Nandito pa rin kami ni Delancy sa bar, lasing na lasing na siya dahil kanina pa siya umiinom.
"Kasper, let's dance," halos isigaw na niya at hinila ako papunta sa dance floor.
Hinayaan ko na lang siyang hilain ako, nang makarating sa gitna ay kaagad siyang umindak sa tugtog. Her back was facing me, her body is against mine. I can feel her ass rub against my crotch every time she bounce her body.
I swallowed the lump in my throat, I can feel myself getting hard and she doesn't seem to notice. Mas lalo pa niyang idinikit ang katawan sa akin kaya ramdam na ramdam ko ang pang-upo niyang tumatama sa pagkalalaki ko.
Hinawakan ko ang bewang niya at medyo inilayo ang katawan niya sa akin pero mas dumikit pa siya. Wala na akong magawa kung 'di hayaan siyang sumayaw at tiisin ang pagsikip ng pantalon ko.
Alas dose na nang magdesisyon siyang umuwi, akay-akay ko pa siya dahil hindi na niya kayang maglakad ng diretso. Tahimik lang siya sa biyahe, akala ko tulog na kaya naman nagulat ako nang bigla siyang magsalita.
"You know what, Kasper? Ang sakit ng ginawa niya," panimula niya.
Hinayaan ko na lang siyang magsalita, nag-focus ako sa pagda-drive pero nakinig pa rin ako.
"Masaya na kami e', akala ko perfect na. Pero nalaman ko na lang, may asawa na pala siya. Ang sakit."
"You'll get over him."
"Sayang ka, e'!" nagulat ako nang bigla niyang isigaw 'yon.
"Anong kinalaman ko r'yan?"
"I liked you back then," she said, napatingin ako sa kaniya.
"What? Anong pinagsasabi mo r'yan, Delancy? Lasing ka lang."
"Back in America, I liked you but you're too caught up with your sexcapades, you couldn't even notice it!"
"Why didn't you tell me?"
"I thought you knew, akala ko noong ibigay ko sa'yo ang virginity ko magiging maayos na ang lahat," saad niya.
"And then?"
"I thought you'd like me back but nothing happened. Noong umuwi kami ni Dad dito sa Pilipinas, nag-move on ako. I met him, siya rin ang nagpasok sa akin sa trabaho ko. Matagal na kami, but he's a dumbass, a worthless, lying, dumbass!"
Hinayaan ko siyang magsalita nang magsalita habang nagda-drive ako. Hindi ko na maintindihan ang ibang sinasabi niya dahil mas iniisip ko ang sinabi niya kanina.
Kung nalaman ko ba noon, may pag-asa bang nagkaroon nga kami ng relasyon?
I shook that thought off my head.
Nang makarating kami sa apartment niya, inakay ko siya palabas ng kotse. Hindi pa rin siya tumitigil sa pagsayaw sayaw kaya halos kaladkarin ko na siya papasok. Medyo nakakahiya rin sa mga kapitbahay at iilang taong dumaraan dahil ang lakas lakas ng bunganga niya.
"Delancy, please let's go inside," bulong ko,
"Kasper, get inside me," saad niya at napatingin ang ilang nakatambay sa malapit na bench.
"Sorry, she's drunk," saad ko.
"Pft, look at you, Kasper! Namumula mukha mo!"
Pahirapan ko pa siyang pinasok sa loob ng bahay niya. 'Di hamak na mas malaki ang katawan ko kaysa sa kaniya pero nahihirapan pa rin akong kontrolin siya dahil sobrang likot niya.
"Delancy, calm down!" Saad ko at pinilit siyang umupo sa couch niya.
Naupo ako sa tabi niya at hinilot ang sentido ko. Hindi sumasakit ang ulo ko sa alak pero mas malala ang tama niya kaysa sa alak.
"Kasper!" she yelled then threw herself on me. She sat on my lap and straddled me.
"Delancy, what are you doing?" I asked.
She traced my jaw with her finger and caressed my cheek.
"May chance ba tayo, Kasper?" she whispered.
"Delancy, sinasabi mo lang 'yan dahil lasing ka."
"I loved him, but I still think of you. Every time we made love, I think about how you and I did it," bulong niya.
"Lance, magpahinga ka na."
Nagulat ako nang ilapit niya ang mukha niya sa akin.
She brushed her lips against mine, my breath hitched. She pulled away and stared into my eyes.
"I kept this for so long, dati, I want to be one of your girls pero, Kasper, can I be your only girl?"
"Lance," I whispered, not knowing what else to say.
She buried her face on my neck planting kisses as her hands slide up and down my biceps. Marahan niyang kinagat ang balikat ko, unti-unti na akong kinakain ng init ng katawan ko. Nagulat na lang ako nang maduwal siya at nasuka sa balikat ko.
"Shit, Delancy!" singhal ko at dali-dali siyang dinala sa kaniyang banyo.
Tinanggal ko rin kaagad ang polo ko at pinunasan ang parteng iyon. Naghanap ako sa closet niya ng kakasya sa akin, mabuti na lang may mga plain shirts siyang malalaki, masikip nga lang sa akin.
"Mag-brush ka na and take a shower," saad ko nang medyo kumalma siya.
I prepared some clothes for her while waiting for her to finish taking a shower. Lumabas ako sa kuwarto niya at hinintay siyang makapagpalit. Naghanap rin ako ng blower dahil hindi siya puwedeng matulog na basa ang buhok. Bamalik ako sa kuwarto niya at napansing inaantok na siya. Pinaupo ko siya sa isang upuan. I dried her hair and she's trying hard not to fall asleep.
"Lance, sleep now," I told her.
Hindi na siya umimik at nahiga na sa kama niya. Aalis na sana ako nang maramdaman ang kamay niyang pumigil sa akin.
"What is it?" tanong ko pero hindi siya sumagot.
In the end, I sat beside her. I stroked her hair and waited for her to fall asleep. Lumabas na lang ako nang masigurong mahimbing ang tulog niya. Kinuha ko ang maruming polo ko at inilagay sa kotse ko. Naisip kong umuwi na pero nag-alangan ako.
Lasing si Delancy at mag-isa, baka may hindi magandang mangyari sa kaniya. Bumalik na lang ako sa loob at nagpasyang matulog sa sofa niya. Malaki ang kama ni Delancy pero hinding-hindi ako tatabi sa kaniya lalo na't wala siyang permiso. Nahirapan akong matulog dahil na rin sa sinabi niya kanina. Medyo sanay na ako, ilang beses na akong hindi nakakatulog nang maaga dahil kay Delancy and it's driving me crazy.
ALAS sais ng umaga nang magising ako, mahimbing pa rin ang tulog ni Delancy. Nagtungo ako sa kusina niya at nagluto ng makakain. Lumabas rin ako para bilhan siya ng gamot. I wanted to stay and wait for her to wake up but I still have work to do. I just left a note on her table and kissed her forehead before leaving.
BINABASA MO ANG
Burning Desire (Alejandrino Trilogy 1)
General Fiction12.20.22 Already in his early thirties, Kasper Alejandrino is still a philander. His life revolves around partying, fcking women he desires and leaving them as if nothing happened. He doesn't believe in commitment, not until he crossed paths again w...