29

1.5K 27 4
                                    

Ilang minuto nang nasa banyo si Delancy pero hindi pa rin siya lumalabas kaya sumunod na ako. Sarado ang pinto kaya sinandal ko at tainga ko, nagbabakasakaling may malalaman sa nangyayari, pero wala. Unti-unti kong pinihit ang doorknob at bahagyang binuksan ang pinto. Nagkaroon ako ng tsansang makita siya, nakahawak siya sa sink at nakaharap sa salamin. Napansin ko ang pagsasalita niya kaya ginawa ko ang lahat para lang marinig siya.

"Walang kasalanan si Kasper, Delancy." panimula niya. "Mahal mo siya, hindi ba? Magtiwala ka, you two will get through this. Ngayon lang 'to, malalagpasin niyo rin. Just this once. Just. This. On-"

Hindi niya naituloy ang sinasabi niya dahil tuluyan na siyang napayuko. Tinakpan niya ang kaniyang bibig gamit ang kaniyang kamay at nag-taas baba ang kaniyang balikat. Ilang segundo pa ay naririnig ko na ang mga iyak niyang pilit niyang pinipigilan.

Bumigat ang pakiramdam ko. Sobrang sakit na makita siyang ganito, at mas masakit pa dahil alam kong kasalanan ko ang lahat at wala man lang akong magawa. Gustong-gusto kong lumapit sa kaniya at yakapin siya. I want to tell her that everything will be alright, but I can't. Maski ako rin ay hindi sigurado kung maaayos ko pa ba ito.

Unti-unti siyang napaatras at napaupo sa sahig. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak niya, palakas nang palakas ang paghagulgol niya. Lalapit na sana ako nang magsalita siya ulit.

"Lord, help me get through this. Help me get over this pain because I don't think I can. I can't hold on any longer. It hurts so bad."

My knees weakened upon hearing her words. Her words felt like knives tearing my heart apart. Delancy doesn't deserve this, she doesn't deserve to cry  just to ease the pain. I've been a jerk back then, hindi ko iniisip ang maaaring maging epekto nito sa kinabukasan mo. Ngayon hindi na lang iyon ang unti-unting nasisira, maski si Delancy at 'yong kinabukasan naming dalawa. I think I ruined the forever that I promised her.

I walked towards her and knelt down, slowly hugging her shaking body. I kissed her hair and caressed her arm. Her sobs turned to whimpers, I guess she's holding them back.

"I'm sorry, Delancy, my love," I murmured. "Hindi ko rin gusto ang nangyari, but I can't do anything, can I?"

"Ayoko ng kaagaw." her voice was hoarse, and she said that in a whisper.

"Wala kang kaagaw."

"But Tatiana-"

"She's nothing. Ikaw naman ang mahal ko, Delancy. She's only the mother of my daughter, but my heart belongs to you."

"Iyon na nga, Kasper. Siya ang nanay ng anak mo, hindi puwedeng wala lang siya. You two will always have a connection, something stronger than ours. May pinanghahawakan siya sa'yo, e' ako? Ano'ng laban ko sa babaeng iyon, ha?"

"Mahal kita." I said, my lips already quivering.

"That's not enough, Kasper."

"Not enough? Delancy, isn't my love enough? Kulang pa ba?"

Hindi siya nakasagot. Nanatili siyang nakayuko at umiiyak kaya mas hinigpitan ko ang yakap ko. Maybe this way, I can still make her feel better.

"I love you." I whispered.

Nanatili lang siyang tahimik. Hindi siya nag-abalang sagutin ako habang ako nama'y nakayakap lang sa kaniya. Nanatili kami sa gan'on sitwasyon.

I still can't believe what is happening right now. A few days ago, we we're just happy talking about our wedding and then, Tatiana came. Sa isang iglap, unti-unting nasira ang mga pangarap ko para sa aming dalawa ni Delancy.

"Kasper, maghiwalay na lang kaya tayo?" mahinang tanong niya na gumulat sa akin.

"What? No! Hindi puwede, Delancy. Ilang linggo na lang ay kasal na natin. Hindi tayo pwedeng maghiwalay!"

Burning Desire (Alejandrino Trilogy 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon