15

2.2K 31 0
                                    

Alam mo 'yong pakiramdam na gusto mo ang isang bagay pero may pumipigil sa'yo? Gan'on sa tingin ko ang nararamdaman ni Delancy sa mga nakaraang linggo. Ever since that night, mas dumalas ang awkward moments sa pagitan naming dalawa.

Masaya naman kami pero kapag nagdidikit ang mga balat namin, bigla siyang matataranta at nagiging awkward talaga ang atmosphere. I can't blame her, matapos ang nangyari noong gabing 'yon, I expected this to happen. Minsan parang sobra siyang nahihiya sa akin. Hinahayaan ko na lang dahil hindi ko naman siya puwedeng piliting umakto na okay lang ang lahat.

Ngayon, nandito ako sa bar, umiinom kasama ang si Rome, ang kaibigan ko. May babaeng nakakandong sa kaniya habang umiinom siya. Bukas na ang tatlong butones ng damit ni Rome, kulang na lang, mag-sex sila sa harapan ko.

"I have friends who are single, baka gusto mo?" tanong ng babae niya sa akin.

"Hard pass." sagot ko.

"Pang one night lang ang gusto niya. Ayaw niya ng pangmatagalan, like me, though, pang-one month ang sa akin." sabi ni Rome sa babae.

Tumawa 'yong babae at nag-paalam na pupunta raw muna siya sa ladies' room pero bago siya umalis, nag-halikan muna sila sa harapan ko. Tangina.

"I haven't seen you with girls. Minsan na lang din kita nakikita dito sa bar, mind telling me what's up? Bukod sa restaurant mo, of course." tanong ni Rome.

Tumawa lang ako at umiling.

"Hey man, I know something's up. What us it?" tanong niya ulit at sumimsim sa alak.

"I'm courting someone." diretsong sagot ko at muntik niyang maibuga ang iniinom, may tumalsik pa sa akin.

"Rome, what the fuck!" singhal ko.

"You? Courting someone? Did you hit your head?" natatawang tanong niya.

"You're overreacting. Masiyado bang imposible ang manligaw ako?" tanong ko.

"Since when?"

"A few months ago."

Uminom siya sa alak na parang pinoproseso ang mga pangyayari tapos matiim siyang nakatingin sa akin.

"Seryoso ka?" tanong niya ulit.

"Oo nga!"

"Who's the unlucky woman?"

"Fuck you!" singhal ko at tumawa lang siya. Kinuha ko ang cellphone ko at hinanap sa albums ang picture ni Delancy at ipinakita iyon kay Rome. "She's Delancy, a friend of mine. Matagal na kaming mag-kaibigan pero kailan lang nag-reunite." sabi ko.

Tiningnan niyang mabuti ang picture ni Delancy. "She's pretty and she looks uhm, kind. Are you sure about this?"

"Of course I am, what makes you think I'm not?"

"Kasper, she looks mabait. Are you sure you're not gonna hurt her? Sa itsura niya, parang hindi siya iyong mga babaeng kinakama mo, I mean, not your type."

"She definitely isn't like those girls. Delancy is more than that, she's a great woman, Rome. And I'm not gonna hurt her, she's precious, man."

Nag-kibit lang siya ng balikat at nag-patuloy sa pag-inom. Ilang minuto pa ang lumipas, bumalik ang kasama niyang babae kanina at may binulong. Biglang lumaki ang ngiti ni Rome at tumayo.

"We'll go ahead, see you, lover boy." natatawang sabi niya.

"Bye, I'm gonna bring my friends next time para sa'yo." sabi ng babae.

Rome groped her ass as they walked away. I'm sure he's gonna fuck that woman. Same old him.

Bago pa ako tuluyang malasing, nag-desisyon akong umuwi na. I decided to drop by Delancy's place first. I parked in front of her apartment. I knocked a few times before she opened the door. She's looked surprised seeing me.

"Kasper, bakit ka nandito?" tanong niya.

"Mangangamusta lang."

"At this hour? Nag-text ka na lang sana." Napa-kamot ako sa batok ko at ngumiti. "Lasing ka ba?"

"Naka-inom lang. Hindi naman marami."

"Kaya mo bang mag-drive? Delikado ang umiinom ng lasing, Kasper," sabi niya.

"I'm fine, Delancy. Don't worry too much. I just dropped by to tell you something."

Nag-salubong ang kilay niya.

"Next time, mag-text ka na lang." mariing sambit niya.

"Hindi puwedeng sabihin sa text."

"Ano ba kasi 'yon?"

Ngumisi ako at inilapit ang mukha ko sa kaniya, mas lumaki ang ngisi ko nang ipinikit niya ang mga mata niya.

"I love you." I whispered.

"H-ha? Gago ka ba?"

"Were you expecting me to kiss you?"

"Hala, siraulo ka ba? Hindi! Bakit mo naman iisipi-"  Naputol ang sasabihin niya nang hinalikan ko siya sa pisngi.

"Good night, Delancy. I hope you dream of me." sabi ko at umalis.

Noong nasa loob ako ng kotse ko, napansin kong hindi pa rin siya gumagalaw sa kinatatayuan niya.

"Delancy!" tawag ko sa kaniya at kumaway.

Nagmamadali siyang pumasok at pabalibag na sinara ang pinto. Narinig ko pa ang pag-mumura niya. Natatawa na lang akong nag-drive paalis.

Habang nagda-drive ako pauwi, hindi ko mapigilan ang pag-ngiti ko. Naka-receive ako ng voice message galing kay Delancy so I played it.

"Ang awkward na," she said.

While keeping my eyes on the road, I pressed the call button. Kaagad naman niyang sinagot ito.

"Bakit awkward?" tanong ko.

"Parang gago, hindi nag-iisip."

"Delancy, tumigil ka nga sa pag-mumura."

"Ulol, pakyu!"

"Delancy, I'm telling you."

"Ito talaga ako, Kasper. Ano'ng gusto mong gawin ko?" singhal niya mula sa kabilang linya.

"Mahalin mo ako, gan'on."

"Hala, parang tanga naman 'to." sagot niya kaya natawa ako.

I stopped when I reached my house pero patuloy pa rin kaming nag-uusap ni Delancy.

May nag-pop na notification galing kay Rome. Nag-aaya na naman para sa susunod na araw.

"Delancy, wanna go out?" tanong ko.

"Gabi na, Kasper."

"Hindi ngayon, some other time."

"Sure, okay lang." sagot niya.

"Pero gabi 'yon."

"Saan ba?"

"Bar."

Matagal siyang hindi sumagot.

"Are you still there?" tanong ko.

"Baka lasingin mo ako at may gawin ka?" tanong niya pabalik.

"What the fuck?! I'm not like that, you know?"

Narinig ko ang pag-tawa niya mula sa kabilang linya. "Jokis lang, ito naman. Masiyado kang seryoso sa'kin, baka mamaya ma-in love pa ako."

"Bakit mamaya pa, ngayon na!"

"Ulol! Depunggol ka ba?"

Natatawa na lang ako sa mga pinag-sasabi niya. "It's late, you should sleep."

"Sige, ikaw rin. Good night, Kasper."

"Walang 'I love you'?" tanong ko.

"Oo na lang!" singhal niya at pinatay ang tawag.

Burning Desire (Alejandrino Trilogy 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon