19

2K 25 0
                                    

Narito ako ngayon sa mini-gym ko at katatapos ko lang mag-workout. Nagpunta ako sa kuwarto para tignan si Delancy pero wala na siya roon, nakaayos na rin ang higaan kaya naisip ko na baka naghahanda na siya ng umagahan. Pagkatapos kong magpahinga saglit, nag-shower na ako at dumiretso sa kusina.

Habang papunta roon, may narinig akong musika na tumutugtog. Maingat akong naglakad at sinusubukan kong hindi gumawa ng kahit anong tunog. The music is somehow erotic. Sumilip ako sa pinto at bumungad sa akin ang naglulutong si Delancy. Nakatalikod siya sa akin at damang-dama niya ang sariling sumasayaw sa tugtugin. Gumigiling pa ang balakang niya at dahil hapit sa kaniya ang suot niyang booty short, kitang-kita rin kung paano gumalaw ang pang-upo niya. Sumandal ako doon at ipinagkrus ko ang mga braso ko sa dibdib ko at pinagpatuloy ang panonood sa kaniya.

Bigla siyang umikot at napatalon nang makita niya ako sa ganoong posisyon.

"Kanina ka pa d'yan?" tanong niya.

"Medyo lang, ang galing mo palang sumayaw." sabi ko.

"Hoy, hindi kaya! Hindi mo na dapat nakita 'yon." sabi pa niya.

"Bakit naman hindi?"

"Nakakahiya kaya."

"Hindi naman, you're sexy." sabi ko at lumapit papunta sa table para ihanda ang pagkakainan.

"You're always making comments about me."

"I'm just reminding you."

She just snorted and started serving the food she prepared for us.

"Anyway, love, sa isang araw na pala ang binyag ni PJ. Pupunta tayo, a'ight?." pagpapaalala ko sa kaniya.

"Hala, oo nga pala! Samahan mo akong bumili ng regalo para sa kaniya!"

PJ is the son of my cousin, Rogue. Ilang beses pa lang siyang nakita ni Delancy.

"Oo naman. After breakfast, maligo ka na at didiretso na tayo sa mall bago tayo pumunta sa restaurant" sagot ko.

She looked at me and smiled.

"Kasper," she called.

"Yes, love?"

Hindi siya sumagot at parang nag-aalangan siya sa sasabihin niya.

"May sasabihin ka ba, Delancy?"

Tumango lang siya at natahimik ulit ng ilang minuto bago tuluyang sumagot.

"What if maghanap tayo ng ibang head chef para sa restaurant." sabi niya.

"What do you mean? Are you still doubting yourself, love?" tanong ko at umiling siya.

"I wanted to take a break from work kasi muna. Matagal na rin simula noong umalis ako sa barko, love, but I still don't wanna work." sabi niya.

Matagal naman akong napatitig sa kaniya.

"Then why did you agree to be the head chef then?" tanong ko.

"I feel like I couldn't say no to you." she mumbled.

"Okay then." sagot ko na lang.

Tumitig lang siya sa akin habang kumakain ako at hindi ginalaw ang pagkain niya.

"Is there something else?" tanong ko ulit.

"Are you mad?"

"No, why would I be?"

"Baka galit ka, Kasper." sabi niya.

"I'm not mad, love. I'm actually thankful na mas maaga mong sinabi sa akin. For now, gusto mo ba munang dumito lang?" tanong ko.

Burning Desire (Alejandrino Trilogy 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon