38

1.5K 18 11
                                    

Nagising na lang ako nang dahil sa ingay sa paligid namin. May mga taong sumisigaw, may ambulansiya, at kung ano-ano pang ingay. Medyo malabo ang paningin ko at ramdam na ramdam ko ang sakit sa katawan ko, pati na ang dumadaloy na mainit na bagay sa mukha ko. Bumaling ako sa direksyon ni Tatiana at gan'on na lang ang panghihina ko nang makita ang lagay niya.

Wala siyang malay at duguan ang mukha at katawan niya. Dumadaloy na rin ang dugo sa pagitan ng hita niya. Basag-basag rin ang salamin ng kotse na nanggaling sa direksyon niya. May ilang bubog na umabot pa sa akin. Nang marinig ko ang boses ng isang lalaki sa kabilang banda, nakaramdam ulit ako ng pagkahilo. Naramdaman ko ang pag-alalay at pag-angat nila sa katawan ko papunta sa stretcher. I want to tell them to rescue my wife first, but I couldn't find the strength to speak. May mga sumunod namang rumesponde at si Tatiana ang nilabas nila sa kotse. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagkakamalay.

"T-Tatiana..." I whispered. I extended my hand but I felt an insufferable pain on my arm. Napapikit ako sa tindi ng sakit at kasabay ng pagpikit ko ay ang muling paglabo ng paningin ko at muling pagdilim ng paligid ko.

NANG magising ako ulit, nanuot sa ilong ko ang amoy ng ospital at pagmulat ng mata ko, puting kisama ang bumungad sa akin. Tumingin ako sa paligid at napagtantong mag-isa lang ako sa kwarto. May cast sa braso ko at suot ko pa rin ang suot ko kanina. May medyo matandang lalaki pumasok na nakasuot ng puting coat at nasisiguro kong siya ang doktor dito.

"You're awake, that's good. I'm here to check you and your wounds," sabi niya.

Akmang tatayo na ako pero pinigilan niya ako. "Where's my wife? How's are baby? Are they okay?"

"Sir, calm down."

"No, I want to see them."

"Sir, please-"

"Tang ina naman! Let me see my wife and my daughter."

Sandaling kumunot ang noo niya pagkatapos ay pinakalma ulit ako. "Pilipino ka rin pala. Kumalma ka, hijo. Hindi gan'on kalala ang tama mo, pero kapag nagpatuloy ka sa ginagawa mo ngayon, baka maging komplikado pa."

Nagulat ako sa pagta-tagalog niya. Kahit papa'no ay kumalma na rin ako at umupo aa hospital bed. Nanahimik ang habang tinitingnan niya ang mga sugat ko sa katawan.

"Maayos ka naman. Wala kang pilay maliban sa braso mo. May mga gasgas ka, pero hindi malalim" Bumuntonghininga siya at umiling. "Dapat sana'y pinagpapahinga kita ngayon, pero kung gusto mo, sasamahan kita kung nasaan ang asawa mo ngayon."

Tumango ako. "Thank you."

Mabagal ang paglalakad ko, mabuti na lang at inaalalayan ako ng doktor. Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko habang papalapit sa silid na tinuro kanina ni Doc. Jimenez. Nang buksan ko ang pinto, walang tao sa silid, hindi siya kagaya ng pinanggalingan ko. Ang mayroon lang ay ang parang kama, at isang bagay na natatakpan ng kumot.

"Doc, maling kwarto ang napasukan ko," saad ko pero umiling lang siya.

"Hijo, I'm sorry. We tried everything, but we couldn't save your wife."

I just stood there, unmoving, not knowing what to say. The doctor tapped my back and told me he'll wait for me outside. Mabagal akong naglakad patungo sa katawan daw ni Tatiana. Nang hilain ko ang telang nakatakip, gan'on na lang ang pagbigat ng loob ko sa nakita ko. Tatiana's face was pale, lifeless and full of stitches. Wala nang dugo sa katawan niya. Naramdaman ko na lang pamumuo ng mga luha sa gilid ng mga mata ko.

"Tiana, wake up." Inalog ko ang katawan niya. "Asawa ko, iyong mga anak natin."

My voice cracked and I felt a tear from my eye. Then I remembered our baby and Tamara. Suddenly, fragments of memories flashed in my mind. Naiisip ko pa lang ang buhay na kaming tatlo lang, ang sakit na sa pakiramdam. Paano na lang ang buhay ng mga anak ko kapag wala na ang ina nila. Kakayanin ko bang maging mabuting ama nang wala ang asawa ko sa tabi ko?

Burning Desire (Alejandrino Trilogy 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon