56

1.6K 14 0
                                    

Kagaya ng napag-usapan namin isang buwan na ang nakararaan, umuwi kami rito sa Pilipinas kasama ang ina ni Delancy. Masaya na siya ngayon sa bagong bahay niya. Sa loob ng isang buwan, doon tumira si Delancy kasama siya. I've been celibate for a month now, mabuti na lang at araw na ng kasal namin ngayon.

Hindi ako mapirmi at paulit-ulit na sumusulyap sa gate papasok sa simbahan. Limang minuto na lang at magsisimula na ang kasal pero ni anino niya ay wala pa rin. Nakahanda na ang mga bisita, nakalinya na ang mga ninang, flower girls at mga abay, pero nawawala si Delancy. Ilang beses na rin akong tinawag ng wedding organizer namin para pumasok. Sa huli, kinakabahang pumasok ako sa simbahan.

The guests greeted me warmly, congratulating me and all I could do is smile in return. Tinapik ni Jackson ang likod ko at ngumiti. Lumapit naman si Mommy sa akin.

"Nandiyan na ba siya, anak?" tanong niya.

"Wala pa, Mom. Pinapasok lang ako para raw as soon as makarating sila ay makapagsimula na tayo."

"Oh, okay. Calm down, anak. I'm happy for you."

Niyakap ko siya. "Thanks, Mom."

"I love you."

"I love you too, Mommy."

Ngumiti siya at nagpaalam na may aasikasuhin lang daw. Pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko sa sobrang kaba ko. At ang kabang iyon, unti-unting napalitan ng takot. Iyong mga nakalinya kanina ay panandaliang bumalik sa upuan nila. Dapat kanina pa sinimulan ang kasal pero nawawala siya. Wala pa rin si Delancy.

"Where is she?" nag-aalalang tanong ko.

"Baka buntis na naman, tapos tataguan ka ulit ng anak." I glared at Jackson.

"Wala ka talagang kwentang kausap."

Tumawa siya at tinapik ang balikat ko. "Huwag kang mag-overthink. Malay mo naman, natauhan lang 'yong tao, tapos na-realize niyang ayaw niya palang magpakasal sa 'yo, o 'di kaya naman gumaganti-"

"Shut up, fucktard!"

Kapagkuwa'y lumapit sa amin si Kassandra at sinabihan kaming umayos na. "Pababa na ng sasakyan si Delancy."

"She's here? Papakasalan niya pa rin ako?" tanong ko.

"Oo nga. Nawalan daw ng malay si Tita Delilah sa sobrang pag-iyak niya, at na-traffic pa sila. And the best part, pare-pareho silang walang cellphone kaya hindi sila ma-reach."

I heaved a sigh. Nawala ang kabang kanina ko pa nararamdaman, pero nang humarap ako sa altar ay bumalik iyon. Tinapik ni Daddy ang likod ko at ngumiti. Nakagat ko ang labi at pilit pinakalma ang sarili ko.

Nagsimula nang tumugtog ang live band, naglakad na ang mga flower girl, mga abay at ako. Napatitig ako sa nakasarang pinto ng simbahan. Ilang segundo na lang makikita ko na si Delancy. Ilang minuto na lang, mahahawakan ko na siya ulit.

Unti-unting bumukas ang pinto. Naroon siyang nakatayo, noong una ay nakayuko pa siya, pero nang tuluyan nang magbukas ang pinto, inangat niya ang mukha. She's stunning, my breath hitched. Nasa tabi niya si Mommy Delilah.

Nagsimula na siyang maglakad. Mabagal ang lakad niya, at sa bawat hakbang, palapit nang palapit sa akin ang babaeng mahal ko. Nakatingin siya sa akin at nakangiti. Natatakpan ng manipis na veil ang mukha niya, but I can't deny the fact that beauty is radiating from her smile.

Out of the blue, biglang sumagi sa isip ko na ang babaeng ito, ano mang pagdaanan ko, sa kaniya pa rin ako hahantong. Naisip ko kung ano ang magiging buhay ko na kasama siya. Masaya, kuntento, I feel like I have everything.

Naramdaman ko ang mainit na likido sa aking pisngi. Nag-iwas ako ng tingin at pinunasan ang luha sa pisngi ko. Narinig ko ang pagpigil ng tawa ni Jackson sa likuran ko. Nang tingnan ko si Delancy, iilang hakbang na lang ang layo niya sa akin. Inabot ni Mommy sa akin ang kamay ng anak niya na at buong puso ko itong tinanggap. Gumilid naman si Mommy at nagsimula na nga ang seremonya.

Burning Desire (Alejandrino Trilogy 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon