44

1.5K 21 1
                                    

"Kasper, Delancy 'to. Tulungan mo ako." I heard sobbing and noises from the other line.

"Delancy? Bakit?"

"Tulungan mo ako, please. Si Rome-"

May narinig akong kumalabog sa kabilang linya kasabay ng pagsigaw ni Rome. "Delancy! Magpakita ka sa 'kin! 'Tang ina, ang landi-landi mo!"

"Kasper, puntahan mo ako, please. Nagmamakaawa ako." The line ended there.

Bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa screen ng cellphone ko. Lots of questions lingered in my mind. Sinasaktan ba siya ni Rome doon?

Nagmamadali kong kinuha ang susi ng kotse ko sa isang drawer at bumaba papuntang garahe. Nang nasa harapan na ako ng kotse ay biglang nanigas ang katawan ko. Pinilit kong pumasok at nang makaupo ako sa driver's seat ay sobrang bilis ng tibok ng puso ko na parang umabot pa sa puntong nasasaktan na ako. Nanigas ang mga kamay ko at parang hindi ko mapigilan ang panginginig ng mga ito. Lumabo ang paningin ko at para akong nahihilo.

Memories from two years ago flashed in my head. Naaalala ko at ganitong ganito rin ang nangyari noon. It was dark already when it happened. Pero sa mga nagbalikang alaala ay sumulpot ang boses ni Delancy na humihingi ng tulong. Mahahalata sa boses niya ang takot at pangamba. I inhaled and exhaled until I calmed myself. Pinandar ko ang kotse at pinilit nilakasan ang loob kong mag-drive.

Deep inside, I'm scared. The accident traumatized me. Pilit kong iwinawaksi ang mga pangyayari dalawang taon ang nakakaraan. Delancy needs my help right now and I'm willing to face my fears just to get to her. I can’t let her down.

Gusto kong bilisan ang pagpapatakbo ko, pero may takot pa rin sa katawan ko. Nang malapit na ako sa bahay nila, natanaw ang amg bultong tumatakbo palabas ng bahay. Tumakbo siya patungo sa direksyon ko at nang tumama ang ilaw sa kaniya ay doon ko lang nakumpirma kung sino talaga siya. Lumabas ako sa kotse at sinalubong siya.

"Delancy? Bakit ka tumatakbo?" I asked.

Bumaling siya sa akin at mas mabilis pang tumakbo. Nang makalapit ay doon ko nakita ang itsura niya. When I saw her this morning, she looked fine, pero ngayon? May dugo sa bibig niya, tumutulo ang luha sa mga mata at parang binugbog siya.

Nang tuluyang makalapit sa akin ay ipinulupot niya ang mga braso sa leeg ko. "Kasper, ilayo mo ako. Ayoko rito, ilayo mo ako."

Humagulgol siya at nararamdaman ko ang panginginig ng katawan niya. "Ano'ng nangyari? Bakit ganiyan ang itsura mo?"

"Delancy!" sigaw ni Rome na lumabas din mula sa bahay niya.

"Kasper, nagmamakaawa ako. Ilayo mo ako sa hayop na 'yan!"

Pinapasok ko siya sa kotse at nag-drive paalis sa bahay nila Rome. Nang makalayo kami, itinigil at ipinarada ko sa isang tabi ang kotse. Medyo kinakabahan pa rin ako. Humahagulgol si Delancy sa tabi ko.

"Delancy," tawag ko at hinarap siya sa akin. Pinunasan ko ang mga luha niya sa pisngi gamit ang hinlalaki ko at pilit siyang tiningnan. Mabuti na lang at maliwanag sa lugar namin kaya madali kong napagmamasdan ang mukha niya.

"Calm down. Don't cry, Delancy," saad ko.

"Kasper, you came."

"Oo naman, kaya tahan na. I'm here, Delancy kaya tahan na."

"Thank you," she sobbed then pulled me to a hug. "Thank you for not letting me down."

I slowly rubbed her back up and down to soothe her. "Bakit mo hinayaang ganituhin ka niya?"

"Wala namang choice. It's the only way to give KD a better life."

"Ano?"

Umiling siya. "Wala. Kasper, since narito ka na, samahan mo ako. Kunin na natin si KD."

Tumango ako at kumalas sa yakap niya. Pinaandar ko ulit ang kotse at tahimik na nag-drive papunta sa bahay ng matandang pinuntahan namin. Lumabas si Delancy at ilang beses kumatok. Sa wakas ay lumabas na rin ang matanda. Nag-usap sila ni Delancy kaya lumapit ako sa kanila.

"Nay Mel, kunin ko na po ang anak ko." saad ni Delancy sa ginang.

"Sinaktan ka na naman ba niya, hija?"

"Aalis na po ako sa puder niya, Nay. Huwag po kayong mag-alala, sisiguraduhin kong hindi siya magagalit sa inyo kapag nalaman niyang kinuha ko na ang anak ko."

"Ayos lang, hija. O, siya, aayusin ko na ang mga gamit ni KD at nang makuha mo na. Nasa kwarto siya, natutulog na."

Tumango si Delancy at pumasok sa kwartong sinabi ng matanda. Ilang saglit pa ay lumabas siya karga ang natutulog na si KD. Sumunod ang matandang may hawak na bag at mga gamit ng bata. Ako na ang kumuha roon at nagpaalam kaming aalis na dahil malalim na ang gabi.

Nilagay ko sa likod ang mga gamit ng bata at si Delancy nama'y pumasok na sa kotse. Nang makapasok ako, tumambad sa akin si Delancy na yakap-yakap si KD at umiiyak. Hinaplos ko nang ilang beses ang likuran niya hanggang tumahan siya.

"Kasper, may hihingin pa sana akong isa pang pabor," sabi niya nang magsimula akong mag-drive ulit.

"Anything, Delancy."

"Wala kaming matutuluyan ngayon. Ayos lang ba kung doon muna kami sa bahay niyo?"

Mabilis akong tumango. "Oo naman. You can stay there."

"Hindi ba magagalit si Tatiana?"

Ilang segundo akong natigil bago nakasagot. "Hindi naman."

"Salamat, Kasper."

"No worries."

Tahimik lang kaming dalawa hanggang nakarating kami sa bahay. Ako ulit ang nagbuhat ng bag at ng iba pang gamit. Inilapag ko ang mga iyon sa sofa at pinaupo siya ng komportable.

"Doon muna kayo sa kuwarto ni Tamara matulog. Wala siya ngayon dahil kasama niya si Jackson. May shower na rin doon. Linisin mo ang mga sugat mo, Delancy."

Tumango siya bilang sagot. "Hindi ba magagalit si Tatiana? Nasaan pala siya?"

Ngumiti ako nang tipid. "She's resting."

Sinamahan ko siya hanggang sa kwarto ni Tamara. Pagtalikod ko, narinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko. "Bakit?" I asked.

"Wala kasi akong damit pampalit. Baka puwedeng makahiram. Pasensiya na, ang dami kong hinihingi."

Pumasok ako sa kwarto ko at kumuha ng t-shirt at sweatpants at iyon ang ibinigay sa kaniya. "Kung hindi ko kasya yang sweatpants o masiyadong malaki, gupitin mo na lang."

Tumango siya at nagpasalamat. Tatalikod na sana siya nang tawagin ko ang pangalan niya. Humarap siya sa akin na parang nagtataka.

"Bakit?" tanong niya.

"Tinanong ng matanda kanina kung sinaktan ka niya ulit. Ang ibig sabihin ba ay hindi ito ang unang beses na nangyari ito?"

Tumango siya. "Oo, tama ka nga."

"Tell me, Delancy," sabi ko at lumapit sa kaniya. "Gan'on mo ba kamahal si Rome para magtiis ka ng ganiyan?"

She was stunned for a moment, but fixed herself. "D'yan ka nagkakamali, Kasper. Hindi ko mahal si Rome. I never really loved him in the first place."

Burning Desire (Alejandrino Trilogy 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon