Padilim na ang gabi nang mag-tungo ako sa apartment ni Delancy. Excited akong makita kung ano ang itsura niya sa binili kong damit. Sigurado akong aangat pa ang kagandahan niya. Ilang beses akong kumatok sa pinto hanggang sa narinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko."Kasper?" she yelled.
"Yes, it's me."
"Pasok ka muna, naghahanda pa ako."
Pumasok ako at nakita ko ang anino niya sa loob ng kuwarto niya. I can tell she's tying her hair and then applying make-up after that from the looks of her shadow.
'Oh love, you don't need that. You're already beautiful.' sabi ko sa isip ko.
Lumabas siya at pakiramdam ko ay may tumalon sa puso ko nang makita ko siya.
Where am I getting these? I'm so corny.
"Okay lang ba?" tanong niya at umikot.
The dress perfectly hugs her body's shape. And the color accentuates her skin color as well. Mas bumagay pa dahil naka-ponytail ang buhok niya at may make-up siya. Hindi makapal ang make-up niya, shades of nude ang nasa mata niya at medyo namumula ang pisngi niya. Napatingin naman ako sa bibig niya na may red lipstick, napalunok ang nang maramdaman ko ang kagustuhang dumito na lang at ipagdamot siya sa mga kaibigan ko.
Sobrang ganda ni Delancy, paano kung magkagusto sila sa kaniya?
"Kasper," tawag niya ulit kaya nabalik ako sa katinuan.
"W-What?"
"Sabi na nga ba hindi maganda e'. Sobrang pangit ba?"
"No! It's beautiful, you're beautiful." Umiwas naman siya ng tingin at tumikhim. "Bago ko makalimutan, may binili ako noong regalo para sa'yo, ilang buwan na rin itong nasa akin."
"Binili na naman? Hindi kaya sinusuhulan mo na ako?" tanong niya.
Natatawa akong umiling. Kinuha ko ang isang box mula sa bulsa ko at binuksan iyon. May laman iyong isang kwintas na may jade pendant. Jade symbolizes beauty, just like Delancy. She's a jade, a precious gemstone that symbolizes beauty.
"Sa tingin ko bagay sa' yo." sabi ko.
"Kasper, you don't have to give me lots of things."
"I just wanna spoil you, is that bad?" tanong ko at napabuntong-hininga siya.
"Turn around, love." sabi ko.
Hindi na siya nagreklamo at umikot patalikod sa akin. Ikinabit ko ang kwintas at muli siyang umikot paharap sa akin. Napangiti ako dahil hindi nga ako nagkamali, bagay na bagay sa kaniya.
"Let's go." sambit ko at umalis na kami.
Habang nagda-drive, hindi ko mapigilang mapatingin sa kaniya. Mukhang hindi siya mapakali sa lagay niya.
"Are you sure you're okay?" tanong ko.
"Okay lang ako, 'wag kang mag-alala."
Nang makarating kami sa bar, nagmamadali kaming pumasok para hanapin ang grupo ng mga kaibigan ko. Nakita kong kumaway sa akin si Rome kaya doon kami nagtungo ni Delancy. Habang papalapit kami, mas humihigpit ang hawak ni Delancy sa braso ko.
"Calm down, love." bulong ko.
Pare-pareho naman ang reaksyon ng mga kaibigan ko nang makitang may kasama ako. Gulat.
"Who is she?" tanong ni Franz.
"Siya 'yon, 'di ba?" tanong ni Rome.
Inalalayan ko munang maupo si Delancy at naupo rin sa tabi niya bago sagutin sila.
BINABASA MO ANG
Burning Desire (Alejandrino Trilogy 1)
General Fiction12.20.22 Already in his early thirties, Kasper Alejandrino is still a philander. His life revolves around partying, fcking women he desires and leaving them as if nothing happened. He doesn't believe in commitment, not until he crossed paths again w...