20

1.9K 23 0
                                    

"We're here!" rinig kong sigaw ni Jackson mula sa labas.

Bigla namang napalingon si Delancy na ngayon ay katatapos lang magluto. Sumunod kong narinig ang boses ni mommy na sinusuway si Jackson sa pagsigaw niya at inuutusan siyang magbuhat.

"Tulungan ko lang sila sa mga gamit nila, love." sabi ko.

"Sige, balik ka agad." sagot naman ni Delancy.

"Kinakabahan ka ba?" panunukso ko.

"No! Nahihiya lang. Sige na, umalis ka na!"

Natatawa na lang ako at umalis sa kusina. Sinalubong ako nila mommy na nasa sala na pala at naipasok na rin lahat ng bagahe nila.

"Mom, dad, welcome back!" sabi ko.

"Kasper, hijo!"

Mabilis akong sinalubong ng yakap ni mommy at hinalikan sa pisngi. Humalik rin ako sa pisngi niya at yumakap samantalang si dad ay tumango lang sa akin.

"I missed you three!" sabi niya tukoy niya sa aming magkakapatid.

"We missed the two of you rin." sabi naman ni Kassandra.

Bigla namang may malakas na kumalabog sa kusina kung saan si Delancy kaya nagmamadali akong tumakbo roon.

"Love, what happened?" nag-aalalang tanong ko.

"Wala, nahulog lang itong metal tray." sagot niya at itinaas iyon.

"I thought something happened. Halika na, nandito na si mommy at daddy." sabi ko.

"Pero magse-serve pa ako ng pagkain."

"Ma'am, kami na po ang bahala d'yan." sabi ng isang maid kaya wala nang nagawa si Delancy.

Bumalik kami sa sala habang nakahawak ako sa beywang niya at halata sa kaniya ang mabibigat niyang hakbang.

"Mom, dad, guess who's here." sabi ko at dumako ang tingin nila sa amin.

"Hi auntie, hi uncle." bati ni Delancy at kumaway.

"Oh my God!" saad ni mommy.

"Do you still remember her, mom?" tanong ko.

"Delancy, is that you?" tanong ni mommy at tumayo at saka lumapit sa amin.

"It's been a while, auntie." sabi ni Delancy.

Niyakap rin siya ni mommy at tumingin sa akin si Delancy na mukhang gulat na gulat. Ngumiti lang ako sa kaniya at nag-kibit balikat.

"So, are you two together?" tanong ni dad na nakaupo pa rin.

Umupo na rin kaming tatlo nila mommy at Delancy sa sofa.

"Hindi na ako magugulat, nagkakainan nga sila dati dito." biglang sabi ni Jackson.

"What?"

"I said, nagpapatayo sila ng kainan I mean, restaurant, dad." bawi ni Jackson.

Lihim namang napangiti si Kassandra at ngumisi sa akin si Jackson. If there is one thing my parents don't like, it's my philandering. May maid na may dala-dalang juice ang pumasok, kaagad namang uminom si Delancy at nag-iwas ng tingin.

"Hindi niyo pa ako sinasagot, kayo na ba?" tanong ulit ni dad.

"Opo, uncle. Almost one month pa lang." sagot ni Delancy.

Bigla namang pumalakpak si mom na ikinagulat namin.

"Jasper, I thought wala sa mga anak natin ang may interes mag-asawa." sabi ni mommy.

"Well, that's a good thing. You know, we badly want a grandchild, Kasper. May isang apo na kami kay Rogue pero gusto rin namin ng galing mismo sa mga anak namin." dad said and Delancy started coughing.

Hinaplos ko naman ang likod niya at lihim na natatawa. She looks so embarrassed for some reason.

"I'm sorry, hija. Nagulat ka ba namin?" tanong ni mommy at mabilis lang na umiling si Delancy.

"So, when are you two settling down?" tanong ulit ni dad.

"Actually, we're living together."

Mukha namang nagulat pareho ang mga magulang ko.

"You're together for almost a month, you said and you two are already living under one roof? Isn't that a little too fast?" tanong ni mommy.

"Mom, we're sure of each other. We both love each other and I think wala naman nang masama doon. Nasa tamang pag-iisip naman na kami." sagot ko.

Ngumiti sa amin si mommy at dumako ang tingin niya kay Delancy.

"If that's the case then, welcome to the family, hija." sabi niya.

"Thank you, auntie." sagot naman ni Delancy.

"Ma'am, sir, nakahanda na po 'yong pagkain." sabi ng isang maid na biglang sumulpot.

"Let's eat, Delancy cooked for you." sabi ko at sabay-sabay kaming nagtungo sa kusina.

Sobrang natuwa naman sila mommy at daddy sa mga niluto ni Delancy at panay ang puri nila kung gaano kasarap ang mga ito. Nasa gitna si daddy at magkaharap kami ni Delancy. Katabi niya si Kassandra samantalang si Jackson naman ang katabi ko.

"You're a great cook, hija. Ang swerte naman ng anak ko sa'yo. He must be eating delicious meas everyday." sabi ni dad.

"That's true, dad. Ang sarap lagi ng kinakain ko simula noong lumipat sa condo ko si Delancy." I said and secretly winked at Delancy giving my words a double meaning.

Pinandilatan ako ni Delancy pero nagkibit lang ako ng balikat at nagkunwaring inosente. Nagulat kaming lahat nang biglang sumigaw si Jackson na nagsasandok ng pagkain niya.

"Aray, pucha, ano ba 'yon?" malakas na sambit niya.

"Jackson, watch your language. We're eating." mom warned.

"Sorry, mommy. It's just that, something hit my leg." sagot niya at sumilip sa ilalim ng lamesa.

"I'm just gonna pretend I don't know anything." sabi naman ni Kassandra at uminom ng tubig.

"You!" singhal ni Jackson at idinuro si Kass. "Dad, mom, she kicked my leg!"

"What? You've got to be kidding me." sagot naman ni Kassandra.

"You two, stop! You act like five year olds!" mariing sambit ni dad at bigla silang tumigil.

Si Delancy naman ay nakayuko lang habang kumakain. They're really not suspecting her.

"Kayong dalawa, Jackson, Kassandra, kumusta ang mga love life niyo?" nakangiting tanong ni mommy.

"No comment, mommy." sagot ni Jackson at si Kass ay umiling lang.

"Not being chismoso here but I really know something's up with you two. I know Kass is in love and and apparently, Jackson is calling someone 'labidabs'." sabi ko at napatingin silang dalawa sa'kin.

"Sa lagay na 'yan, hindi ka chismoso?" tanong ni Jackson.

"I'm just curious. Magkuwento naman kayo. Kassandra, why don't HUGO first." I said purposely changing the words 'you go' to the name I saw on her phone earlier.

I can sense her tensed up and looked away. I snickered.

"I'm doing fine being single."

"You need someone, we all do." sagot ko na lang.

Matapos ang ilang oras na pangungumbinsi namin sa dalawa, nag-decide kaming magpahinga na at halos lahat sila ay galing byahe. We still have a christening to attend to tomorrow.

Burning Desire (Alejandrino Trilogy 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon