumakain kami'y naungkat ni Delancy ang pagbubukas ngayon ng restaurant namin.

Ilang buwan na rin kaming nagsasama ni Delancy at ngayong araw na ang opening ng restaurant.

"Anong oras ang opening?" tanong niya.

"Four this afternoon. Dito muna tayo, ise-celebrate natin ang birthday ko." sagot ko naman.

Bigla siyang tumayo dahil may naalala raw siya. May kinuha siya at inilapag iyon sa lamesa. Isang cake na may nakalagay ng '33'.

"Matanda ka na talaga." saad niya.

"Isang taon lang ang agwat natin, Delancy." sagot ko at natawa siya.

"Hindi na ako nakabili ng regalo, hindi ko kasi alam kung ano ang gusto mo kaya. . ." nagulat ako nang tanggalin niya ang pagkakabutones ng suot niyang damit at nakita ko ang ribbon na nakabalot sa baywang niya, "Happy Birthday!"

Hindi ko mapigilang mapailing sa ginawa niya. She's so full of surprises.

Lumapit siya sa akin at umupo sa kandungan ko. Ipinulupot ko naman ang braso ko sa baywang niya.

"Ang gandang regalo naman nito." papuri ko sa kaniya at dinampian ng halik ang pisngi niya.

Sa loob ng ilang buwang pagsasama namin, nanatili ang sweetness sa amin. Naging madali ang lahat, smooth sailing kumbaga. Hindi pa kami nagkakaroon ng matinding away, hanggang tampuhan lang pero inaayos namin kaagad.

Pinaulanan niya ng halik ang mukha ko and it was the prelude to a hot and intimate morning. Hindi ko na namalayang nakarating kami sa bedroom at doon itinuloy ang pagniniig namin. It was wild, hot and lasted for hours. Hindi ko alam kung anong oras na kami natapos, ang alam ko lang ay ilang beses namin iyong ginawa. Pakiramdam ko nga'y naubos ang lakas ko at si Delancy nama'y nakatulog na sa kapaguran.

Ginising ko na lang siya para maghanda para sa opening. Kailangan na rin naming umalis maya-maya. Kinain na namin ang ginawa niyang cake at nag-ayos saglit bago kami naghandang umalis.

Pagdating namin doon, may mga reporters mula sa iba't-ibang lifestyle and entrepreneurship channels ang nakalinya. Hindi naman na ako nagulat, ganito rin ang nangyari noong nagbukas ang hotel ni Kassandra. Sigurado akong maya-maya ay mag-i-interview sila tungkol dito sa restaurant at tungkol sa business ko. Normal ang ganitong eksena lalo na't kilala kaming magkakapatid at magpipinsan na nangunguna sa Dela Vega Group of Companies na ngayon ay pinakamalaki nang kompanya sa bansa. Mayroon din dito ang ilan naming kasosyo sa negosyo.May kaunting seremonya at ribbon cutting na naganap bago opisyal na buksan ang restaurant.

Hindi nga ako nagkamali't nagsimula nang magtanong ang mga reporters ng kabi-kabilang mga tanong. Sinubukan ko naman silang sagutan sa abot ng makakaya ko. May isang nagtanong sa akin kung mag-isa kong itinatag ang restaurant. Tinawag ko si Delancy na naghihintay sa akin sa isang tabi, noong una'y ayaw niyang lumapit ngunit mapilit talaga ako at sa huli ay wala rin siyang nagawa.

"Siya ang kasama ko sa pagpapatayo ng restaurant. She's my girlfriend and a great chef. Napakalaki ng naitulong niya para makarating ako sa ganitong lagay." sagot ko at humarap kay Delancy at saka ngumiti.

Pagkatapos n'on ay tinignan namin ang lagay sa loob. So far, everything is going well. Nakita ko  rin sa loob ang mga kaibigan kong sila Rome at Franz na dumalo rin pala sa opening.

"Congratulations, man! You should treat us to a beer! Birthday mo rin ngayon."

"Happy birthday, Kasper!" pagbati nila.

"How about we hit the bar tonight?" tanong ni Rome. Tumingin ako kay Delancy at humingi ng permiso, tumango naman siya at ngumiti.

"Sumama ka na lang." sabi ko.

"Sige, mamayang gabi."

Natuwa naman sila Rome nang malamang pumayag si Delancy. Hindi naman sila nagtagal doon at umalis din sila kaagad. Kami ni Delancy ang nanatili doon para tignan ang takbo ng unang araw ng restaurant. Marami ang bumabati sa amin sa success ng first day namin. Tatlong oras rin kami roon bago kami umuwi. Kumain lang kami saglit at naghanda na dahil hinihintay na raw kami nila Rome sa bar. Malamang sa malamang, may kasama nang mga babae ang mga 'yon.

Mahigpit ang kapit ni Delancy sa braso ko habang papasok kami sa bar. The last time we were here, things didn't go well, at least that was before she went home.

"Kinakabahan ka ba?" tanong ko.

"Hindi, nahihiya lang ako sa mga kaibigan mo. Noong huli nating punta rito, hindi yata naging maayos ang pakikitungo ko sa kanila." sagot niya.

"It's okay. At saka, intindihin mo na rin ang ugali nila."

"Okay lang, hindi naman big deal. Medyo insensitive nga lang sila." bulong niya pero narinig ko pa rin.

Pumasok kami sa bar at hindi nga ako nagkamali. Nakikipaghalikan na si Franz sa isang babae, kulang na lang mag-sex sila roon. Si Rome naman ay nakita ko sa counter na may kinakausap rin.

Tumuloy na kami at kaagad nila kaming binati. Kaniya-kaniya silang bati sa akin at kantiyaw na rin.

Nagsimula na kaming mag-inuman. Hindi ako masyadong uminom dahil na rin kasama ko si Delancy at sigurado rin akong magagalit siya kapag dinamihan ko. Nauwi rin sa kantiyawan at kwentuhan ang inuman namin.

Burning Desire (Alejandrino Trilogy 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon