Naglibot-libot kami ni Delancy sa park ng ilang oras. Maganda ang atmosphere dito, ang presko. Nakaupo kami sa isang lilim, walang tao ang narito dahil medyo tago ang lugar.
"Gutom ka na ba, Delancy?" tanong ko.
"Bakit, magpapakain ka ba?" tanong niya pabalik kaya bumaling sa kaniya ang atensyon ko.
"What?"
"Kung gutom na ako, magpapakain ka ba?" tanong niya ulit.
Bigla akong na-excite na sinabi niya. "Ngayon na? Dito sa park?"
"Oo, hindi na ako makapag-hintay," sagot niya.
"Damn, are you sure?" Humawak ako sa buckle ng belt ko
Nabaling ang tingin niya sa kamay ko at nanlaki ang mga mata. "That's not what I meant! Oh my Gosh, I mean magpapakain as in manlilibre."
Napakamot naman ako sa batok ko at tumawa. Awkward.
Kinaladkad ako ni Delancy papunta sa mga nagbebenta ng mga pagkain. Tumigil kami sa isang cart na may iba't-ibang pagkain.
"Nakatikim ka na ba nito?" tanong niya kaya umiling ako.
"Hindi ko pa nasusubukang kumain ng ganiyan," saad ko.
It's true. All my life I lived in the States. Umuwi kami rito sa Pilipinas noon pero hindi rin kami lumalabas. Ayaw rin ng Mommy ko sa mga ganitong pagkain.
"'Sus, kung kani-kaninong kipay na ang natikman mo tapos hindi ka pa nakakatikim ng kikiam?" malakas na tanong niya.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ng babaeng nagbabantay. "May kinalaman ba 'yan doon?" tanong ko at umiling siya bilang sagot.
"Pahingi ng limang daan," sabi niya at inilahad sa akin ang palad.
Inabot niya ang pera sa tindera at kumuha ng pagkain. Tumuhog siya ng mga puting bilog-bilog at kulay brown na bilog rin.
"Gusto mo nito?" tanong niya at tinuro ang kulay orange na bilog rin.
"Masarap?" tanong ko pabalik.
"Oo, kaya tikman mo," sagot niya at tumuhog ng lima tsaka inilagay sa malaking paper cup na hawak niya.
Marami pa siyang ibang kinuha at inilagay sa basong iyon.
"Gusto mo ng maanghang na sauce?" tanong niya.
"Yeah, sure."
Kukuha na sana siya nang pigilan siya ng tindera. "Ma'am, pinagbabanlawan ng sandok 'yan."
"Ah, kaya pala malabnaw. Sayang 'te, sana di mo na sinabi para may thrill ang pagkain niya." Inabot niya sa akin ang paper cup na punong-puno ng pagkain. "Kainin mo lahat 'yan. Masarap 'yan, promise," saad niya habang naglalagay na naman ng pagkain sa isa pang cup.
Hindi naman siya nagsisinungaling, masarap naman sila. Masyado lang maanghang ang inilagay niyang sauce kaya hindi ko pa nauubos ay pinagpapawisan na ako.
"It's too spicy," reklamo ko kay Delancy.
"Hala, sorry," sabi niya. "Kuya, isa nga rito, twenty pesos," sabi niya at itinuro ang kulay brown na inumin.
"Ano 'yan?" tanong ko.
"Chocolate drink naming mga mahihirap," sagot niya.
"Kailan ka pa naging mahirap?"
"Kumpara sa'yo, Kasper, isa lamang akong slapsoil," kumunot ang noo ko sa sagot niya.
"Ano'ng slapsoil?"
"Hampaslupa na pina-sosyal," sagot niya.
Napailing na lang ako sa mga sagot niya.
"Ate, may siomai kayo?" tanong niya sa tindera.
BINABASA MO ANG
Burning Desire (Alejandrino Trilogy 1)
General Fiction12.20.22 Already in his early thirties, Kasper Alejandrino is still a philander. His life revolves around partying, fcking women he desires and leaving them as if nothing happened. He doesn't believe in commitment, not until he crossed paths again w...