Nang makarating kami pabalik sa bahay, kaagad na binuksan ng dalawang bata ang mga laruang pinabili nila. Nang magkita kami ni Delancy kanina sa food court, dalawang malaking paper bag na puno ng laruang panlalaki at pambabae ang hawak niya. And I wasn't wrong, she bought all those for a very cheap price. I don't know how she did it, but she's amazing.
Habang naglalaro ang magkapatid, ako naman ay nagpatulong kay Delancy na magbalot ng mga laruang regalo ko para sa anak ng kakambal ko. Maingat siya sa bawat pagtupi at pagdikit sa wrapper. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili kong tumitig sa kaniya at lihim na ngumiti. Nang matapos niya akong tulungan ay nilabas niya ang mga damit na binili niya kanina at nilabhan ang mga iyon. Halos gabi na nang matapos siya habang ako ang nagbantay sa dalawa para hindi sila mag-away.
May binili kaming pagkain sa drive-thru bago kami umuwi. Iyon ang ni-reheat namin at ginawang panghapunan. Natawa ako dahil sa orihinal na lalagyan na namin kinain ang mga ito. Walang ni isa sa amin ang gustong mag-hugas kaya iyon ang ginawa namin. Nang matapos ay inutusan ko si Tamara na umakyat na sa kwarto at maglinis ng katawan para maligo. Gan'on din si Delancy, umakyat siya para linisin at patulugin ang anak naming lalaki. Pagbalik ko sa kwarto ko, hindi pa tulog si Tamy at may balak pa yatang umalis.
"Where are you going, sweetie? Matulog ka na, we had a long day."
"Can I say good night to Tita and KD first, Daddy?"
Tumango ako at sinamahan ko siya sa kwarto niya kung saan nananatili ang mag-ina. Pagdating namin doon, kumatok siya at kaagad namang pinagbuksan ni Delancy. Ngumiti siya nang makita si Tamara.
"Tita, mag-gu-good night lang po ako."
Delancy squatted down. "Good night, Tamy. Tulog na si KD, do you still wanna say good night."
"Opo, Tita. I won't wake him up." She then kissed her on her cheek.
Pinapasok kami ni Delancy. Dahan-dahang sumampa sa kama si Tamy at hinalikan din sa pisngi ang natutulog na si KD. Humiga siya sa tabi nito at niyakap siya. A sweet smile formed across her lips.
"Excuse me, I'll just clean myself up," paalam naman ni Delancy kaya tumango ako.
"Tamy, babalikan kita rito. Don't wake KD up, okay? I'm just gonna go grab some water downstairs," paalam ko at nag-thumbs up sign lang ito sa akin.
Kagaya ng sinabi ko, bumaba ako at kumuha ng iinumung tubig. Pagkatapos ng dalawang baso, umakyat ulit ako. Pagpasok ko ay nadatnan ko si Tamara na tulog na at nakayakap sa nakababatang kapatid. Sakto namang lumabas si Delancy mula sa banyo na nakasuot na ngayon ng pantulog. Napatingin siya sa dalawang batang natutulog ang gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi.
"Ang cute naman nila," she said.
"Nakatulog na rito si Tamy."
"She's a sweet girl, you know."
"Yeah, I know. Puwede bang dito muna siya matulog ngayong gabi? Kasya naman kayong tatlo rito. Kung kakargahin ko kasi siya, magigising siya at hindi na makakatulog ulit."
Tumango siya. "Oo naman. Puwedeng-puwede."
"Great. Good night then, see you tomorrow."
I turned my back and was about to leave, but Delancy called me. "Can we talk?"
"About what?"
"Something serious."
Nag-aalangan akong tumango. "Sure, but not here. Doon tayo sa sala, baka magising ang mga bata kapag dito tayo nag-usap."
Kaya naman sumunod siya sa akin papuntang sala. Naupo ako sa sofa at siya naman ay sa tapat ko. Mariin ko siyang tiningnan pero hindi naman siya nagsasalita.
"Ano nga ang pag-uusapan natin?" I asked.
"Tungkol sa atin sana."
"Sa atin? Bakit, anong mayr'on sa 'tin?"
"Iyon na nga, Kasper. Gusto kong linawin kung ano ang relasyon natin." Parang nawalan ako ng sasabihin pagkatapos niyang sabihin iyon, kaya naman itinuloy niya ang sinasabi. "Pakiramdam ko kasi para tayong isang buong pamilya. Ikaw, ako, si Tamy, at si KD."
"Hmm, yeah?"
"Kakapalan ko na ang mukha ko, Kasper." She looked straight to my eyes. "Mahal pa rin kita."
"W-What? Paano'ng ako? Si Rome?"
"Kaya lang naman ako pumatol sa kaniya kasi nangako siyang bibigyan niya ng magandang buhay si KD, e'. I couldn't say no especially if I have no family to be by my side. Wala na akong pera noon, Kasper, kaya kahit ayaw ko sanang pumayag ay wala na akong naging choice." Her voice keeps cracking and her eyes got red. "Kapalit ng magandang buhay sana kay KD, inalipin ako ni Rome. Sinasaktan niya ako tuwing naalala ka niya. Kasper, he is jealous of you. According to him, you always had a better life than him. That's why, everytime he sees KD, nagagalit siya. Binubugbog niya ako, sinasaktan, minumura. Nang sabihin niyang kumuha siya ng yaya para sa bata, umoo kaagad ako dahil sa takot na baka madamay ang bata sa kabaliwan niya. Gusto ko na siyang iwan, pero hindi pa ako nakakabangon. But believe me, Kasper, I never loved Rome, not even a single bit."
With every word coming out of her mouth, my chest gets heavier and heavier. "I'm sorry you had to go through all this, Delancy."
She started sobbing. "It was my choice, so don't be sorry. Ikaw, Kasper, minahal mo rin ba si Tatiana?"
Kahit alam kong masasaktan siya, ayokong mag-sinungaling sa kaniya. "Oo naman." Sadness radiated from her face. "Minahal ko siya sa paraang alam ko, but the process of trying to love her was hard and painful. Tinanggap ko na noon na siya ang pakakasalan ko, pero alam mo bang noong kasal namin, I kept praying na ikaw 'yon. Iniisip ko na ikaw ang bride ko. But my supposedly bride ran away when I was ready to give my whole world up so I could fight for her."
"Eh ngayon, wala na si Tiana, puwede ka pa ba?"
"Who would want to be someone like me? I was an asshole, I still think I am. May mga anak na ako at sila na ang sentro ng buhay ko."
She sobbed harder and slowly went on her knees. "Kasper," she said in her most vulnerable voice. "Ako na lang ulit. Mahalin mo na lang ako ulit."
Mabilis ko siyang hinila pabalil sa sofa at sinapo ang pisngi. "Delancy, no, hindi puwede. Hindi na puwede. I wasn't the same Kasper before."
"Mahal pa rin kita."
"And I still love you too, Delancy. Yes, I did love Tatiana, but not the way I loved you. You'll always stand alone, you're different, but you deserve someone better. And believe me, love, I want to be that better man, but it hurts me knowing, I will never, ever be him. I will never be the man you deserve. I'm just an asshole who ruined your life. So please, huwag na ako."
She shook her head. "I won't love them if they're not you. Ikaw ang gusto ko."
"May Tamy na ako, mamahalin mo ba ako kahit may anak ako sa ibang babae? Delancy, kapag minahal mo ako, mapupunta sa 'yo ang responsibilidad bilang ina ng batang hindi sa 'yo."
"And I would gladly accept Tamara as my own daughter wholeheartedly. Please, one last chance is all I ask. I promise not to run away anymore, I will fight for you, I'll do everything."
"Sigurado ka ba sa akin? Delancy, there are men out there better than me, walang anak na iba. Kayang ibigay sa 'yo ang lahat."
"Do you think they'll love me kahit may anak ako sa 'yo?"
"Oo naman, hindi magiging problema 'yon."
"Same goes to you, Kasper." She cupped my face. "Please don't push me away. One last chance, let's fix this, love. Please?"
I looked at her, her eyes were pleading. She ran her thumb across my cheek as she bit her quivering lips. I sighed frustratedly.
I nodded. "One last chance, love." And witg that, she leaned towards me and crashed her lips against mine.
BINABASA MO ANG
Burning Desire (Alejandrino Trilogy 1)
General Fiction12.20.22 Already in his early thirties, Kasper Alejandrino is still a philander. His life revolves around partying, fcking women he desires and leaving them as if nothing happened. He doesn't believe in commitment, not until he crossed paths again w...