7 months later~
"Kasper! Manganganak na ako!" sigaw ni Delancy mula sa kusina.
Patakbo akong nagtungo roon at pakiramdam ko'y nanlalamig ang katawan ko sa nangyayari. Sapo ni Delancy ang tiyan niya at nakakapit ang isang kanay sa counter. Bumadha ang sakit sa kaniyang itsura kaya mas lalo akong nataranta. Mabuti na lang kasama namin ay mga magulang ko ngayon. Sinigawan pa ako ni Mommy na kunin na ang mga bag ni Delancy na naglalaman ng gamit ng baby sa kwarto namin.
Si Daddy ay pinangko si Delancy at nilabas na papunta sa kotse. Si Mommy naman ay sumunod na sa kanila. Tinakbo ko ang pagitan ng kusina hanggang sa kuwarto namin. Mabuti na lang at alam ko kung nasaan ang bag. Padampot ko itong kinuha at tumakbo palabas.
Nang makapasok ako sa driver's seat, bigla akong nakaramdam ng matinding kaba. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Memories flashed right before my eyes. Ganitong oras din noon, same feeling, same time, same situation, but different person.
'Fuck, what if I mess up again?' sabi ko sa isip ko kasabay ng pag-ikot ng paningin ko.
"Kasper, get out of there! Dito ka sa likod kasama ng Mommy mo, ako na ang magda-drive!" singhal ni Daddy.
Kaagad ko siyang sinunod at pumwesto sa likuran ni Delancy. Hinawakan ko ang kamay niya at panay ang pagpisil niya sa akin. Pilit rin siyang pinakakalma ni Mommy at sinasabihang kumalma. Ipinikit ko ang mata ko at pilit ring pinakakalma ang sarili ko. Pinagdarasal kong hindi na mauulit pa ang mga nangyari noon.
At nang makarating kami sa parte ng lungsod na maraming sasakyan, at puro busina ang naririnig, I lost it. Kahit nakapikit ako ay pakiramdam ko umiikot pa rin ang ginagalawan ko. Hilong-hilo ako at kinakabahan. Nagmulat ako pero nanlabo ang paningin ko. Nang makarating kami sa hospital, inalalayan na kaagad ni Dad si Delancy na makalabas. Nawala na sila sa paningin ko at tuluyan nang nakapasok.
"Kasper, ano ba? Let's go!" singhal ni Mommy.
Pinilit ko ang sarili kong tumayo, pero dahil sa sobrang hilo, umikot ulit ang paningin ko at nagdilim. Ang naaalala ko lang ay narinig ko ang pagsigaw ng Mommy ko sa pangalan ko
NAGISING ako sa paghaplos sa kamay ko. Bumaling ako sa tabi ko at nakita ko si Mom na nakangiti sa akin. Bumangon ako at nagpalinga-linga sa paligid.
"Ano'ng nangyari, Mom?"
"Nawalan ka ng malay at natumba. Wala namang mali sa 'yo, siguro dahil daw sa kaba at stress kaya ka nawalan ng malay."
Tumango ako. "How's my wife? 'Yong anak namin?"
"Your dad took care of everything. Dito rin ang magiging kuwarto ng asawa mo." Katabi nga ng hinihigaan ko ay isa pang higaan. "They'll transfer your wife here a little later. Don't worry, okay?"
Tumango ako. Hindi nga nagkamali si Mom. Minutes later, they wheeled in my wife. Wala siyang malay nang ilipat siya sa higaan. Sumunod naman ay isang nurse na may dalang sanggol.
"Iyan na 'yong apo ko!" excited na sabi ni Mom.
Mabuti na lang at hindi na ako nahihilo. Lumapit ako sa nurse at inabot niya naman sa akin ang anak ko. "Here's your healthy baby boy, Sir."
Pinakatitigan kong mabuti ang itsura ng anak ko. He's sleeping. Lumapit naman sa akin si Mommy at tiningnan din ang karga sanggol na karga-karga ko.
