46

1.5K 20 5
                                    

It's just a normal Monday morning, Tamara went to school early, I'm at home, working, and taking care of KD, and Delancy went out to look for a job. For the past days they've been here, laging siya ang nagta-trabaho ng mga bagay-bagay dito sa bahay. She wakes up early and make us breakfast, she cleans the house, and does almost everything here.

I heard KD babbling while playing with the toys I bought for him yesterday. Binilhan ko silang mag-ina ng mga gamit nila. Mga damit para kay Delancy, mga laruan at mga kailangan ni KD 'gaya ng gatas, damit, vitamins at mga laruan. So far, he's been an obedient child. Mabait siya at hindi iyakin. He gets along with Tamara as well.

"KD," I called him. "Come here, son." He stood up and walked towards me. Kinarga ko siya at tumayo ako.

"Gusto mo bang manood tayo? O gusto mong mamasyal tayo? Let's take a walk around the subdivision." He replied with a giggle, so I assumed he's fine with it.

Mabuti na lang at hindi mainit kahit tanghali na. Naglakad-lakad ako malapit sa bahay namin hanggang sa isang basketball court. Tuwang-tuwa at panay ang palakpak ni KD tuwing may dadaan na sasakakyan kaya naman kahit ako ay natatawa rin sa inaasal niya.

Hindi nagtagal ay may napansin akong bulto ng babaeng papalapit sa amin. It was Delancy holding a folder and a paper bag with her. Kumaway siya sa amin at nang tuluyang makalapit ay hinalikan sa pisngi si KD.

"May nahanap kang trabaho?" tanong ko at umiling siya.

"Wala nga akong nakitang vacancies. Ikaw, sigurado ka bang wala kang alam na job vacancies? Kahit sa restaurant mo wala?"

"Wala. I have enough employees in my restaurant. The second branch will open up in about six to eight months mula ngayon. Matagal pa iyon. At wala rin sa mga kakilala ko ang naghahanap ng mga employee na pasok sa skills mo." I lied.

The truth is, I never asked for anyone. If I wanted to, mayroon na sana siyang interview ngayon o 'di kaya ay nakapasok na kaagad sa trabaho, pero wala akong ginawa. Kapag nagkatrabaho siya, lilipat na kaagad sila ni KD. Just the thought of being away from my son, it drives me crazy. Gusto kong doon lang sila sa bahay ko. Call it selfish, but what the hell.

"Ano'ng ginagawa niyo rito sa labas?" tanong niya.

"Namamasyal lang. Ano 'yang laman niyan?" Tukoy ko sa paper bag na hawak niya.

"Sangkap para sa gagawin kong lunch natin at saka, binilhan ko na rin ng dalawang pack ng strawberry si Tamara."

Tumango ako at nagsimulang maglakad papunta sa bahay kasabay niya. "Marunong ka namang mag-bake, 'di ba?"

"Oo naman."

"Can you make Tamara some cupcakes? Or cake na puwede niyang baon sa school niya. I'll pay you."

Naramdaman ko ang pagbaling niya sa akin. "Oo naman, Kasper. Kahit hindi ko na ako bayaran ay ayos lang sa akin. Sobra-sobra na ang ginagawa ko para sa amin."

"No. I'll pay you."

Natahimik siya at nagdiretso na kami sa bahay. Umakyat siya para daw magpalit muna ng suot at saka bumaba ulit para magluto ng pananghalian namin. Ako nama'y pinalitan ng damit si KD dahil pinagpawisan siya kanina. We stayed in my room watching some cartoons until Delancy called us for lunch.

We sat quietly, and ate lunch. Pagkatapos ay pinatulog niya si KD habang ako ang naglinis sa mga pinagkainan at kusina. She eventually came back and started to mix the ingredients for the cupcakes I requested. Kinuha ko ang laptop ko at bumalik sa kusina. I secretly watched what she's doing while pretending to do something with my laptop.

She did everything smoothly and you can tell she's an expert when doing this. Madali niyang matapos niya ang cupcake, pati na rin ang frosting nito. Binigay niya sa akin ang isa.

"Tikman mo nga kung pasado na," she said.

I took a bite out of it and savoured the cupcake. "Masarap. It tastes really good, Delancy."

"Magustuhan kaya ni Tamara?"

"I know she will. It's really, really good, Delancy."

"Salamat naman kung gan'on."

I stood up and fished my wallet out of my pocket. "Okay na ba ang limang libo para rito?"

"Ano?" Malaki ang mga mata niyang nakatingin sa akin na parang gulat na gulat.

"Is five thousand enough for the cupcakes?"

"Sobra pa 'yan. I told you, Kasper, hindi mo na ako kailangang bayaran."

"But I want to pay you. Take this." Inilapag ko sa harapan niya ang limang tig-iisang libo.

Parang nag-alangan siya pero kinuha rin ang pera at nagpasalamat. Hindi ko mapigilan ang pagtitig ko sa kaniya samantalang siya ay pilit nag-iiwas ng tingin. Nagpaalam siya at akmang aalis na pero pinigilan ko siya.

Shock was written on her face. "Bakit, Kasper?"

"I was just thinking..." Matagal akong hindi nakapagsalita.

"Ano 'yon?"

"Those cupcakes are really great. What if you try to sell them?"

"Sell them?"

"Yeah, like online selling? Made to order cupcakes, gan'on. You can stay at home and look after Kai Delrick while earning money."

Tumango siya. "That's a good idea. Can I use your oven? Kung ayos lang naman."

Tumango ako. "Yeah and if you want to make a website or something to increase sales, use my laptop. If there's any way I can help, just tell me."

Mariin siyang tumingin sa akin. "Why are you doing this? Sobrang pagtulong na ang ginagawa mo."

I stilled but quickly brought myself back together. "Dahil may responsibilidad ako kay KD, at ikaw rin meron. You should also provide for him, kaya tinutulungan kita."

She nodded. "Yeah. Responsibility. Thanks."

"May problema ba sa sinabi ko? You look bothered."

"Sa sinabi mo, wala. Sa pagkakaintindi ko sa mga ginagawa mo, mayro'n."

"Ano ba'ng pagkakaintindi mo?"

"I thought you... Nevermind."

"Maybe I am, Delancy." sagot ko nang walang pag-aalinlangan. "Siguro tama 'yung pagkakaintindi mo."

"Ano ba sa tingin mo ang pagkakaintindi ko?"

Sinalubong ko ang titig niya sa akin. "Ano nga ba ang pagkakaintindi mo?"

"Na mahal mo ako kaya ginagawa mo 'to. Na hindi lang si KD ang dahilan kaya ginagawa mo 'to. Tell me, Kasper, kahit kaunti lang, may pagmamahal pa bang natira para sa akin o binuhos mo na lahat kay Tatiana? May lugar pa ba ako sa buhay mo?"

"May magbabago ba kung sasabihin kong ‘oo’?"

Burning Desire (Alejandrino Trilogy 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon