"Drive back to the house where she left the child," I told Jackson.
He obliged quickly. The vision of Delancy and Rome keeps flashing on my mind. It's triggering emotions I could not understand. I shouldn't be feeling these kinds of emotions.
Nang makarating kami sa bahay kanina, bumaba kaagad ako. Lakad-takbo ang ginawa ko hanggang sa nakarating ako sa may pinto. Nakasunod sa akin si Jackson. Kumatok ako nang kumatok hanggang sa pagbuksan kami ng matanda kanina.
"Magandang araw, mga hijo? Sino kayo?" pambungad na tanong niya.
"Ako po si Jackson, siya po ang kuya ko, si Kasper. Mga kaibigan kami ni Delancy. Kayo po, sino po kayo?"
"Ay mga kaibigan po pala kayo ni ma'am. Ano'ng kailangan niyo rito, mga hijo? Wala siya rito."
"Alam po namin, La. Tatanungin lang po namin kayo tungkol sa anak niya," Jackson said.
Tumingin ako nang diretso sa kaniya. "Kumusta po si KD? Bakit hindi si Delancy ang nag-aalaga sa kaniya?"
"Maayos ang lagay niya rito, hijo. Katulong ako dati ni sir Rome, pero nang dumating si ma'am Delancy sa buhay niya, hindi na niya ako kinailangan. Ngayon, binabayaran na lang ako para maging yaya ng anak ni ma'am Delancy sa ibang lalaki."
I cleaned my fist. Hindi ko mawari kung paano'ng nagagawa ni Delancy na iwan sa kung sino-sino ang anak niya habang nagpapakasarap sa ibang lalaki. She's living in a mansion with Rome while our son is living with a nanny. Akala ko mabuting ina siya, nagkamali rin ba ako roon?
"Si Kd? Puwede ko po ba siyang makita?" tanong ko.
"Sige, hijo. Pasok kayo't kukunin ko lang siya sa kuwarto."
Pumasok kami at umupo sa sofa habang hinihintay ang bata. Nilibot ko ang tingin sa loob ng bahay. May isang T.V, ilang laruang nagkalat, maliit siya at halatang pang-isang tao lang talaga. Lumabas mula sa silid na pinasukan ang matanda dala si KD.
Ibinaba ng matanda si KD sa tapat ko. Mabilis namang kinuha ni Jackson ang cellphone niya at parang may hinahanap doon. Nagpaalam ang matanda na ikukuha raw kami ng maiinom at hinayaan lang namin siya.
"KD," tawag ko sa atensiyon niya at lumingon siya kaagad sa akin. "Halika rito."
Naglakad siya palapit sa akin. Kinuha ko ang wallet ko at naglabas ng dalawang libo at saka ito inabot sa kaniya. Mukhang nagtataka siya pero kinuha pa rin ang pera. Binuhat ko siya at inupo sa kandungan ko.
"Kumusta ka, KD?" tanong ko pero nanatili lang siyang nakatingin sa akin.
Itinabi ni Jackson ang cellphone niya sa tabi ng mukha ni KD. Tiningnan ko kung ano ang nasa cellphone niya. Larawan ko iyon noong bata pa ako, siguro ay nasa tatlong taong gulang ako.
"Gago, Kasper, kamukha mo. Anak mo nga!" singhal ni Jackson.
Bigla namang dumating ang matanda at narinig yata ang sinabi ni Jackson. Mabilis niyang ibinaba ang tray na hawak at naglakad palapit sa akin at kinuha si KD. Mukhang natataranta siya.
"Makakaalis na kayo, mga hijo. Patutulugin ko na ang bata," sabi niya.
"Ano pong problema, La? Kinakausap lang namin 'yong bata," sabi ni Jackson.
"Naalala ko lang ang sinabi ni sir Rome at ma'am Delancy. Hindi puwede ang mga bisita para kay KD."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. "Ako ang ama ni KD. May karapatan ako sa bata."
Tumalikod ang matanda sa amin. "Pasensiya na, hijo. Bilin kasi nilang dalawa na hindi puwedeng bisitahin si KD lalo na't wala silang permiso. Ayokong mawalan ng trabaho kaya pakiusap, umalis na kayo."
Napabuntonghininga ako at hinila paalis si Jackson. Halos iuntog ko na ang ulo ko aa dashboard ng kotse nang makabalik kami roon. Sumunod naman si Jackson na hindi kaagad pinaandar ang kotse niya.
"Akalain mo 'yon, Kasper. Dalawang beses kang tinaguan ng anak?" he said, and it sounded like he's making fun of me.
"Jackson, kung wala kang matinong sasabihin, manahimik ka na lang."
Nagkibit-balikat lang siya at pinaandar ang kotse niya. Nag-text si Nessa na umuwi na raw sila ni Tamara at nag-taxi na lang sila. Medyo na-guilty pa ako dahil nagtatampo raw sa akin si Tamara. I promised her a whole day father-and-daughter's day date after all. Dumaan na lang kami ni Jackson sa isang cafe at bumili ng paborito niyang cake.
Habang pauwi kami galing doon, nanatili akong nakakatulala. Parang sirang-plakang nagpaulit-ulit sa utak ko ang senaryong nakikipag-halikan si Delancy at ang lagay ng anak niya ngayo. How could she live a comfortable life in a mansion? Wala ba siyang pakialam sa bata? Hindi niya ba mahal si KD? Dahil ba ako ang ama ng bata kaya hindi niya mapaninindigan ang pagiging ina sa kaniya?
"Kasper," tawag ni Jackson sa akin.
"What?"
"Ano na?"
"Anong ano na?"
"Ano'ng plano mo kay Delancy? Ngayong may anak pala kayo?"
"Kay Delancy? Hindi ko alam."
"Sa bata?"
Huminga ako nang malalim. "Babawiin ko siya."
"Babawiin? Paano?"
"I'll talk to an attorney when I have time. Wala na akong pakialam kung umabot sa korte, ang importante, makuha ko ang kustodiya sa bata."
"Why do you want the child?"
"Anak ko siya, Jackson."
"Yeah, pero paano si Tamara?"
"Tamara is a smart girl." Kampante ako roon. "She'll understand my reason. Kung hindi, ipapaliwanag ko na lang. Ang importante ngayon ay makuha ko si KD."
"Bakit nga?"
"He deserves a better life than living with someone else, a nanny. Kampante akong mas maganda ang maibibigay kong buhay kapag napunta na siya sa akin. And besides, malaki ang tsansang papayag si Delancy. She is now happy with Rome after all."
Natahimik siya saglit. "Masakit ba, Kasper?"
"Ang alin?"
"Makitang masaya na sa iba si Delancy."
"I don't care about that anymore."
"Mahal mo pa rin?"
"I married Tatiana, Jackson."
"Oo, pero hindi ibig sabihin hindi mo na mahal si Delancy."
Kumunot ang noo ko. "Sinasabi mo bang hindi ko mahal ang asawa ko?"
"Not like that, dumbass. Alam mo, si Delancy, parang araw lang siya. When the sun sets, darkness comes, si Tatiana iyon. At habang madilim ang buhay mo dahil kay Tatiana, si Delancy naman ay nasa ibang lugar, she's shining in a different place. But the sun will always come back when morning comes."
"What in the fucking hell is that? Wala akong naintindihan."
Mahina siyang tumawa at umiling pa. "Minahal mo si Tatiana, hindi ko maitatanggi iyon dahil nakita ko kung paano ka nasaktan noong nawala siya. Pero sa huli, si Delancy pa rin ang pinakamamahal mo. Kahit ilang beses mong itanggi, si Delancy pa rin ang binabalik-balikan ng puso mo. Your eyes tell, Kasper. I saw how you got mad when Rome kissed her."
Umiling ako. "I was mad because she's living a luxurious life while our son is in a cheap apartment with someone he's not even related to."
"Pft, don't deny it. Galit ka dahil mahal mo pa rin siya. You're mad because deep inside, you're wishing you're the one kissing her. Deep inside, you're still that Kasper who is deeply and madly in love with Delancy Mendez."
BINABASA MO ANG
Burning Desire (Alejandrino Trilogy 1)
General Fiction12.20.22 Already in his early thirties, Kasper Alejandrino is still a philander. His life revolves around partying, fcking women he desires and leaving them as if nothing happened. He doesn't believe in commitment, not until he crossed paths again w...