"Ano pong ipapangalan, Sir? tanong ng nurse na may hawak na ballpen.
"Puwedeng hintayin nating magising ang asawa ko? Gusto niyang siya ang magpangalan, e'."
"Sige po, Sir. I'll be back later."
Tumango ako at nagpaalam siya amin. Panay ang puri ni Mommy sa anak ko. Ang cute naman kasi talaga niya. Bahagya siyang gumalaw kaya mas pinag-igihan ko pa ang pagsayaw-sayaw sa kaniya.
"Love," parang namamaos ang boses ni Delancy na nagsalita.
"You're awake."
"Patingin ako kay baby."
Lumapit nga ako at itinabi sa kaniya ang tulog naming anak. Hinaplos ni Delancy ang pisngi niya at ngumiti. "Ang guwapo-guwapo naman ng baby na 'yan. Mana kay Daddy niya, oh!"
Ngumiti naman ako sa tinuran niya. Dumating si Daddy dala ang bag ni Delancy at baby. Pagkatapos ay tinawag niya si Mommy.
"We'll leave you two here. May mga aayusin pa kami," paalam ni Dad.
"Copy that. Thanks for accompanying us, Dad," I said.
"Salamat ng marami, Dad. Kung wala kayo baka hindi na kami nakaalis at sa bahay na ako nanganak," biro naman ni Delancy.
Tumatawang umalis ang mga magulang ko. Bumaling ako kay Delancy at hinalikan siya sa kaniyang noo. Lumamlam ang tingin niya sa akin.
"Thank you so much, love," I said.
"For what? Bakit ka nagpapasalamat?"
"Alam kong nahirapan ka sa panganganak, pakiramdam ko ay dapat akong magpasalamat dahil kinaya mo."
"Ano ka ba? Normal lang 'yon. Sabi nga nila, 'di ba? Nasa hukay ang isang paa ng isang babae kapag nanganganak?"
"Let's not get you pregnant again."
Tumawa siya nang bahagya. "Ayaw mo ba ng maraming anak? Willing naman ako hangga't kaya ng matris ko."
I snorted. "Willing ka nga, ako naman ang mamamatay sa sobrang kaba. I lost consciousness!"
"Chicken!"
I glared at her, but then, smiled again. "Tama na ang tatlong bata sa bahay. Getting you pregnant is both risky, for you and me."
"Sa 'yo lang. Malakas ako, Kasper. Hindi ako mamamatay sa panganganak. Mukhang mas mauuna ka pang mamamatay sa nerbiyos."
I sighed. "I'm sorry, love. It's just that–"
Hinaplos niya ang pisngi ko. "You don't have to explain, Kasper. Alam ko kung saan ang pinangagalingan mo. Alam kong hindi rin naging madali sa 'yo ang gabing ito."
Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan iyon. "You're such an amazing woman. I love you so much."
"That's so sweet of you. I love you too."
Bahagyang gumalaw si baby. Kalauna'y umiyak ito nang napakalakas. Tumagilid si Delancy at pinadede ang bata. Tumigil rin ito at natahimik ang paligid.
"Gutom na pala. So cute naman ni Lucky," Delancy said.
"Lucky?"
Tumingin siya sa akin at tumango. "Oo. Lucky ang nickname niya."
"And what's his full name?"
"Full name? Lance Kian Mendez. Alejandrino."
"Lance Kian, nice name, love. Pero paanong naging Lucky?"
She tsked. "Isipin mo kasi. 'Yong La sa Lance, at iyong Ki sa Kian kaya naging Lucky."
"Oh, I get it."
"Ewan ko sa'yo."
Tumingin ako sa bata at masuyong hinaplos ang pisngi niya. "Welcome to the world, Lance Kian, my son."
BINABASA MO ANG
Burning Desire (Alejandrino Trilogy 1)
General Fiction12.20.22 Already in his early thirties, Kasper Alejandrino is still a philander. His life revolves around partying, fcking women he desires and leaving them as if nothing happened. He doesn't believe in commitment, not until he crossed paths again w...