12

2.3K 35 0
                                    

Isang linggo na ang lumipas simula nang araw na 'yon. Nagda-drive ako ngayon patungo sa airport kasama si Kassandra at Jackson.

Papunta sila ngayon sa islang sinasabi ni Jackson. Ihahatid lang ni Jackson doon si Kassandra tapos uuwi na siya. Panay pa rin ang reklamo Kassandra, tutol na tutol siya sa pagbabakasyon niya.

"When you get there, make sure to take care of yourself," I reminded her.

"Or find someone to take care of you. Preferably, a man," biro ni Jackson kaya hinampas siya ni Kassandra.

"Can you stop telling me to look for a lalaki?" mataray na sagot niya.

"Sige, maghanap ka ng babae," pambabara ni Jackson.

Isang hampas na naman ang nakuha niya dahil sa sinabi niya.

"My point is, stop telling me to settle down. Unahin mo kaya si Kasper?"

"Hindi na kailangan, nanliligaw na 'yan kay Delancy."

Nanatili akong tahimik at nakinig na lang sa usapan nila.

"Paano pala kung hindi ka niya sagutin, Kasper?" tanong ni Kassandra.

"Grabe, parang hindi kita kambal," sagot ko.

"Kung ayaw ni Delancy sa'yo, e', 'di susubukan ko rin ang suwerte ko. Malay mo, Kasper, ako talaga ang endgame," sagot niya kaya mabilis akong nagpreno.

Mabuti na lang at walang maraming sasakyan ngayon.

"You asshole!" singhal ko at hinila siya sa kwelyo ng damit.

"Hey, stop!" suway ni Kassandra sa amin.

"Tangina nito, joke lang, e'! May labidabs ako!" sagot niya.

Napangiwi naman ako sa sinabi niya. Anong labidabs?

"Tangina, anong pinagsasabi mo?" inis na tanong ko.

"Secret," sagot niya kaya nagpatuloy na ako sa pagda-drive.

"After ko kayong maihatid, I'll go fetch Delancy. We'll be checking the construction site," sabi ko.

Mas maaga na nilang sinimulan ang paggawa sa restaurant.

"Good luck, bro," sabi ni Kassandra.

"For the mean time, I'll be taking care of Ate's hotel," sabi naman ni Jackson.

"Huwag mong pabayaan, Jack," saad ni Kassandra.

"Excuse me, I am a good businessman, hindi ako nagpapabaya," pagmamalaki ni Jackson.

Hinatid ko sila hanggang airport. Hinintay ko munang umalis ang eroplano bago ako tumuloy sa pupuntahan ko.

Maraming tao ang kinuha ko para mas mabilis matapos ang paggawa nila. Hindi naman ako nadi-disappoint. In a span of two months, baka puwede na'ng magbukas. Nakapag-hire na rin ako ng mga tauhan para rito, kasama na roon si Delancy.

Pagkarating ko roo'y agad akong sinalubong ni Delancy.

"Kasper," malakas na tawag niya at hinila ako sa malapit na upuan.

"Yes? What is it?" pabalik na tanong ko.

"Can we talk?"

"About what?"

Hindi muna siya sumagot kaagad, she just looked at me and gulped.

"About my brother," she said, it made the both of us quiet for a while.

"What about him?" tanong ko.

"I just want to say sorry."

"Delancy, I told you, wala kang kasalanan sa nangyari. I'm sorry if I made you feel that way," saad ko.

Burning Desire (Alejandrino Trilogy 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon