Nagkukwentuhan pa rin kami ni Delancy tungkol sa mga nangyari sa kaniya noong kakauwi niya dito sa Pilipinas. Natatawa ako dahil halatang naiinis siya habang kinukwento ang mga karanasan niya sa mga kapitbahay nila dati.
"'Yong si aling Lita talaga, akalain mo 'yon, sabihan ba naman akong ilibre ko sila sa mall? Ni hindi ko pa nga sila kilala nang lubusan noon! Ang sabi niya, 'okay lang 'yan, galing ka namang America, sigurado akong marami kang dolyares,' nakakainis! Anong akala niya sa mga dolyares ko, giveaway?" Halos pasigaw niyang sambit.
"Calm down, woman!" suway ko sa kaniya at inabutan siya ng tubig.
I'm still curious why they left.
"Delancy, if it's okay to ask, bakit naghiwalay si auntie at tito?" tanong ko.
Natigil naman siya.
"I'm sorry, I'm just curious. It's okay if you won't tell," I sincerely apologized.
"It's okay, it's just that, nawalan ng time sa amin si mom."
"Why?"
Tumingin muna siya sa akin at ngumiti.
"Hindi kami ang unang pamilya niya. Her first child was a convicted criminal, naligaw sa landas ang una niyang anak at napunta sa maling gawain at pakikipag-basag ulo 'yong isa. Sinubukan ni mom na ituwid ang buhay ng anak niyang 'yon pero nawalan siya ng oras para sa amin. Nagkasakitan sila ni Papa kaya humantong sa hiwalayan."
"Galit ka sa mommy mo?"
Umiling naman siya.
"I'm not and I will never be. She's still my mom, I know kapag ako ang nailagay sa sitwasyon ng una niyang anak, iyon rin ang gagawin niya."
Konti na lang, alam kong iiyak na siya.
"Do you want me to find your mom?" tanong ko.
Gulat siyang humarap sa akin.
"What do you mean, Kasper?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"I could hire someone to find her. Ang sabi mo nga, hindi mo na mahanap ang mga kamag-anak mo dito sa Pilipinas, 'di ba? Subukan nating 'yong mommy mo ang hanapin, bukod sa mas madali dahil may alam ka naman sa mga maaari niyang puntahan, makakasama mo na ulit siya. You miss her, do you?"
Tumango naman siya at ngumiti nang malaki. "Tutulungan mo talaga ako?" tanong niya.
"Yes, it's the least I can do as of now to make you happy, right?"
Bigla siyang tumayo at yumakap sa akin. "Thank you so much!"
"Geez, okay. But first, you should eat, ang gaan mo!" natatawang sambit ko.
"Grabe ka naman, diet ako 'no? Mine-maintain ko ang katawan ko,"
"Bakit ka naman nagda-diet?"
"Kasi nga, gusto kong maging sexy!" singhal niya.
'She's already the sexiest woman in my eyes'
"Sige, maganda 'yan. Pero dapat may laman rin 'yang katawan mo, you look so skinny, to be honest. I know you should love your body no matter what but you should really eat," saad ko.
"Ako? Walang laman ang katawan? E', ano pala 'to?" tanong niya at nilamas ang sariling dibdib.
I felt my shaft twitched with what she did. "Do you really have to do that in front of me?" medyo inis na tanong ko.
"Gusto mo bang ikaw ang gumawa?" tanong niya pabalik.
"Soon, kapag girlfriend na kita. Tandaan mo 'yan," malokong sambit ko.
"Gago, tigang ka lang," sabi niya at umirap pa.
Matagal-tagal pa kaming nagkuwentuhan, marami rin siyang naikuwento tungkol sa karanasan niya sa barko. Natigil lang kami nang tumawag si Jackson.
"Kuya Kasper," panimula niya.
Something's wrong. Hindi niya ako tinatawag na kuya, maliban na lang kung may problema.
"What's wrong, Jack?"
"Pumunta ka dito sa hospital, I'll text the exact place,"
Dahil nga naka-loud speaker ang cellphone, narinig din iyon ni Delancy. Nagtinginan kami at halata rin sa kaniya ang kaba.
"What happened, bakit ka nasa hospital?" tanong ko.
"It's ate Kass, she passed out kanina," sagot niya.
"Okay, I'll go. Text me where."
Ibinaba na niya ang tawag at kaagad ko namang nakuha ang chat niya.
"I'm sorry, Delancy, we'll have to do tbis next time," paghingi ko ng paumanhin.
"Sasama ako, Kasper," sabi niya.
Nagmadali kaming pumunta sa sinabing hospital. Hindi naman kami nahirapang hanapin ang kuwarto ni Kassandra. Pagpasok namin, bumungad sa'min si Jackson na prenteng nakaupo, si Rielle at si Rogue at si Kass na nakahiga. She's in bed, she looks okay to me.
"Kass, what's wrong?" tanong ko at nagmadaling lumapit sa kaniya.
"You're here," sagot niya.
"Anong nangyari, may masakit ba sa'yo?" tanong ko.
"Nothing is wrong, wala ring masakit. Nahimatay lang ako."
Tumayo si Jackson at lumapit sa amin.
"The doctor said she's okay, she's just overworked. Masiyado raw kasi niyang inaabuso ang katawan at nilulunod sa trabaho kaya nagkaganiyan."
Tumingin ako kay Kassandra.
"We told you, you should take a time off," pananermon ko.
"I'm fine, isang araw na pahinga 'to and I'll be fine again."
Tumayo si Rielle at Rogue tsaka lumapit.
"Kassandra, your brothers are right. Don't worry about the company, mayroon si Dad para tulungan ako," Rogue said pertaining to Rielle's father.
"Yeah, Kassandra, kung kakailanganin pa nila ng tulong, I can also help. You should really take a break from work. You're abusing yourself na," sabi ni Rielle.
"Okay, fine," pagsuko ni Kassandra.
"Great! Next week, when you feel better, sasamahan kita doon sa sinasabi kong isla. Malay mo, makahanap ka rin ng magbibigay sa'kin ng pamangkin," masayang sabi ni Jackson.
"I can rest at home."
"No, mas maganda kung sa malayo para siguradong hindi ka magta-trabaho. Besides, you'll be staying there for six months," saad ni Jackson
"Masiyadong matagal 'yon!" reklamo niya.
"No, that's fine. You can stay longer if you want," sabi pa ni Rogue.
"Why does it feel like pinagtatabuyan niyo ako?" tanong ni Kassandra.
"Totoo naman," biro ni Jackson at natawa kami ni Rogue.
"We'll be going, I left PJ with my mom. Baka hinahanap na niya ako," pagpapaalam ni Rielle.
"Sige, ingat!" sagot ni Kass.
"Take care of yourself," pagpapaalam ni Rogue at humalik sa pisngi ni Kass bago umalis kasama ang asawa.
"Kasper, ate Kass, I'll be going na rin," pagpapaalam rin ni Jackson at humalik rin kay Kassandra bago umalis.
"Kasper, take care of the bills! I'll be back to fetch ate!" malakas na sambit niya habang naglalakad paalis.
Napakakuripot niya talaga.
Tumikhim si Delancy sa likod ko kaya napunta sa kaniya ang atensyon namin.
"Hi, Kass! I hope you're fine na," saad niya.
"Thanks, Lance."
I decided to pay the bills as what Jackson told me.
"Oh, pa'no, I'll take care of the bills, mag-usap muna kayo," pagpapaalam ko bago umalis.
BINABASA MO ANG
Burning Desire (Alejandrino Trilogy 1)
General Fiction12.20.22 Already in his early thirties, Kasper Alejandrino is still a philander. His life revolves around partying, fcking women he desires and leaving them as if nothing happened. He doesn't believe in commitment, not until he crossed paths again w...