43

1.5K 19 2
                                    

Anger crept through my veins as I leave my office. Sa ilang oras kong nanatili roon, ni isa ay wala man lang akong natapos. Padabog kong isinara ang pintuan sa bahay at dumiretso sa kusina. Thank God Tamara is still in school. I don't want her to see me like this. Masama ang loob kong binuksan ang refrigerator at mas nainis nang makitang wala palang beer doon. Right, I already stopped drinking.

Kinuha ko ang strawberry-flavored milk at iyon ang ininom habang hinihilot ang sentido ko. Parang nakakasakit ng ulo ang mga nangyari ngayong araw. It feels so damn frustrating, and I hate it. Panay ang buntonghininga ko hanggang sa maubos ang ko ang isang carton box ng gatas. Sakto namang dumating ang school bus na naghahatid sa mga estudyante pauwi. Sinalubong ko si Tamara sa may gate ng bahay at nagtatakbo siya papunta sa akin.

"Daddy, look!" sabi niya at itinaas ang hawak niyang papel. "I got perfect score on our math activity!"

Nakangiting ginulo ko ang buhok niya at umupo hanggang magka-level na kami. "Ang galing naman ng Tamara ko. Kiss nga si Daddy."

She kissed my cheek and smiled proudly at me. "Dapat may ibibigay ka sa akin kasi sabi ni teacher very good ako sa school."

Naiiling akong natatawa. Nasanay na siyang may reward tuwing may nagagawa siyang maganda. Palibhasa kasi ay inii-spoil ng mga tao sa paligid niya. Lumalaki ring mataray si Tamara at minsa'y namimilosopo rin. Masiyado siyang literal kausap minsan at napakapalaban. Paano ba naman kasi, laging si Nessa na sobrang magaling mambara ang kasama, kung hindi naman ay si Rielle na maldita rin, minsan naman ay si Kassandra na kinakatakutan ni Hugo. Silang tatlo ang naging mother-figure ni Tamara. Nasanay si Tamara na matatapang ang mga babae sa paligid niya kaya hindi na ako magtataka kung matapang din siya paglaki.

"Ano namang reward ang gusto mo?" tanong ko.

"Wala pa po akong naiisip, Dad. Pero may utang ka na sa 'kin."

Napailing ako at natawa. Grabe, nagkautang ako nang wala sa oras. I didn't realize that my anger and frustration faded. Iba talaga kapag si Tamy, she could take my anger easily.

"Sige, akyat ka na. Magpalit ka ng damit tapos gawin natin homework mo, then let's do whatever you want." sabi ko sa kaniya.

"I already finished my homework kanina, Dad. I had free time so I answered it."

"Good. Very good. Sige na, magpalit ka na ng damit."

Umiling siya at dumiretso sa taas. Umupo ako sa sofa at tiningnan ang cellphone ko. I browsed through my email to check if there's something important. Lahat naman ng negosyo ko ay maayos. 'Di nagtagal, bumaba na rin si Tamara at tumakbo papunta sa akin at saka umupo sa kandungan ko.

"Daddy, I have question po," she said.

"Yeah? What is it, my sweet?"

"Binabantayan po tayo ni Mommy at Kate, 'di ba?"

I nodded. "Yes. Bakit mo natanong?"

"Wala po. I just miss them. Matagal pa po ba bago ko sila makita?"

"Matagal na matagal pa, Tamy. Sa ngayon, sila Mama Nessa, Mommy Rielle at Mommy Kass muna ang magiging Mommy mo."

Sumandal siya sa akin at nakalabi lang. Wala sa aming dalawa ang nagsalita. Nagulat ako nang bigla siyang tumalon at tumayo.

"Can I have dinner and sleep at Papa Jackson's house? Saturday naman po tommorow," she asked.

"Bakit gusto mong matulog doon?"

"Uuwi po bukas si Mama Nes sa province nila. She's staying there for two weeks kaya medyo matagal ko siyang hindi makikita. I want to spend time with her."

Burning Desire (Alejandrino Trilogy 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon