48

1.5K 22 0
                                    

Sabado ngayon at umpisa na ng medyo mahabang bakasyon ni Tamara. Semestrial break nila ngayon kaya dalawang linggo rin siyang walang klase. Napag-usapan naming magmo-mall kami ngayon at mamimili ng mga regalo. Early third birthday celebration ng nag-iisang anak ni Hugo at Kassandra sa susunod na linggo at doon idaraos ang selebrasyon sa islang pag-aari nila, Isla De Fuego. Kaming apat ang magkakasamang nagtungo sa mall. Alam kong walang balak sumali si Delancy sa isla, pero mas wala sa plano ko ang iwan sila sa bahay.

Maaga kaming umalis sa bahay kaya dumaan muna kami sa cafe para doon na mag-agahan bago dumiretso sa sinabing mall. Nauna kaming nagtungo sa kid's section kung saan may mga laruang pambata. According to Kass, mahilig si Isla sa swimming, kaya naman goggles at salbabida. Sumunod ay ang mga laruang sigurado akong mag-e-enjoy niya, kagaya ng Barbie mermaid dolls, mermaid tails and underwater inspired hair ties and clip. Mag-tse-checkout na sana kami nang ayain kami ni Tamara sa isang aisle. It has pink dresses, shoes, bags and other girly stuffs, all with her favorite design.

"Daddy, can you please buy me one?" Tamy asked.

I sighed. "Sure. Mamili ka na ng gusto mo riyan."

"Yay, thanks, Dad!"

Bumaling ako sa mag-ina. "Magtingin-tingin na rin kayo ng laruan ni KD, para naman mayro'n din siya. Get at many as he wants"

Tumango si Delancy at dinala si KD sa boys' section. Gumuhit ang tuwa sa mukha niya nang makita ang mga laruang sasakyan at mga action figures. May tinuro siyang isang bagay na siyang pinuntahan nila kaya nawala sila sa paningin ko.

Naramdaman ko ang paghila ni Tamy sa kamay ko at itinuro ang malaking unan na hugis strawberry. "Daddy, gusto ko po 'yon."

I took a glance at the price tag. One thousand four hundred and ninety-nine pesos. Napabuntonghininga ako pero kinuha ko pa rin. Hinintay naming makabalik ang mag-ina. Pagkaraan ng ilang minuto at wala pa sila, sinundan na namin sila. Nakatayo si Delancy at nakapameywang habang si KD ay nakalabi.

"Is something wrong here?" tanong ko.

Napasulyap sa akin si Delancy. "Ang dami niyang gusto. Sinabihan ko nang isa lang kasi mahal ang mga laruan dito, pero ayaw pa rin niyang makinig."

"It's okay. Kunin mo na ang mga gusto niya para makalabas na tayo rito."

Bumuntonghininga si Delancy at umiling, pero kapagkuwa'y kinuha rin ang mga gustong laruan ni KD at iyon ang binayaran namin. We spent almost ten thousand on their toys alone. We happened to walk by the cinema and a new kid's show starring cars and other transportation. KD reached out his hands and wiggled in Delancy's arms.

"No, anak. We're not watching that. Uuwi na tayo." suway ni Delancy sa kaniya.

Napalabi ang bata sa tinuran ng ina at ilang sandali lang ay humikbi na. Ang hikbi niyang iyon ay unti-unting naging iyak. I couldn't stand seeing children cry, especially if it is my child.

"Gusto mo rin bang manood, Tamy?" tanong ko.

"Hmp! That's for boys only."

I heaved a sigh. I fished out my pocket and took my credit card from my wallet and handed it to Delancy. "Akin na muna si Delrick, mauna muna kayo sa pupuntahan natin."

She looked puzzled. "Pupuntahan? Saan naman 'yon?"

"Well, I was planning to buy you and KD some extra clothes. Swimming wears to be exact, pero nagpupumilit naman siya, kaya akin muna siya at sasamahan ko siyang manood. Isama mo si Tamara, you can use mu credit card to buy things for you, KD and Tamy, if ever she wants anything. Is that okay with you, Tamy?"

Tumango naman siya sa akin. Bumaling ako kay Delancy na magkasalubong ang dalawang kilay. "Bakit mo naman kami bibilhan ng swimming wears?"

"I forgot to inform you. Sasama kayo sa amin sa isla next week."

"No. Hindi namin kailangang sumama, nakakahiya. Kung gusto mo, isama mo ang si KD tutal anak mo rin naman siya. Maiiwan na lang ako."

"Kailangan mong sumama, Delancy."

"Hindi na nga. Kung dati pa, puwedeng-puwede akong sumama dahil tayo noon, pero ngayong wala na tayong relasyon, okay lang kahit hindi ako sumama."

I rolled my eyes at her. "Isn't Kass your best friend? Importante sa kaniya ang selebrasyon. Kahit sana sa rasong iyon lang ay pumayag kang sumama."

Natahimik siya pero sumuko rin. "Fine. I'll go, but because I badly want to see Kass again."

"Good. Now, take my daughter with you and buy everything, I mean everything you need. Huwag mong intindihin ang gagastusin mo dahil pera ko 'yan at wala akong balak na singilin ka. Bilhin mo lahat ng kailanganganin mo. Kung may ipapabili si Tamy, pag-isipan mong mabuti kung dapat bang bilhin iyon."

Umirap siya sa akin. "Kung ako, okay lang na kahit ano'ng bilhin ko, pero sa anak mo kailangang pag-isipan. Ayos ka lang ba talaga?"

"Alam kong iyong mga kailangan mo lang ang bibilhin mo and knowing you, you'll do everything to spend less money. Tamara, on the other hand, can spend my one month salary in a day. Kaya kung ako sa 'yo, utang na loob, Delancy, huwag mong bibilhin lahat ng ipabibili niya sa 'yo."

Tumango siya. "Pagkatapos naming mamili, ano'ng gagawin namin?"

Nagkibit-balikat ako. "Bonding, I guess?Basta, meet us in the food court after two hours. I-text mo na lang ako."

"Sige." She held Tamara's hand. "See you later."

Ang kaninang umiiyak na si KD, ngayon ay tumahan na. Halata ang tuwa sa mukha niya habang nag-a-avail kami ng ticket papasok. Hindi naman gan'on karami ang mga tao. Dahil na rin siguro panghuling araw na itong showing at lahat ng gustong manood nito ay nauna na nang mga nakaraang araw. Kahit papa'no ay may naintindihan naman ako sa pinapanood. It's a sequel of a famous cartoon I watched when I was younger.

KD became quiet, when I looked at him, tutok na tutok siya sa pinapanood niya. He was smiling from ear to ear and giggled everytime the characters do something he loves. I smiled as I keep my attention to him. I thanked God because I got a chance to meet my son, even if me and his mom is not in best terms. I silently prayed that everything will fall into its right place.

Burning Desire (Alejandrino Trilogy 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon