I sat by Tatiana's casket, my eyes are already sore from crying. Si Mommy ang kasama ko ngayon, si Daddy ay nagpunta sa airport para sunduin ang mga kapatid ko at si Tamara. It's been three days since the accident. Pinayagan akong umuwi dahil hindi malala ang tama ko. All I got we're bruises and a broken arm. Sinalo ni Tatiana ang lahat ng matinding tama.
I stared at her face. Parang payapa lang siyang natutulog. I still can't believe they're dead. Namatay ang mag-ina ko dahil sa akin, this thought haunts me in my sleep. I will carry this burden for the rest of life.
Nilibing na si Kate dalawang araw na ang nakalipas. Hindi puwedeng magtagal ang katawan niya, unlike Tatiana. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung paano sasabihin kay Tamara ang nangyari sa Mommy niya. She's too young, she turned four just last month, and now, she has to live the rest of her precious life without a mother beside her. Kapag nalaman ba niyang kasalanan ko ang nangyari, mapapatawad niya pa ba ako?
"Anak, kain ka muna. You barely ate for the last few days," Mom said.
"Ano naman ang kaunting gutom, Mom?"
"Magkakasakit ka, Kasper."
"May mas sasakit pa ba rito? Iniwan ko ang babaeng pinakamamahal ko, nagpakasal ako kahit hindi ako sigurado. At nang malapit nang mahulog nang tuluyan ang loob ko, iniwan niya rin ako. She and my daughter, they don't deserve this, Mom. Bakit ako 'yong nabuhay, e', ang gago-gago ko? Ako dapat ang nasa kabaong na 'yan, hindi ang asawa ko."
"Anak, don't blame yourself. Hindi mo rin naman ginusto ang nangyari, 'di ba? It's not your fault."
"I was the one driving. Of course it's my fault."
Hindi nagsalita si Mommy bagkus ay yumakap lang siya sa akin. The two of us just sat there. She was caressing my back and comforting me.
Sometime later, narinig ko ang pagtigil ng kotse at ang mga pamilyar na boses. Unang pumasok si Hugo, ang fiancee niyang si Kassandra karga-karga si Isabella, ang panganay nilang anak, kasunod si Jackson na buhat naman ang natutulog na si Tamara.
"Hugo, ilagay mo muna 'yang maleta sa gilid at iakyat mo si baby. Sunod ka na lang kay Daddy, tanungin mo kung 'saan ang kuwarto ko," utos ni Kassandra at binigay ang anak kay Hugo.
Mabilis namang sumunod si Hugo at sumunod nga kay Hugo. Si Mommy na kanina ay katabi ko, ngayo'y sinamahan si Jackson na sumunod kay Hugo sa taas kasama ang anak ko. Lumapit sa kabaong si Kass at tinanaw si Tatiana. I can see a glint of sadness in reaction. Mabilis akong yumuko at tumitig sa sahig.
"Bro," tawag ni Kass sa akin.
"Mm-hmm?"
"How are you?"
I inhaled. "Fine. Ayos lang ako, I broke my arm, but I'm fine. Hindi naman masakit."
"Hindi masakit?" lumapit siya at umupo sa inuupuan kanina ni Mommy sa tabi ko.
"No."
"Kambal," may paglalambing na tawag niya at sinapo ang pisngi ko. "Harap kay Ate, Kasper."
I slowly tilted my head to her direction. She caressed my cheek and wiped the tears I never even noticed were falling. She sighed and hugged me.
"Kassandra-"
"Hush now, Kasper. If you don't want to talk about it, it's okay. May nakapagsabi lang sa akin na nakagagaan raw sa pakiramdam ang yakap. If you don't want to talk, I'm fine with it. I'm still your Ate, Ate is always here."
I closed my eyes and calmed myself. I think don't think there are no tears left to cry anymore. Naramdaman kong may humaplos sa likuran ko at nasisiguro kong hindi si Kassandra iyon. Nang lingunin ko kung sino 'yon, it was Jackson.
BINABASA MO ANG
Burning Desire (Alejandrino Trilogy 1)
General Fiction12.20.22 Already in his early thirties, Kasper Alejandrino is still a philander. His life revolves around partying, fcking women he desires and leaving them as if nothing happened. He doesn't believe in commitment, not until he crossed paths again w...