It's been two weeks since Tatiana and I got married and almost two months since our vacation. Ikinasal kami dito rin sa Pilipinas. It was a simple garden wedding exclusive to our family. Nagulat ang mga magulang ko na hindi si Delancy ang bride ko, pero wala rin silang nagawa. They got fond of Tamy when they found out she's their granddaughter.
Ibinenta ko na ang condominium unit ko at bumili ako ng bahay sa isang village. Dito rin nakatira ngayon si Jackson, magkapit-bahay lang kaming dalawa. For the past weeks, I've been trying to be a good husband to Tatiana. Hindi siya mahirap pakisamahan. I can see that she's doing her best to cope with the situation and fit in as well.
As of now, I'm cooking breakfast while Tamara is in the living room watching TV. Tamara is still asleep, she wasn't feeling well last night. I made fried rice, omelette and fried some bacon and some instant chicken nuggets as well since they're Tamy's favorite. I also made milk for her and coffee for Tatiana.
Nang matapos magluto ako dumiretso ako sa kuwarto. Nalampasan ko pa si Tamara na sumasabay sa kinakanta ng pinapanood niya. Nang makapasok ako sa kuwarto para tawagin sana si Tatiana ay nakarinig ako ng ingay mula sa banyo. Nagmamadali akong tumakbo at pumasok doon. Nakatayo si Tatiana at nakahawak sa gilid ng sink na parang kumukuha ng lakas doon. Lumapit ako sa kaniya at inalalayan siya.
"Are you okay?" tanong ko.
"Yes, I'm fine, hubby."
Inalalayan ko siya palabas ng banyo at pinaupo sa kama. Sinalat ko ang noo niya, pero wala naman siyang lagnat. Nag-aalala na ako dahil ilang araw na siyang ganito.
"Breakfast is ready. C'mon, let's eat." saad ko.
"Oo, kain, asawa ko."
A smile formed across my lips. Nagpapaturo sa akin si Tiana ng mga salitang Tagalog at mabilis siyang natututo. Halata pa rin ang accent niya kaya minsan hindi ko mapigilang matawa sa sinasabi niya. Hindi rin tama ang ilang pinagsasabi niya.
Hinawakan ko ang kaniyang beywang at inalalayan papunta sa kusina. Nang dumaan kami sa sala, naroon pa rin ang anak naming nanonood.
"Tamy, let's eat. Breakfast is ready," tawag ko.
Mabilis na kinuha ni Tamara ang remote at pinatay ang TV. Pagkatapos ay naglakad siya patungo sa amin at nagpabuhat sa akin. Binuhat ko siya at ang isang braso ko ay naka-alalay pa rin kay Tatiana na naglakad papuntang kusina.
Umupo si Tatiana at nagsandok ng makakain niya. Si Tamy naman ay umupo sa kandungan ko at pinapapak na ang chicken nuggets niya. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang mapansin ko ang masamang timpla ng mukha niya Tatiana. Inaamoy niya ang kape niya at mas lalong sumama ang mukha niya.
"What did you put in this?" parang galit na tanong niya.
"The usual."
"I don't like it. It smells awful."
Kumunot ang noo ko sa tinuran niya. "It was fine when I made it. It's the same usual coffee I make for you every morning."
"I don't like it!" sigaw niya at nagulat si Tamy.
Biglang umiyak ang bata kaya masama ang tinging ipinukol ko kay Tiana at hindi ko mapigilang singhalan siya. "What's wrong with you?!"
Nagmamadali siyang tumayo at tumakbo palapit sa lababo kaya bigla akong kinain ng pangamba. Nagduwal siya nang nagduwal doon. Sapo niya ang kaniyang tiyan habang ang isang kamay ay nakahawak sa gilid ng lababo. Mabilis kong ibinaba si Tamy at nilapitan si Tiana. Hinagod ko ang kaniyang likuran. Ilang minuto rin siyang nagduwal. Nang matapos ay para siyang nanghihinang humarap sa akin.
"Tatiana, let's get you to the hospital. I'm worried," sabi ko pero umiling lang siya.
"I'm fine."
Biglang nanlaki ang mata niya at muling hinawakan ang tiyan. She stormed out of the kitchen, and, so I followed her. Tumigil siya at pumasok sa kwarto namin. Pagkatapos ay kinuha niya ang maliit na paper bag. Nakalagay roon 'yong binili niya sa pharmacy noong nakaraan. Hindi ko alam kung ano 'yon at hindi rin naman niya sinabi. Nang makuha iyon ay nagtungo ulit siya sa banyo at ni-lock iyon.
"Tatiana, are you sick?" tanong ko mula sa labas ng banyo.
"Go and eat, Kasper."
"Damn it, I'm your husband. Let me in!"
"Kasper, please," her voice was pleading.
Napabuntonghininga ako at bumaba. Naabutan kong humihikbi pa rin si Tamy kaya binuhat ko siya at inalo. Nang tumigil ay nagpatuloy kaming dalawa sa pagkain. Hindi ko mapigilang magalala para sa asawa ko.
Ilang minuto ang lumipas, bumalik rin si Tatiana. This time, she was smiling at me. Tumayo ako at ibinaba sa upuan si Tamy. Sinapo ko ang mukha ni Tatiana at sinuguradong ayos lang siya.
"Are you okay, my wife?"
She nodded. "Oo, asawa ko."
"Do you need to go to the hospital?"
She nodded again and smiled. "Yes, we have to."
My heart raced again. "Then stop smiling, you're making me worry, sweetie."
She held my hand and placed a white stick-looking thing on my palm.
"What's this?" I asked, confused.
"Pregnancy test kit."
Namamanghang tumingin ako sa mga mata niya. "What does two red lines mean?"
"It means," kinuha niya ang isang kamay ko at ipinatong sa tiyan niya. "A baby is here."
Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Magkahalong saya, pangamba, mga emosyong hindi ko pa nararamdaman noon. Magiging ama na ulit ako. I pulled her and kissed her deeply. I bit my lips and smiled after.
"Thank you. Thank you for this, asawa ko."
She hugged me and whispered to my ear, "mahal kita, Kasper."
I inhaled deeply. "Mamahalin din kita, asawa ko. Pinapangako ko 'yan."
"Mommy? Adi?" tawag sa amin ni Tamy.
Nabaling ang atensiyon ko sa kaniya at kumalas sa yakap ni Tatiana. Binuhat ko siya mula sa upuan at nilapit sa ina niya.
"Heard that, sweetie? You'll be a big sister soon!" masayang sabi ni Tiana sa kaniya.
"Why?" Tamy innocently asked.
I answered her this time. "Because there's a baby inside Mommy's belly."
"Bibi?" she gasped.
Tumango si Tatiana sa kaniya at niyakap ang anak. Nakiyakap na rin ako sa kanila. Tatiana leaned her cheek on my chest. I kissed her hair and we stayed like that for a while.
BINABASA MO ANG
Burning Desire (Alejandrino Trilogy 1)
General Fiction12.20.22 Already in his early thirties, Kasper Alejandrino is still a philander. His life revolves around partying, fcking women he desires and leaving them as if nothing happened. He doesn't believe in commitment, not until he crossed paths again w...