I woke up with a euphoric feeling. Bumaling ako sa tabi ko pero wala si Delancy. Siguro ay bumaba na siya. I took a shower and cleaned myself before proceeding downstairs. Wala na ang mga naiwan naming damit at malinis na ang sala nang madatnan ko. Naroon si Tamy at KD na naglalaro. Nagkukulay-kulay sila at tinuturuan ni Tamy si KD ng tamang paghawak ng kulay, pero dahil bata pa lang ang kapatid ay hindi niya magawa-gawa ang turo ng kaniyang ate.
Nagtungo ako sa kusina at nakahain na ang mga pagkain ngunit wala si Delancy roon kaya naman lumabas ako sa backyard. Naroon siyang nakatayo pagtalikod sa akin. Lumakad ako palapit at niyakap siya at saka hinalikan ang balikat niya.
"Good morning, love," bati ko sa kaniya na sinuklian niya ng mahinang tawa bago umikot paharap sa akin.
"Good morning, love," She smiled sweetly. "Na-miss ko 'yon. Na-miss kitang tawagin n'on."
She hugged me back and tiptoed. She gave me a peck and just stood there, staring right into my eyes and smiling sweetly. I can't believe this is happening. I am silently praying in my head that this is not a dream. I don't wanna wake up and we're not together.
"Love, sasabihin ba natin 'to sa mga bata?" tanong niya.
"Sa tingin mo ba?"
"Sa tingin ko, oo. Inaalala ko lang si Tamara. Matatanggap niya ba ako bilang babaeng mahal mo? Handa akong maging isang ina sa kaniya, pero duda akong gusto niya akong maging ina."
"What makes you say that?"
"Naalala mo ba noong may program sa school nila? 'Di ba ayaw niya akong kasama sa laro dahil hindi naman niya ako Mommy?"
I chuckled. "Pero pumayag din naman siya, hindi ba? Nag-enjoy pa nga kayong dalawa e'. Siguro kung ipa-iintindi natin sa kaniya, matatanggap niya rin."
Kumalas siya sa yakap. "Pero paano kung hindi? Hindi sa pagiging nega, pero may posibilidad naman, 'di ba? Bata pa lang ang anak mo, pero sa nakikita ko ay matalino siya. May sariling pag-iisip na rin siya."
"Kung ano man ang iisipin o desisyon ng anak ko, respetuhin na lang natin. Let's not invalidate her feelings, love. The least we could do if ever that happens is to stay true to ourselves. Ipa-intindi natin pero huwag nating piliting matatanggap niya tayo lalo na't mahal na mahal ni Tamy si Tiana. Maybe in time, she'll learn to accept it."
She let out a sigh. She looked at me and smiled. "Breakfast muna tayo bago natin sabihin, okay lang ba?"
Um-oo na ako kaagad. Pumasok kaming dalawa sa bahay at tinawag niya ang mga bata para mag-agahan. Sobrang saya ang naramdaman ko nang makitang magkahawak ang mga kamay ni Tamara at KD na pumasok sa kusina. Nagpumilit pa si Tamara na magkatabi silang kumain at susubuan si KD. Sobrang kalat nilang kumain, natapon pa ang maple syrup sa lamesa. Mabuti na lang at tumulong si Tamara sa amin sa pagliligpit at paglilinis.
True to her words, pagkatapos naming kumain sumunod kami sa dalawa sa sala. KD is playing with his toy cars while Tamy is with her dolls, mukhang may sariling mundo naman ngayon ang magkapatid. Naupo kami sa sofa at tinawag si Tamara na kaagad lumapit sa amin. Umupo siya sa pagitan namin ni Delancy.
"Bakit po ninyo ako tinawag, Daddy?" she asked.
"You're Tita and I have something to tell you, sweetie."
"What po 'yon?"
Delancy spoke. "Tamy, your Dad and I... we're together."
"I know po."
Nagulat ako sa sagot niya. "You already know, anak?"
"Yes po. You're together, and KD and I are together. We're all together kasi magkakasama tayo."
BINABASA MO ANG
Burning Desire (Alejandrino Trilogy 1)
General Fiction12.20.22 Already in his early thirties, Kasper Alejandrino is still a philander. His life revolves around partying, fcking women he desires and leaving them as if nothing happened. He doesn't believe in commitment, not until he crossed paths again w...