28

1.4K 21 1
                                    

Maaga kaming nagtungo sa doktor para sa resulta ng test. Si Tatiana lang ang kasama ko ngayon at ang bata. Ayaw nang sumama ni Delancy na mula kagabi ay hindi na ako kinausap. Nakaupo kaming magkatapat ni Tatiana habang hinihintay namin ang doktor na kumuha ng DNA results. Wala ring ni-isa sa aming dalawa ang nagsalita

Nang umupo na ang doktor sa kaniyang silya, mas naramdaman ko ang tensyon. Tumikhim muna siya bago inabot sa akin ang folder. Hindi ko alam kung bakit pero ayokong makita kung ano man ang nakapaloob dito. Unti-unti ko itong binuklat at naramdaman ko ang pamumuo ng mga luha sa mga mata ko.

Positive. Ako nga ang ama ni Tamara.

Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Inaamin kong medyo masaya ako dahil may anak na ako pero sa ngayon, isa lang ang iniisip ko.

Paano na si Delancy? Ano na lang ang mararamdaman ng mahal ko?

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Ipinakita ko ito kay Tatiana at sumilay sa kaniyang labi ang isang ngiti. Tumingin siya nang makahulugan.

"I told you you're her father." sabi niya.

Tumango na lang ako at hindi na nagsalita. Umalis na kaming dalawa roon at napagdesisyunang sa labas kumain. Pag-uusapan na rin namin ang tungkol sa karapatan ng bawat isa.

"I want your name on her birth certificate." sabi niya habang hinihintay namin ang pagkain namin.

"Look, I can be her father, but can we just take care of that after the wedding?" pakiusap ko.

"No, I want to take care of it now. Cancel the wedding if you must. My daughter needs her father."

Napabuntong-hininga ulit ako, kailangan ko rin kasing bumawi sa anak ko. At sa kabilang banda, kailangan ko ring bumawi sa mapapangasawa ko. Ngayon ay litong-lito na talaga ako.

"Tatiana, please understand—"

"No, Kasper! I don't care if you're getting married. I want your name on her birth certificate as soon as possible!"

Dumating ang pagkain namin kaya saglit kaming natahimik. Nag-iingay si Tamara, tatlong taon na siya pero medyo hindi pa maayos ang pananalita niya. She's making up random noises habang nakangiting nakatingin sa akin.

"Do you wanna go to daddy?" masuyong tanong sa kaniya ni Tatiana na nakakarga sa kaniya.

Bumaba ang bata at naglakad patungo sa akin. Itinaas niya ang dalawang kamay kaya wala na akong nagawa kun‘di buhatin siya. Mas lalong lumaki ang ngiti niya at pilit isinusubo sa akin ang hawak niyang french fries. Nang kainin ko ito ay humagikgik siya, bagay na nagparamdam sa akin ng hindi ko pa nararamdaman dati.

"Adi!" saad ni Tamara, I think she meant to call me.

"Hey, princess! How can I make it up to you?" masuyong bulong ko.

"Tamara always wanted to go to amusement parks, but we only go once a year on her birthdays." paliwanag ni Tatiana.

"After this, let's go to the amusement park, okay?"

Pumalakpak siya at halatang tuwang-tuwa. Siguro ay makakabawi na rin ako kahit papa’no at isa pa, I don't wanna go home to Delancy. Hindi ko pa alam kung paano siya haharapin sa lagay na ‘to. Bahala na siguro mamaya.

After we had our lunch, we went straight to the amusement park. Tamara couldn't stop laughing and giggling whenever we're on rides. Nagpunta rin kami sa isang photo booth na nakita namin doon, it really captured how happy my daughter is. Ilang oras ang itinagal namin doon, hindi ko na namalayang alas sais na nang umalis kami. Sa sobrang pagod na rin siguro kaya nakatulog si Tamara habang karga-karga ko siya. Hinatid ko sila sa apartment at nang paalis na ako ay bumalik na sa akin ang takot na pilit kong nilalabanan kanina.

Mabibigat ang mga hakbang ko papasok sa kuwarto. Naroon si Delancy na prenteng nakaupo sa kama. Nang makita ako ay kaagad niya akong sinalubong ng halik at saka yumakap sa akin.

"Bakit ngayon ka lang? Kumusta ang DNA? Hindi mo naman siya anak, ‘di ba?" nakangiting tanong niya.

I didn't know what to tell her, I have no choice but to spill the truth.

"Tamara, she is. . . my daughter."

Nawala ang ngiti sa labi niya at kumalas sa pagkaka-yakap sa akin.

"B-But, it won't interfere with the wedding, right? Tuloy pa rin naman ang kasal natin, hindi ba, Kasper?"

Tumango naman ako bilang sagot. "Yes, but. . ."

Mas lalo siyang umatras nang sabihin ko ‘yon.

"But what, Kasper? Bakit may pero?"

"Love, can we move the wedding?"

"No, Kasper!" singhal niya.

"May mga importanteng bagay akong kailangang ayusin."

"At ang kasal, hindi importante?"

"Tatiana said—"

Nagulat ako nang dumapo ang kamay ni Delancy sa pisngi ko. Nangingilid ang mga luha sa kaniyang mga mata.

"I knew it. Magiging kahati ko sila sa’yo." mahinang saad niya.

"Love, it's not like that."

"Pakasalan mo muna ako, Kasper. Gusto kong sigurado ka na sa akin."

"Sigurado ako, Delancy. I've never been more sure. But I need you to understand me. Puwede bang unahin ko muna ang anak ko?"

"Kasper, gusto kong ipagdamot ka. Gustong-gusto ko, pero anong laban ko sa anak mo? Bakit ganito na naman? Ako ‘yong nauna pero bakit ako ang nagmumukhang talo?"

"Love, please,"

"I feel like I'm not sure about the wedding. Parang ayoko nang magpakasal sa’yo, Kasper."

What she said broke me. Ang sakit palang marinig n’on. Nagsimulang humikbi si Delancy. Nag-unahang pumatak ang mga luha niya.

"Delancy, please, just this once. Pagbigyan mo ako." sabi ko at yumakap sa kaniya. "Please, love, just this once."

Naramdaman ko ang pagtango niya kasabay ng pagbulong niya. "Just this once,"

She slowly pushed me and excused herself to the bathroom. At hindi ko akalain ang mga sumunod na narinig ko mula sa kaniya.

Burning Desire (Alejandrino Trilogy 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon