Pagkatapos ng pagbisita ni Kassandra at Jackson sa hospital, bumalik rin kaagad si Tatiana. Ako naman ay umalis para mag-check sa lagay ng restaurant ko. Maganda pa rin naman ang takbo nito at marami pa rin ang high profile na bumibisita. I never expected a family friend of ours to visit today and asked me to join them. Kinumusta lang naman nila ang lagay ng pamilya namin.
It was dark when they left so I called Tatiana to let her know that I'll come fetch them tomorrow morning. Bukas na rin kasi ang labas nila sa hospital. Laking pasasalamat ko na lang talaga na hindi gan’on kalala ang sakit ni Tamara. Plano kong doon muna sila sa condominium ko para masabantayan ko ang lagay nilang mag-ina. It's much more convenient than visiting them everyday in their apartment.
I dropped by the mall to buy the two of them new things they could use and some essentials as well. After this, I'll go looking for Delancy and bring her back to me again. It's only three weeks before our anniversary and a few more weeks before the wedding, I can't let it go to waste. May plano pa kaming mangibang-bansa sa linggo ng anibersaryo namin.
After sometime shopping, I decided to go home and take a rest. Delancy left earlier today, sigurado akong malapit lang siya. I know she is. Kanina lang siya umalis pero miss na miss ko na siya. I can't wait to hug her again, to tell her I love her, aayusin ko ang gulong ito. I promise myself I will.
Pagkarating ko, nag-shower na kaagad ako at nagpahinga, bago pa man ako matulog ay ilang beses ko pang tinawagan ulit si Delancy. She's still not answering, so I just decided to sleep.
I woke up feeling groggy, it's four in the morning and Tatiana told me to fetch them at six AM. Hinanap ko kaagad ang numero ni Delancy sa cellphone ko. Sinubukan ko ulit tumawag pero sa ngayon ay hindi na ito nagri-ring kaya naisipan kong i-text na lang siya. I flooded her inbox.
To: Love
Hey, love, where are you? Susunduin kita.
Magpapalamig ka lang naman, 'di ba? Tell me when you'll come home.
Missing you right now, hope you're here with me, love.
Kahit umalis ka, hindi pa rin nito mababago ang pagmamahal ko sa'yo. Hihintayin kita, Delancy. Aayusin natin 'to. I promised you forever, and I'm not planning to break that. So please, come back.
I love you, Delancy, more than you know.
I'll wait.
I turned my phone off after that. I decided to stretch and went to my mini gym to exercise, to kill time. Five thirty when I decided to go to the hospital. Nakahanda nang umalis ang dalawa. Pagkakita sa akin ni Tamara ay kaagad siyang nagpakarga sa akin. Sobrang higpit ng yakap niya sa akin at parang tuwang-tuwa na makakalabas na siya. We payed for our bill and I decided to treat them to a breakfast at a cafe that only serves breakfast. Pang-umagang shift lang kumbaga.
I ordered a stack of pancakes for myself, while Tatiana ordered bacon, eggs and toast for her and Tamara. I added coffee for us, strawberry milk for Tamara and a strawberry flavored cake slice as well. Paboritong-paborito raw niya ang strawberry, sabi ni Tatiana. Tama nga naman siya, ang laki-laki ng ngiti ni Tamara nang i-serve sa amin ang order namin. Magkaharap kami ni Tatiana at si Tamara naman ay nasa middle-side naming nakaupo sa children's chair. Sinusubuan siya ni Tiana sa pagkain niya na masaya naman niyang tinatanggap. Nang subuan ko siya ng cake ay pumalakpak pa siya sa tuwa.
"Thank you, Adi!" she squealed.
"You're welcome, sweetheart."
Napansin ko naman ang malamlam na tingin sa amin ni Tiana. Natigil pa siya sa pagkain habang nakatingin lang siya. Her lips, tugged in a gratified smile.
BINABASA MO ANG
Burning Desire (Alejandrino Trilogy 1)
General Fiction12.20.22 Already in his early thirties, Kasper Alejandrino is still a philander. His life revolves around partying, fcking women he desires and leaving them as if nothing happened. He doesn't believe in commitment, not until he crossed paths again w...