16

2.1K 30 3
                                    

I fetched Delancy so we could see how the construction is going. So far, maganda na siya. Konti na lang matatapos na. Ngayon, nagda-drive ako papunta doon.

"Kailan pala 'yong sinasabi mo kagabi?" tanong niya habang kumakain ng burger.

"Excited for our date, love?"

"Tantanan mo ako, lalaki. Kinakausap kita nang maayos, sumagot ka nang maayos."

"Okay, you don't have to be so masungit. It's tonight."

"Saan ba?" tanong niya ulit.

"Bar daw, e'."

"Ha?! Wala pala akong damit na maisusuot!"

Nagulat ako sa pag-sigaw niya kaya nabigla ko ang pag-preno. Mabuti na lang naka-seatbelt kami at walang sasakyan. Pero nalagyan ng maraming ketchup mula sa burger niya ang pisngi ni Delancy. Mabuti na lang may panyo ako, pinunasan ko iyon at hindi ko mapigilan ang mapatitig sa bibig niya habang ginagawa ko iyon. Hinawakan niya ang kamay kong may hawak sa panyo. Tumingin ako sa mata niya at nakitang nakatitig rin siya sa bibig ko. Unti-unti kong inilapit ang mukha ko sa kaniya at kagaya kagabi, bigla siyang pumikit. Kaunti na lang at maglalapat na ang bibig namin pero bigla siyang umiwas.

"Sorry, big mouth lang.," sabi niya at inagaw ang panyo at saka pinunasan ang mukha.

Ngumiti lang ako at bumalik sa pagkaka-upo. Nagpatuloy ako sa pagda-drive. "Ano nga 'yong sinasabi mo kanina? Wala kang maisusuot?"

"Oo, I got rid of my dresses na. Binenta ko." Iniliko ko sa kanto ang kotse. "Hoy, diretso 'yong papunta sa pupuntahan natin!" sabi ni Delancy.

"Don't worry, sa mall tayo pupunta. Let's go shopping."

"Hindi ako nag-dala ng pera, Kasper."

"Delancy, para saan pa't nanligaw ako sa'yo kung damit lang hindi pa kita mabilhan?" tanong ko.

"Ang yabang, palibhasa mayaman. Iyong manliligaw ko dati, hindi naman ganiyan. Bulaklak nga lang dati binibigay sa akin, iyong plastic pa pero okay na ako roon." mahabang sambit niya.

"And what did that manliligaw of yours did? Kung 'yang ganiyang tao ang ipinagmamalaki mo, Delancy, sana magkasama pa kayo ngayon. You should've just been with me. Kahit isang ektaryang garden pa ang ibigay ko sa'yo." sagot ko naman.

"Pangit niya naman, okay lang. Huwag kang mag-alala, Kasper, mas gwapo ka sa kaniya." I smiled upon hearing that.

Pagka-park namin sa parking lot ng mall, dumiretso na kami sa loob. May mga boutique sa loob na nag-bebenta ng iba't-ibang damit.

"Hoy, mura lang ang bilhin mo, ha." sabi niya.

"Ikaw na ang mamili." sagot ko.

Nag-tingin-tingin siya ng mga damit na puwedeng isuot mamaya. Ilang beses siyang may kinuha pero binabalik rin kaagad kapag may sinasabi ang salesman. May nakita akong isang itim na bodycon dress. It looks simple, walang ibang design pero sobrang ganda.

"Delancy, look at this," sabi ko.

Lumapit siya sa akin at ipinakita ko ang damit.

"Ang ganda, simple lang siya."

"Do you want it?"

"Sige, pero tignan mo muna 'yong price."

"How much is this?" tanong ko sa salesman.

"Four thousand nine hundred and ninety-nine pesos, Sir." sagot niya.

"Hala, ibalik mo. Ayoko pala niyan!"

Napatingin naman ako kay Delancy pagkasabi niya n'on. "But you said it's pretty."

"And so is the price, sobrang pretty rin."

"Ma'am, mura na po 'yan." sabi ng salesman.

"Sorry, isa akong hampaslupa. One-five nga lang 'yong dress ko na ginagamit ko noon. Saan ka makakakita ng damit na ang mahal pero ang simple?" bulong niya pero narinig ko pa rin.

"We'll take this," sabi ko sa salesman at napansin ko ang isang black na stilettos na babagay sa damit.

Panay ang protesta ni Delancy pero binili ko pa rin iyon. Nakasimamgot siya noong umalis kami sa mall.

"What's with that look, love?" tanong ko.

Binatukan niya ako at umirap. "Halos sampung libo ang perang ipinambili mo sa mga bagay na mamayang gabi ko lang gagamitin."

"It's okay, Delancy. Hindi naman kita sisingilin."

Napabuntong-hininga na lang siya. "Anyway, pupunta pa ba tayo sa restaurant mo?"

"Nope, ihahatid na kita sa apartment mo. You should take a beauty rest so you'd be refreshed mamayang gabi. After all, I'm gonna flex the most beautiful woman to my friends."

"Ha? Ano?!" pasigaw na tanong niya.

Mabuti na lang hindi ako nag-preno. Nakakagulat talaga ang lakas ng boses niya. "Well, my friend invited me and parang reunion na rin kasi naming mag-kakaibigan iyon since all of us are busy."

"Hala, nakakahiya. Bakit naman hindi mo sinabi kaagad?"

"Bakit ka nahihiya?"

"Paano kung mag-dadala rin sila ng mga babae nila? Hala, Kasper, paano kung hindi-"

"Delancy..."

Tumigil siya sa pag-sasalita nang tawagin ko siya. "There's no need to impress them. I'm sure you could do that without even trying but if you can't, it's okay. Ako ang nagmamahal sa'yo, hindi sila." sabi ko.

Napabuntong-hininga naman siya saktong pag-tigil namin sa tapat ng apartment niya. Sinamahan ko siya hanggang sa pagpasok at ako rin ang may hawak ng shopping bags niya.

"Here you go." sabi ko at inilapag iyon sa upuan.

"Are you sure about this, Kasper?" tanong niya ulit.

"Ikaw lang naman ang hindi sure." pabirong sagot ko.

Tumalikod na ako at aalis na. "Bye, Delancy. See you tonight, I'll fetch you here, okay?"

"Anong oras ba?"

"Around seven?"

Tumango lang siya at kumaway nang umalis ako. Masaya akong nag-drive pauwi. Nasa bahay na ako nang ma-receive ko ang text ni Rome.

'You coming tonight?" he asked.

'Yes, man!'

'I have girls who are willing for one night stand'

'Gago, I'm courting someone!'

"She doesn't have to know."

Nainis naman ako sa reply niya kaya hindi ko na siya sinagot. Even if Delancy won't know, I'm still not doing it. I promised to be faithful to her even if we're not together and I'm not planning to break a single promise.

Mamayang gabi, kasama ko si Delancy sa pupuntahan ko and I'll show them, I'll shove it in their mouths how beautiful my woman is.

Burning Desire (Alejandrino Trilogy 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon