It's been two weeks since that day. Ilang beses na rin kaming lumabas ni Delancy sa nakaraang dalawang linggo.
Ngayon ay tinitignan ko ang plano ko para sa bagong negosiyong itatayo ko. Kailangang matibay at maganda ang plano ko para hindi ako malugi.
Nagpa-plano akong magtayo ng isang restaurant at hindi ako puwedeng magbasta basta na lang. Kinausap ko na rin ang mga kapatid ko tungkol dito at ayos naman sa kanila 'yon.
Ang kailangan ko lang ngayon, pera, pero hindi ko na problema 'yon dahil matagal ko nang balak simulan ang negosiyong ito. Gusto ko rin sanang si Delancy ang isa sa mga chefs dito, nasabi rin niya sa'kin na wala pa raw sa plano niya ang bumalik sa barko.
Tinawagan ko siya para sa alok ko, baka kasi magbago ang desisyon niya. Ilang beses pang nag-ring bago niya sinagot.
"Hello?" Pambungad niya.
"Hello, Lance. Puwede ba tayong magkita? May proposal kasi ako"
"Manligaw ka muna bago ka magpropose, Kasper"
"Ha Ha! Very funny" sarkastikong sagot ko.
"Pft, okay fine! Kailan ba?"
"When are you free?"
"Maybe tomorrow?"
"Sige, text me na lang"
"Okay, bye"
Pinatay na niya ang tawag kaya itinuloy ko na ang pag-aaral ko sa plano ko. So far, everything is fine.
Pagkatapos ay nagtungo ako sa mini-gym ko diyo sa bahay ko at nag-workout. Pagkatapos, naligo ako at dumiretso na para matulog.
Kinabukasan, nagkita kami ni Delancy sa isang coffee shop. Nauna akong nakarating kaya naman nag-order na ako ng para sa aming dalawa. Dala-dala ko rin ang folder para sa plano ko.
Pagkarating niya ay kaagad siyang umupo sa tapat ko at tinanong kung ano ang pag-uusapan namin.
"I'm planning to start a new business" pagsisimula ko.
"That's great, congratulations na kaagad"
Binigay ko sa kaniya ang folder na kaagad naman niyang binuksan.
"It's a restaurant and I was hoping na isa ka sa mga magiging chefs doon, preferably the head chef" panimula ko.
"Ako? Bakit ako?"
"Malamang kasi chef ka? May plano ka pa bang bumalik sa barko?" Tanong ko at umiling naman siya.
"Wala naman pero sigurado ka sa head chef? Puwede namang hindi 'di ba? I mean c'mon!"
"Well, hindi ko pa naman sisimulan kaagad. You still have time to decide. Maghahanap pa ako ng location nito"
"Pft, wala ka pa palang naipapatayo, nagha-hire ka na kaagad. Pero sige, pag-iisipan ko," sagot rin niya.
"By the way, Wednesday ngayon a'. Wala ka bang work sa company niyo?" Tanong niya.
"None, the last few weeks have been hectic so today is our rest day. Speaking of, hindi rin pumasok si Kassandra ngayon. Baka gusto mo siyang makita?" Tanong ko at nanlaki ang mga mata niya.
She and Kass are best girlfriends. Si Kass rin ang dahilan kung bakit nagkakilala kami ni Delancy.
"Really? Oh my, sige! I'd love to see her" excited na sabi niya.
Inubos muna namin ang pagkain bago umalis. Nasa family house namin si Kassandra ngayon kasama si Jackson na kagagaling lang sa isa mga travels niya. He's a content creator at YouTube now at kung saan saan siya nakakarating dahil doon.
Pinagbuksan kami ng gate ng isa sa mga guards at kaagad na bumaba si Delancy. Sabay kaming pumasok at nadatnan namin si Jackson na nakaharap sa laptop niya at si Kassandra na prenteng nakaupo habang nagbabasa ng isang magazine.
"Sandra!" Sigaw ni Delancy na siyang agad na nakaagaw ng pansin ng dalawa.
"Lance! Oh my God, you're here!" Masaya namang bati ni Kass at tumayo para yumakap kay Delancy.
Nagbeso muna sila bago ang isang mahigpit na yakap.
"Girl, how are you? Ang bata pa rin ng itsura mo!"
Natawa naman si Kassandra sa tinuran niya.
"Ganiyan talaga kapag walang pinoproblema sa love life" natatawang sambit niya.
"Parang 'yong isa d'yan, puro sex lang ang inaatupag!" Pagpaparinig niya.
"That's not true" sambit ko.
"Yeah, it is. Bet you can't even stay in a relationship even for a month"
"I had a relationship! Once!" Pagtatanggol ko sa sarili ko at nagtaas siya ng kilay.
"Kahit itanong mo pa kay Kassandra"
Tumingin siya kay Kassandra na nagtatanong.
"You mean Tatiana?" Tanong ni Kass sa akin.
"Yeah, I mean we had a thing between us"
"Yeah, for like, three months?" Pang-aasar naman ni Kass.
"Pft, himala! Nagtagal ka ng tatlong buwan sa iisang babae!" Saad ni Delancy.
Tumikhim naman si Jackson at tumayo.
"Grabe, ate Delancy, hindi mo man lang ako papansinin?"
"Jackson, hi!" Masiglang sabi ni Delancy at yumakap sa kaniya.
"Bakit kailangan kang pansinin, si Kassandra ang ipinunta niya rito at hindi ikaw" sabi ko.
"Tang'na, Kasper, ako 'yong galing sa beach pero ikaw 'yong nangangamoy jellyfish" sagot niya naman at nagsimulang maglakad paalis bitbit ang laptop niya.
"What?" Inis na tanong ko.
"Waterfalls!" Sigaw niya bago tuluyang nakaalis.
"Seryoso? Nagkaroon ng girlfriend si Kasper? Magkuwento naman kayo!" saad ni Delancy habang inuutusan ni Kassandra ang isa sa mga maid na kumuha ng pagkain.
"Yes, si Tatiana. That was about a few years ago, I'm not really sure when that was. Nagtatrabaho siya bilang janitress dati sa isa sa mga hotel namin sa America. Doon laging dinadala ni Kasper ang mga babae niya kaya nagkakilala sila. Ang alam ko, that Tatiana girl is alone" kuwento ni Kass.
"Yeah, she's an orphan and she's working to feed herself. Hindi ko alam kung nagkaroon kami ng relasyon pero ilang beses rin kaming nagsex, binabayaran ko siya para doon" sagot ko at napangiwi si Delancy.
"Akala ko pa naman relasyon na talaga. Isa rin pala sa mga kalokohan mo" masungit na sabi niya.
"Hey, it's not kalokohan. I mean, hindi ko lang naman siya binabayaran kapag nagsesex kami. Every time na nakikita ko siya, kahit walang nangyayari sa'min, binibigyan ko siya ng pera. Nag-iipon siya para makapag-aral ulit," pagtatanggol ko sa sarili.
"Puwede ka naman palang maging santo, bakit napili mo'ng maging demonyo?" Taas kilay na tanong niya at natawa si Kassandra.
Dumating ang maid dala ang mga meryendang pinakuha ni Kassandra. Kumuha kaagad si Delancy at nagsimulang kumain.
"We just ate, right?" Tanong ko.
"Oo, gutom ulit ako" sagot niya.
"You know what, you can eat as many as you want. Walang masiyadong kumakain dito sa bahay" saad ni Kass.
"Kahit ubusin ko pa lahat 'yan, hindi ako titigil sa pagkain, masarap kaya 'no?" sabi ni Delancy sabay subo sa kinakain niya.
"Lance," tawag ko.
"Bakit?"
"Kung ako ang kakainin mo, hindi ako mauubos. Puwede kang mabusog ng ilang buwan," biro ko at 'di ko inaasahang masamid siya sa iniinom.
Ilang segundo pagkalipas, isang masamang tingin ang ibinigay niya sa'kin.
"Kumuha ka ng kutsilyo, cha-chop-chop-in kita ng pinong-pino!" Sigaw niya at saka uminom ulit.
BINABASA MO ANG
Burning Desire (Alejandrino Trilogy 1)
General Fiction12.20.22 Already in his early thirties, Kasper Alejandrino is still a philander. His life revolves around partying, fcking women he desires and leaving them as if nothing happened. He doesn't believe in commitment, not until he crossed paths again w...