Nakangisi ako habang nagtetext kay Delancy. It was last week when I stared courting her, she gets shy sometimes and it really makes me wanna adore her more."We should meet today," I chatted her.
"Why?"
"Taste testing."
"Paano pala 'yon?"
"Ewan ko rin, magluto ka na lang tapos tikman ko," natatawa ako habang nagtitipa.
"Ewan ko sayo, ang literal ha?"
"C'mon, para saan ba 'yon, 'di ba?"
In the end, pumayag na lang siya. Para kaming magsisimula sa negosyong pareho kaming walang alam.
"So, saan tayo?" tanong niya.
"Dito na lang, titikman ko lang naman kung ano ang kaya mong i-offer."
"Bastos!" sigaw niya mula sa kabilang linya.
"What? Ano'ng iniisip mo, Delancy?" natatawang tanong ko.
"Alam ko ang sinasabi mo!"
"Ano'ng sinasabi ko?"
"Ewan ko sa'yo, bye! Punta na lang ako r'yan!" saad niya at ibinaba ang linya.
Natatawa ako sa mga sagot niya, sobrang weird niya simula noong nanligaw ako sa kaniya. Hindi naman sa awkward pero iba-iba ang naiisip niya.
Nagligpit muna ako ng iilang kalat dito sa bahay ko. I cleaned the kitchen, I'm sure she'll be mad if it's not clean. I took a shower after cleaning up.
"KASPER, BUKSAN MO 'TONG PINTO!" malakas na sigaw niya mula sa labas.
I ran to get the door, bumungad sa akin ang maldita niyang itsura.
"May plano ka bang sirain ang pinto?" tanong ko at kinuha ang mga dala niya.
"Kanina pa kasi ako dito, hindi mo naman ako naririnig," sagot niya.
"I was taking a shower."
"Sus, 'wag kang masiyadong nagpapa-impress, baka ma-in love ulit ako sa'yo," sabi niya at natawa.
"Ano naman'g masama doon?"
Tumingin siya sa akin ngunit hindi sumagot.
"Ano'ng naman kung ma-in love ka ulit sa akin, 'di ba?"
Ngumiti lang siya at yumuko.
"Nakakatakot," dinig kong sambit niya bago dumiretso sa kusina.
Naabutan ko siyang nagluluto doon, hindi niya ako tinitignan at tutok na tutok siya sa ginagawa niya.
"Kailangan mo ba ng tulong?" tanong ko.
"Hindi na, okay na ako dito. I'll just serve the food if it's ready," sagot niya.
"Okay. I'll just go fix somethings. Tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka, ha?"
Tumango lamang siya at hindi na nag-abalang tignan ako.
Pumunta muna ako sa kuwarto ko at tinignan ang mga files na ibinigay sa akin. Tapos na ang pagme-merge ng kompanya ng mga Dela Vega at mga Alvarez. Sa pagkakaalam ko, si Rogue pa rin ang itinuturing na may pinakamataas na posisyon.
Kahit papaano ay nabawasan ang trabaho ko kaya mas marami na akong oras para sa restaurant.
May nag-pop na notification sa cellphone ko. It was an email from the engineer I hired for the restaurant.
Nakasaad sa email na puwede na raw silang magsimula sa susunod na linggo. Sinabi rin niyang medyo matatagalan sila sa pagtatayo nito dahil kailangan ay maayos at maganda talaga ang pagkakagawa.
Nakasaad din doon ang iba pang detalye tungkol sa ipinapatayo ko.
"Kasper," dinig kong tawag ni Delancy.
"Yes, love?"
"Gago, manahimik ka nga! Love love-in mo 'yang mukha mo!" singhal niya kaya tatawa-tawa akong sumunod sa kaniya sa kusina.
The food was already on the table, it looks goods.
"Naks, pang five-star na 'to, a'," saad ko at natatawa siyang umiling.
"Pork dishes?" tanong ko.
"Oo, wala rin kasi akong ibang maisip e'," sagot niya.
Iba-ibang dishes ang ginawa niya, nakakabilib lang dahil ang bilis niyang ginawa, o talagang marami lang akong tinignang files kaya gano'n.
Inisa-isa niya ang mga putaheng niluto niya.
"I hope you'll like them," saad niya.
"I know I will, ikaw ang gumawa e'."
"Siraulo, kumain ka na lang."
Naupo kaming dalawa na magkatapat. Inisa-isa kong tinikman ang mga hinada niyang pagkain. Lahat sila masarap, I never tasted anything like them before.
"Nice, they're good," papuri ko.
"Thanks."
I decided to ask her about her trip at bakit siya nawala ng ilang buwan. "So, where have you been?"
"Ha, ano?"
"Bakit nawala ka ng ilang buwan?"
"Ah, hinanap ko kasi 'yong mga kamag-anak ko sa father side. Simula noong umuwi kami ni Papa dito, hindi ko pa sila nakikita."
"Hindi mo ba alam kung nasaan sila?"
"Kaya nga hinahanap ko sila, 'di ba?" mataray na sagot niya.
"I mean, bakit mo sila gustong makita?"
"Bukod kay Mommy, 'yong nag-iisang kapatid na lang ni Papa ang natitirang kamag-anak ko. Ang alam ni Papa ay nasa Tarlac sila pero noong nagpunta ako doon ay wala naman sila. Ang sabi ng mga dating kapitbahay nila, baka raw nasa Pangasinan but still no trace."
"Ano nga palang nangyari kay tita? I mean, sa mom mo?"
Her face suddenly saddened, she took a deep breath and smiled. "I don't know where my mom is. Noong naghiwalay sila ni Papa, hindi ko na siya ulit nakausap."
"I thought she moved here with you. Wala na rin kasi siya noong umalis kayo at iba na ang nakatira sa dating bahay niyo sa America,"
Tumango siya.
"Yes, my mom moved too. They sold the house at pinaghatian ang pera. Dad said he couldn't afford to buy a new house or an apartment and still send me to school. Umuwi kami dito sa Pilipinas at nagtayo si Papa ng munting karinderya," she stopped and smiled bitterly. "I learned that it was his childhood dream to become a chef and establish his own restaurant. That's why I nag-decide akong ako ang tutupad sa pangarap niya. I know it was hard for Papa to work for the both of us, he was so stressed at the same time depressed because of his and mom's separation. Noong last year ko sa college, ilang buwan bago ang graduation, hindi ko inaasahang may mangyayaring masama sa kaniya." A lone tear rolled from her eye. "Nalamam kong may ipon siya, it was enough for me to pay my school bills. Ayun, umakyat ako sa stage nang mag-isa, pero nangako akong tutuparin ko ang pangarap ni Papa. Thank you, Kasper, for this. Hindi man ako ang may-ari ng restaurant pero pakiramdam ko natutupad ko ang promise ko kay Papa," saad niya.
"It's fine. I'm sure tito is very proud of you, where ever he is. Ako rin, proud ako sa'yo, Delancy,"
"Ha, bakit naman?"
"You're a strong woman, I never thought you've been through all that. You're making me fall harder."
BINABASA MO ANG
Burning Desire (Alejandrino Trilogy 1)
General Fiction12.20.22 Already in his early thirties, Kasper Alejandrino is still a philander. His life revolves around partying, fcking women he desires and leaving them as if nothing happened. He doesn't believe in commitment, not until he crossed paths again w...